Cover

Chapter One

Her surroundings seemed to tremble ng magising sya ng umagang iyon. Headache, as usual had been her faithful buzzer. Umaga na naman! The golden rays of the sun was passing through her purple curtains galing sa nakabukas na bintana ng kwarto nya. Kahit na walang TV sa kwarto nya at kahit hindi sya nakakapanood ng daily weather forecast, she definitely knew it would be a good day! Ganun rin kaya ang kalalabasan sa takbo ng buhay nya? Marahang kinusot ni Paige ang inaantok pa niyang mata, inunat ang kayang nananamlay na mga kamay at sinabayan pa ng isang buwis-buhay na hikab. Linggo. Linggo na naman. Isang walang kwentang week na naman pala ang lumipas sa buhay nya. But what about sunday? Napaisip siya sabay kisap ng namumungay pa niyang mata. Ano nga bang task ang naka-assigned nyang gawin for that certain day? Ang alam lang nya ito ang pinaka-hate niyang araw dahil kinabukasan e may pasok na ulit. She circled her eyes, tapping her forehead. Wala. Bokya. Zero. Walang pumasok sa utak niya. No matter how hard she tapped, shake and spun her head still, wala talaga kahit ga-monggong idea man lang.

Sakit na ata niya yon. Makakalimutin! Napatingin siya sa kabuuan ng kanyang silid. Wow! Umiikot at gumagalaw pa ang mga gamit! Parang naka-drugs lang ang feeling. Umiikot nga ba o napalakas lang talaga ang pag-sapok nya sa kanyang nagla-lag na ulo? Mga libro, bolpen, papel … crumpled papers… there were everywhere! One thing she cannot maintain was tidiness. Her room was in a great mess as it always was. Napatingin si Paige sa mesa sa tabi nya. Tons of paper works not of job but of school. Nanlaki ang kanyang mga mata nang may maalala siya. Speaking of job, kelangan nga pala nya ng trabaho! Working student na sya simula ng mag-aral sya sa University, a tough one .. talagang mahirap but she managed to survive. Lampas nang alas-otso at dapat wala na sya sa kanyang kwarto sa ganoong oras pero anong nangyari? She flipped her phone open, low bat. Napabuntong hininga si Paige at mabilis na nagtungo sa bathroom para maligo.

Awww. Brown out? Kelan pa nauso ang brown out dito? She took a deep breathe and sighed. Mamaya na nga alang ako maliligo. Mabango pa naman ako e. Inamoy nya ang sarili. Cologne-cologne nalang.

Why does luck never favors her? In all her life, napakamalas na ata nya. And she absolutely knew that. Anyway, tanggap na naman nya. Wala nang choice e.

Paige Williams was on her senior years at the University of Hartford, a prestigious one gaya nga ng sabi nila at alam naman ng lahat. She took an architectural course as what her mother wants. At dahil sa isang prestigious school ang pinapasukan niya, natural lang na mayayamang tao ang makakasalamuha niya but unfortunately, hindi naman sya isa sa kanila. She had no dough at walang arte sa buhay. She had nothing but a pair of jeans na lagi niyang suot. Sa katunayan kupas na nga kalalaba niya. She was absolutely broke and all that was left for her ay ang utak niya. Luckily, she got a “huge one” kahit na kung minsan e pumapalya. 24/7 ba naman niyang gamitin? Pero at least malaki naman naitulong noon sa kanya. It was her passport to that University, a so-called scholar of Hartford. At proud sya dito!

Mabilis na nilinis ni Paige ang napakakalat niyang kwarto at inihanda ang mga kelangan para sa kanyang ultimate job hunt. Isang matabang babae na nasa edad ng mid-forties ang gumulat sa kanya ng buksan nya ang pinto. Muntik na tuloy siyang mapatili buti napigilan nya.

“Mrs. Davis,” bulong ni Paige, curious sa biglang pag appear ng land lady nya sa harap ng pinto nya. She suddenly had a thought kung anong nagtulak sa ginang na mapunta sa kwarto niya. Cold sweat runs down the corners of her face as she gestured the woman to come in.

“Paige Williams,” bungad nito, nakapameywang sa katarayan. Hinintay niya ang next phrases na sasabihin nito with an awfully troubled look. She somehow had a bad feeling about it. Lalo na sa mga tingin sa kanya ni Mrs. Davis “Gusto ko lang ipaalala sa’yo ang rental bills mo. Baka kasi nakakalimutan mo na.”

She set a faint smile on her lips. Sabi na nga ba e. Oo. Alam naman niya 'yong about sa rental bills. At alam rin niya na hindi pa naman deadline. As accustomed, hindi pa nga due date e naniningil na ang bruha.  She was a really terrible woman. Sa katunayan, halos lahat ng boarders have moved out of that apartment. Lima nalang ata silang natitira doon kung hindi siya nagkakamali. It was really a burden for her especially if she had been living alone. Kahit na hindi naman kalakihan ang inuupahan niyang kwarto, mahal at mabigat pa rin sa bulsa. Napakamot siya sa kilay sabay sabing, “Pwede po bang next week nalang? Medyo kinapos po kasi ako ngayon. Babayaran ko naman po kayo kapag nakahanap na po ako ng bagong trabaho.”

Napa-ismid ang bruha sa sinabi nya. “A week? Nababaliw ka na ba? Napakatagal noon!” The woman fanned out her hand. Napakaalinsangan talaga sa kwarto nya kasi wala naman syang air con. Ahem. Ni electric fan nga e wala, air con pa kaya? “Alam mo naman siguro na may mga bagay rin akong kelangang bayaran at kelangan ko na ang bayad mo ngayon. Dapat nga noong isang araw pa kita siningil. Tsaka may anak rin akong kelangang buhayin.” Isang napakatabang batang lalaki na nasa edad lima ang sumilip sa may tagiliran nito. Yon si Miki, ang nag-iisang anak ng land lady nya. Mukha ngang pinapakain ng husto ni Mrs. Davis ang anak, kita naman sa hawak-hawak na fried chicken sa kamay nito plus isang malaking potato crisp sa isang kamay. Meryenda palang yan. 

“Oo nga, mukhang kelangan talaga nyong pakain ang anak ninyo… baka mangayayat,” bulong ni Page saka ngumiti ng pilya. She could not imagine if the child continue to expand like a huge balloon. Sikip na nga halos lahat ng mga damit nito. Ibinaling niyang muli ang atensyon sa land lady nya na mukhang naiinis na rin sa paghihintay. “Kahit po konting panahon lang? Wala po talaga akong maibibigay sa inyo sa ngayon,” marahan niyang paliwanag dito. Alam niyang hindi siya magaling na artista pero sana lang mag-work.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng bruha. “O sya sige. Dahil maganda ka naming magbayad, bibigyan pa kita ng tatlong araw na palugit para mag-impake ng mga gamit mo.” Bago pa man siya makapagsalita matulin na siyang iniwan nito.

Napakagahaman talaga ng bruha na ‘yon. Naisip niya at sinabayan pa ng pag-iling. Kung sinusuportahan man lang sana sya ng papa niya kahit na konting sentimo e di makakapag bayad na sana siya ora mismo. Sa kasamaang palad, mukhang nakalimutan na nang itinuturing niyang ama na may isa pa syang anak na naghihirap at nagdurusa mag-isa. Napaismid na lamang siya sa kanyang naisip. Bakit nga ba sya binigyan ng isang amang katulad ng meron sya? Naningkit ang mga mata ni Paige at mabilis na isinara ang pinto. Papababa na sya ng hagdan nang may mapansin siyang dyaryo sa basurahan. Sa hindi malamang dahilan, brought by her curiosity maybe, agad niya itong kinuha at hinanap ang classified ads corner at binasa ito pababa ng hagdan.

Mainit na ang sikat ng araw sa balat niya nang isa-isahin niya ang bawat tindahan na feeling niya e suited para sa part time job. Wala siyang pakialam kahit na mahirap iyon as long as kaya naman nitong buhayin siya sa araw-araw. Living alone was not an easy thing. It was almost past noon pero wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Halos mamarkahan na niyang lahat ang ads na nasa dyaryo nya pero lahat sila ay nauwi lamang sa isang malaking letter “X”. Take note pula pa mandin! Napabuntong-hininga sya sabay shoot ng dyaryo sa basurahan. Walang kwenta naman. Unti-unti na niyang naramdaman ang pagsakit ng tyan niya.

“Gutom na ako,” bulong nya at naupo sa tabi ng daan.

Halos lahat ng makita nya busy sa kani-kanilang lakad, unlike her, na nakaupo at naghihintay sa kung anong darating. How long would she stay like that? A hopeless, no-good girl ng Hartford. Wala naman siyang kaibigan na masasandalan o mauutangan man lang. Besides, hindi siya mahilig mangutang.. Bakit? Kasi mahirap magbayad! Hmm.. Pagdating sa kaibigan? Teka! Meron naman pero ang problema, milya-milya ang layo nito sa kanya! Lalo naman sa University, lalong wala. Ni isa nga walang pumapansin sa kanya doon. May bad record na kasi siya and everyone thinks of her as a war-freak lass. Ayaw kasi niyang tinatapak-tapakan at pinapakailaman siya sa mga bagay na ginagawa niya. Alam niyang iba sya sa lahat. Gusto niyang mapag-isa. She even dress like an old-fashioned lady of the nineties with her simple jeans and plain shirt. Kung minsan pa nga e napapagkamalan pa siyang tomboy. Alam naman ng lahat na nabubuhay sya on her own, pinapag-aral ang sarili as working student at ‘yon ang nakakapagpababa sa paningin ng karamihan sa kanya. It makes her an inferior to them, of high class brats. Halos wala ngang nakakakilala sa kanya at wala namang gustong malaman ang pagkatao niya. Pero hindi naman ibig sabihin noon e panget sya. Ibang usapan na yon. Actually, Paige was a pretty girl with her long, blonde hair although not everyone noticed that. Yon nga lang minus points ang fashion style nya.

Paige watched the people passed by in silence. Ni isa wala man lang nakaka-notice sa kanya. It was a fast moving world and everybody was busy on their own agendas. Society of rich class people where poor, incompetent ones have no place. Bigla na lamang may naka-attract ng atensyon nya, ladies that wore trendy clothing with their high-heeled shoe and red lips. Wow! Imagine kung gaano kagaganda ang mga yon. Pero tanggalin ang make-up, walang panama sa kanya! Paige suddenly smirked. Kilalang-kilala nya kung sino ang mga yon at hindi sya pwedeng magkamali. It was the Queen of Hartford! Tiffany with her pals. Ibinaling na lamang nya ang paningin sa ibang direksyon sabay ngisi, imagining herself wearing such tight fitting mini-skirt and stretchy tube tops. Paige suddenly burst into silent laughter, stroking back the strands of hair that fell on her face saka nagpatuloy sa kanyang sariling agenda.

 

She passed on a common stand and suddenly halted. Hartford University and the Suicide Incidents. Ito ang bumungad sa bukas na TV sa isang appliance store na nadaan niya at sinundan ng live interview sa isa sa mga pamilya ng nasawi. Napabuntong-hininga si Paige. Suicide had been a normal thing to her pero the thought na nangyari ito mismo sa loob ng University brought chills to her spine. Lalo na kung ang mga biktima e puro babae na sa isang tingin e hindi mo aakalaing gagawin ang mga bagay na yon. She wonder what had gotten into their minds. Nasa kanila na nga ang lahat, maging pera or fame! They had everything at all and still, they preferred to kill themselves. Nanliit ang mga mata niya without knowing the reason why. Either sa awa o sa pagkainis. Mabilis siyang tumayo at ipinagpatuloy ang job-hunting niya. It’s better than thinking of the things she had nothing to do about. 

Chapter Two

Ang napakaingay na bulungan sa di kalayuan ang nakapagpakunot ng noo niya habang binabaybay ang daan patungo sa University ng sumunod na araw. Ano pa kayang mas lalala kung wala kang nahanap na trabaho? She was indeed ruined and penniless. Isang nakapanlulumong ngiti ang pinkawalan ni Paige and fixed her mind on the scene. Police were all over the entry. Siguro kadadating lang nila dahil bukas pa nga ang makina ng sasakyan ng mga ito. Students, professors pati mga tamang usyoso lang cluttered on the walkway. Halos karamihan sa mga estudyante ay may kanya-kanyang channel pero iisa lang ang topic as they lean on the imposing wall of the University. Nilampasan lang niya ang mga ito matapos sulyapan at nagtungo na sa umpukan. 

“I can’t believe he was dead,” a girl blurted, at mangiyak-ngiyak pa. Agad namang nagpakita ng sympathy ang mga kaibigan nito as they gently patted her shoulders. “I just saw him yesterday. A-At ngayon… he’s gone!”

Umarko ang kilay niya. Gone? Who’s gone? She took a quick pace and made her way through the group. Isang ambulansya ang mabilis na pumarada sa tabi ng umpukan at agad na nagsibabaan ang mga medical pros na sakay nito. Suddenly, a group of people came out of the mob, buhat-buhat ang stretcher kung saan naroon ang wala nang buhay na katawan ng isang estudyante na nababalutan ng puting damit. An elderly woman with her husband followed, weeping in grief. Isa na namang suicide incident. Paige gritted her teeth. She felt bad for the family of the student. Bakit nga ba nagagawa pa ng mga taong katulad ng mga ito ang ganoong bagay? It was sin to kill and so as to die with your own hands.

“Nathaniel Gray. It was him, right?” Narinig niya sa kanyang likuran. Nathaniel Gray? Hell, yeah. Paige covered her lips in terror. Classmate nya ito! Engot. Bakit nga ba hindi nya namukhaan ang mama nito.

“Nathan,” bulong niya, troubled sa narinig. She could not believe it. Napakabait pa naman nito sa kanya. Poor guy. Perfect na ang life nito but still... “I can’t believe this.” Yon na lamang ang nasabi niya. Windang pa rin sa nangyari.

Pinagmasdan ni Paige habang papalayo ang ambulansya. Sinundan naman ito ng police mobiles habang unti-unti namang nagsialisan ang mga tao sa harap ng University na parang walang nangyari. Normal na ata ang ganoong insidente sa kanila in some way. Everything went back to normal... perfectly. She took a deep sigh and shook her head. “Buhay nga naman…” She turned her back and continued. 

Nagsimula nang magdatingan ang mga classy na sasakyan at natural, nilampasan lang sya dahil hindi naman talaga siya kilala ng mga may-ari nito. Make sense naman di ba? Paige watched them at na-realize nya kung gaano kaswerte ang mga ito and yet, stupid. She noticed a guy stepped out of a white Porsche 911 luxury car. He was wearing a white shirt with a cool, black jacket and taupe denims. Matangkad, somewhat 5’11 in height and had a slender, manly built physique. Everything was quite perfect except for his huge backpack and a nerd-looking glasses which is a major turned off. Idagdag pa ang hairstyle nito na halos dinaig pa ang lolo niya. Paige smirked in silence. Transferee siguro ito or something. O pwede rin namang exchange student? Hmn. Who cares? None of her business. 

Napansin siya nitong nakatingin. Napaarko ang kilay niya ng bigla nalang itong ngumiti sa kanya. There was something in him that was odd in a more amusing way but she cannot exactly comprehend kung ano ba talaga ito. He turned to leave and was suddenly bumped into a group of good-for-nothing, social punks that was passing by.

“Pwede ba tumingin ka sa dinadaan mo!” singhal ni Christopher at tinulak ito patabi sa daraan nila. The others smirked and mocked at him. Si Christopher Gregory ay anak ni Mr. George Gregory, a multi-millionaire and noted shareholder of the University. Well, bukod pa dun… he was a total jerk. Sa kabila ng good looks nito at kayamanan, he had a rotten persona. Kung hindi dahil sa ama nito he was nothing but a haughty coward who spent his years bullying others and dating out the hottest girls in the campus, tulad na lamang ni Tiffany Cooper at iba pa. 

“Sorry,” the guy intoned, lowering his gaze at saka akmang aalis. Weird gestures and laughter followed. One of them raised a brow and jolted the man on his side, gesturing something only they could understand. Minamasdan lang ni Paige ang mga ito sa di kalayuan, arms crossed over her chest. Bullies. 

Isa sa mga kaibigan ni Christopher ang humaltak pabalik dito. “Missing something, four-eyed geek.” Nagsimulang magtawanan ang mga ito at pinalibutan ang lalaki. The guy suddenly smiled, isang pilyo yet innocent one. Iba talaga ang aura nito. Behind those freaky glass somewhat lies an intimidating character. Bigla na lamang kinuwelyuhan ito ni Christopher. “Anong nakakatawa, freak?”

Things might have gotten worse kaya si Paige like a heroine, came to rescue the geek in distress at ginawa ang kanyang unexpected entrance. “Hey! Nag-sorry na sya di ba? Now, leave him alone,” she said with an arced brow. Napatingin ang lahat sa kanya at napaismid ang mga ito. Isang mapang-asar na ngiti na lalong nakapagpainis sa kanya.

“What a brave mouse,” Christopher remarked and chuckled with an indecent tone saka itinulak palayo ang misteryosong lalaki. “Dearest Paige...” sabay hawak pa sa balikat niya.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya kay Christopher. “Wag mo nga akong mahawak-hawakan.” Agad niyang tinabig ang kamay nito. Her look was awful. Kahit kailan hindi niya pinangarap na makisalamuha sa mga ganung uri ng tao sa loob ng University unless she want to be expelled in no time, na muntik na ngang mangyari dati. However, things keep on occurring without her consent.

Christopher pulled a face and smirked, restraining his arm from touching her shoulders. “Hmm… I really like to date you.” Nagtawanan ang mga kaibigan nito. Imagining na ang kaibigan nila gustong i-date ang mas barako pa dito?

“Psh. Not a chance.” sabi nya and laughed with them in a more sarcastic way. Sarcasm was her wonderful way of enraging someone which in no doubt, brought her into a lot of troubles. Biglang naging seryoso ulit ang poker face nya saka sinabing, “Ano pang hinihintay nyo? Alis!”

Christopher sneered and instructed his pals to leave, peeved. Pakunwang susuntukin pa niya ang isa sa mga kaibigan nito na agad naman nitong ikinagulat at napaurong sa pagkabigla. They already knew her. She had been into a dozen of fights outside the University. It was definitely a dreadful manner for a girl to have pero hindi na uso sa kanya ang feminine style e. Lalo na’t alam niyang wala naman siyang prince charming na magtatanggol sa kanya. She pouted and rubbed the tip of her nose. “Jerks.” Pagkasabi nito ay akma na siyang tatalikod para umalis.

 

“Thanks.” The guy thanked her with a smile, showing his pleasing, white teeth. Agad naman siyang humakbang paalis saka itinaas ang kanyang kamay. Her one way of saying, No problemo amigoAdios! 

The guy smirked. Impressive. There's a possibility na magiging exciting ang semester na 'to. Stephen pressed his glasses into a tight fit saka nagtungo sa ibang direksyon. 

Chapter Three

With the sun high above him, mukhang napakagandang timing ito para mag-adapt sa bago nyang environment. Nasa rooftop siya as he surveyed the place. Hartford University was definitely a huge private institution. Broad walls surrounds the campus with a remarkable structure. Kahit yong building halatang gawa sa high-class machineries and equipment that made it stood still until now, enough to handle twenty floors na puno ng libong estudyante. The building in which he was standing was on the University’s southern part. It catered mostly yong mga technological courses at yong ibang palapag naman naka-reserved for computer-equipped facilities. Tiningnan niya ang blueprint ng University sa tablet nya, virtual architecture ng school ang nag-appear sa screen nito that was triggered with a touch. Sa east naman, dun makikita ang seventeen storey building, reserved for laboratories and other highly advanced courses. Botanical garden on the southeast at may hall for the archives sa gilid nito. He tilted the image. The University catered a café west of the archive. It was followed by another building, seventeen storey rin with a rooftop catered. Ang front office and the admission hall naman lies at the heart of the University. Parking garage was near the entry and surveillance cameras were all over the University, monitored by the security officers 24/7. He twisted the small rounded device beside the lens of his eyeglasses, zooming it for six times wide optical zoom. Mula dito ay kitang-kita nya lahat ng mga nangyayari sa loob ng campus. Some students were busy chattering on the corner, samantalang yong iba naman sitting pretty sa mga benches and some are… kissing on the hallway? He clears his throat and set back the magnification to normal. Some things are meant to be keep in private. Besides, nagwowork naman yong device. Bahagya siyang lumapit sa railings. Nababalot nito ang kabuuan ng roof top. Looking down, he could just barely see the students that was passing by sa taas nito. Talagang kung suicide at suicide rin lang ang hanap mo, in na in sayo ang lugar na ’to. He zoomed in the lens and saw some medical personnel decontaminating the area kung saan nakitang nakahandusay ang katawan ng biktima. He examined the railings. Bahagyang napaarko ang kanyang kilay. Scratches. Halatang bago pa ang mga ito. He was in the middle of inspection when his phone suddenly ring.

“Kumusta Stephen. Found anything yet?” tanong ng boses sa kabilang linya.

He twisted the device back. “Still under investigation.” May pag-aalinlangan niyang sagot. Alam niyang krimen ang pagsisinungaling sa isang superintendent pero hindi pa ito ang oras para mag-report ng kung ano mang haka-haka. He still needs evidence. Napasulyap siya sa mga marka sa nasabing railings. The victim might hesitate to jump at the first place. Kung tumalon ito, bakit nagkaroon pa ng marka sa railings? Free na free naman itong tumalon. Wala rin namang nakitang suicide instruments ang mga pulis gaya ng lubid na pwedeng mag-iwan ng ganoong marka. He narrowed his eyes. Something might be going on in this University. If he was not mistaken, it was murder not suicide.

“Bakit natahimik ka?”

Napansin na siguro ng kausap niya ang kanyang sudden reticence. Agad naman siyang sumagot. “Wala naman. It was just something.”

Narinig niya ang slight na pagtawa nito. “Oo na. Sanay na kami sa’yo. Anyway, who was it again?”

“Nathaniel Gray. Isang senior and he was currently taking architectural course,” he replied and shove his hand into his pocket as he look around his perimeter. “Namatay siya approximately 10: 45 last night. Suicide as they say.” Which he absolutely doubt.

“Suicide number twenty,” the voice said and smirked. “Tricky incident. Well, just notify me if anything happen, all right?” The line dropped dead with a beep. Napabuntong hininga si Stephen and place his thumb on his chin habang matamang pinagmamasdan ang mga marka sa railings. Something in here was odd. He took his phone and slid his finger for some shots.

 

***

 

 

Nakatanaw sa labas ng bintana ng kanilang classroom si Paige, resting a hand beneath her chin. Ang suicide story ni Nathaniel Gray ang major controversial issue sa buong University. Napakaingay sa loob ng classroom nila just like the old days pero sanay na sya sa ganung scenario. Besides, she was thinking of more important matters. Job, of course. Dead people, no matter how you think about their death would not bring them back to life. Yong trabaho, ibang usapan na yon. If she could not find any, she would definitely end up on the street na tiyak magbabago sa miserableng buhay niya. It will just turn worst into worst. Wala namang mag-ooffer ng free shelter ngayon, maliban nalang kung magta-time travel sya way back 100 years A.D.

Napasulyap si Paige sa mga classmate niyang girls na nakaupo sa unahan ng klase nila. Nabaling ang atensyon niya sa nakaririnding tawanan ng mga ito, sabayan pa ng alternate na pagtingin ng mga ito sa kanya. Para bang siya ang pinagtatawanan ng mga ito o ewan... na isa pa sa ikinaiinis niya. One of them who goes by the name Jessica, pulled out a cherry red lipstick sa pouch nito at ini-apply ito sa kaibigan who was sitting on its side. Yong isa naman naglabas ng make-up kit saka naglagay ng deep purple eye shadow sa half-closed lids nito. Jessica glanced back on her and laughed, whispering something on its friend na kasalukuyan namang nag-aapply ng sari-saring cosmetics on their dummy faces. Halos magmukha na tuloy Foundation Day everyday sa clasroom nila dahil sa mga ito. After those "whispering epek", they all end up in laughter as they looked at her from head to toes. Doon na napataas ang kilay ni Paige. She was absolutely sure na siya na nga ang pinagtatawanan ng mga ito. Napasulyap siya sa pananamit niya at wala naman siyang nakikitang kakatawa dito. O baka naman iniisip ng mga ito na napaka-cheap niya dahil napaka-old fahion at dull ng style nya. Idagdag pa sa lagi-lagi nalang niyang suot ang mga ito. E ano bang pakialam ng mga chuchu chenes na ito? Wala siyang pambili ng mga fancy clothing e, hindi tulad nila na halos gastahin nalang ang pera sa mga walang kabuluhang bagay. Isang mapang-asar na ngiti ang pinakawalan niya saka biglang kinuha ang isang makapal na libro sa kanyang nerd classmate na wala nang ginawa kundi magbasa ng mga weird na comics araw-araw. Binato ni Paige ang libro right at Jessica’s face na agad nitong ikinahulog sa upuan nito sa lakas ng pagkakabato niya. Na-shocked ang lahat sa ginawa niya. Ni isa walang nakapag-react sa katahimikan. She threw a threatening look on the others and went to pick up the book. Pagkakuha niyon ay napagtripan pa nga niya ang kaibigan nito for a mild-almost-fake slap saka napangiti, seeing the nervous look on its face. Jessica managed to stand back to her feet and was about to utter something sa sobrang galit pero bago pa man ito makapagsalita, Paige put her finger over its red lips na mamasa-masa pa dahil sa lipstick nito.

“Shhh…” Paige hushed and smirked. Inalis niya ang daliri niya saka tiningnan ito ng nakapandidiring tingin ng makita ang red tint na nalalin dito. “Alam mo ba na napakapula ng lips mo? Daig pa ang ikinuskos sa magaspang na semento.” She rubbed her fingertips on Jessica’s top and went back to her chair with the book on her hand na parang walang nangyari. Isang malakas na tawanan ang nag-echo sa classroom nila kasabay ang kabi-kabilang bulungan ng mga kaklase niya. Pagtripan na nila ang lahat wag lang si Paige Williams. She absolutely never tolerate such things. Wala siyang pakialam kung magsumbong man ito sa dean nila. She actually got used to it.

Paige handed back the book with a raised of her brow. “Thanks brother.” Napatango nalang ang nerd niyang classmate sabay abot sa libro nito, balik sa pagbabasa. Napangiti lang si Paige. Dahil sa pagkapahiya, humagulgol palabas nga classroom nila si Jessica kasama ang mga friends nito. Tiyak na sa dean’s office ang diretso noon. Their professor suddenly came after. Everyone laid in silence and went to their seats, still laughing to themselves.

“Anong nangyari kay Ms. Porter?” the man on his fifties asked.

Nagkatinginan lang ang lahat saka nagkibit-balikat. “Nag-break sila ng boyfriend niya.” Paige heard one of her classmates said. Isang malakas na tawanan ang bumalot sa classroom nila. Napatango nalang ang prof nila. Akala totoo. Lalong lumakas ang tawanan pero patay-malisya pa rin ito. 

“Ganun ba?” He sighed and added, “Well, we had a new fellow to join us on our subject anyway.” The man gestured on someone to join them. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa kanya. Napaismid si Paige. Akalain mo nga naman. Halos lahat nakatingin sa kanilang new classmate, kasunod ang kanya-kanyang bulungan.

 

Stephen nod slightly, waving his hand in a very awkward manner kaya naman nagtawanan ang lahat. The nerd guy on the back suddenly applauded na nakaagaw sa kanyang atensyon. Agad namang ngumiti si Stephen dito. Seems he got a new buddy now. Napailing na lang si Paige ng makita niya ang mutual reaction ng dalawa. Stephen turned to her and set a smile. Tumango lang siya para hindi isipin nito na snob siya saka ibinaling ang paningin sa ibang direksyon. Mukhang nagtagpo na naman ang landas nilang dalawa. 

Chapter Four

“He was Stephen Lee,” pakilala ng professor nila. “A transferee student from…” napatitig ito sa hawak nitong student profile at marahang sinabi, “…Pristine University.” Awed came. Pristine University was home of geniuses, kung hindi siya nagkakamali. Maraming kilalang tao ang nakapagtapos sa nasabing institution na sadya namang nakaka-believe. 

Paige nodded. Geniuses. Hindi nga naman nagkakalayo, she thought. Well, he looked like that sort of a guy. Genius-looking pero in an awkward way nga lang. “You can now take your seat. Hmm… Saan pa ba may bakante?” Nilibot ng paningin ng prof nila ang buong silid. “Ah, there! Sa tabi ni Ms. Williams!” She heard their prof. Agad namang lumapit si Stephen sa bakanteng spot sa tabi niya.

“Hi there,” bati ni Paige sabay ngiti dito. “Paige Williams.”

Stephen nodded and smiled back. The same nerd guy na over ang kasiyahan nang makita siya just as he entered the room, extends its hand onwards.

“Nicholas Freeman,” the man intoned with a wide grin.

Inabot naman niya ito para makipag-shake hands sabay introduce na rin. “Nice meeting you. Stephen here.”

Natapos ang klase sa loob ng dalawang oras. At sa loob ng dalawang oras na yon, their professor do all the talking, explaining and some sort of uncomprehending humor na ito lang mismo ang nakaka-appreciate. Boring in a simple thought. Paige turned her glanced on Stephen na akma na sanang aalis at mabilis itong sinundan. “Pwede ba akong makisabay? Kung ok lang?”

Stephen raised his brow and said with a hesitant smile, “Oo naman… b-bakit hindi?” Paige went to his side, with hands on the pockets of its jeans. Isang bagay ang agad na napansin ni Stephen sa babaeng ito. Of all the ladies in the University, only this girl wore such bland style of fashion. Pang "dekada sesenta" ang trend. Usually, girls wore mini-skirts and almost-seen-everything tops. Kabaliktaran naman nila ang isang ito. Nagmumukha tuloy itong tomboy sa paningin niya. Isa pa napansin niya is that Paige had no friends. “Nasa’n nga pala ang mga friends mo? Bakit hindi mo sila kasama? Nakakatawang isipin na sa isang transferee ka pa nakiki-mingle.”

Napatingin sa kanya si Paige. “Hindi uso sa akin yon e,” her curt answer.

Mukha nga. Bulong ng isip ni Stephen pero pinili nalang niyang manahimik at alamin pa ang background nito. “How come?” Tanong niya. “Are you some kind of "rebel with a cause" type?”

Natawa naman si Paige sa tanong niya. “Rebel with a what? Of course not. They’re just, alam mo na… stuck-up rich kids tulad nila hindi pinapansin ang mga katulad natin.” Tiningnan niya ito in a more quizzical look. Oo, gets niya yon. Pa-innocent type lang ang peg nya ngayon. “Oh, come on. That’s society. A so-called geek tulad mo at ang isang rebel-looking girl like me, walang place dito. Hindi nila tayo kilala at wala silang pakialam sa atin. University for the rich and fashionistas nga kasi ‘to," explain ni Paige sa kanya. 

Stephen nodded in agreement. ‘Yon naman talaga ang gusto niyang mangyari. ‘Yong tipong walang nakakakilala sa kanya sa University. Mas maganda nang konti ang involved. The more the messy it will be hindi tulad ng usual saying na the more the merrier. “Saan ka ba kasi pupunta?” Narinig niyang tanong ni Paige. “Comfort room,” tugon niya. Bigla namang napatigil si Paige sabay sabing, “A-Ah. Sorry. Bakit hindi mo kaagad sinabi kanina? Susunod-sunod pa naman ako sa'yo.”

“Hindi ka naman nagtanong, ‘di ba?” sagot niya sabay tawa, turning into the narrow hallway. Naiwan naman sa di kalayuan si Paige na sinadyang magpaiwan nang malaman kung saan siya pupunta.

Agad namang napaarko ang kilay ni Paige nang makita kung saan lumiko si Stephen and dropped her lips. Mali kaya ang pinupuntahan nito. Hindi naman doon ang comfort room ng boys e. A moment later, Stephen came back with a reddened face. It was girls’ comfort room actually. Hindi na siguro napansin ni Stephen ang malaking symbol ng girl sa labas. She laughed and said, “It’s on the next turn buddy.”

“Bakit hindi mo man lang sinabi sa’kin kanina?” he asked, scratching the back of his head. Aminado naman siyang hindi niya napansin yong malaking sign ng skeleton na may palda dun sa labas. Naka-focus kasi ang atensyon nya sa pang-aasar sa new-found acquaintance niya. 

“You never asked,” came her reply at saka tumawa, isang mapang-asar na tawa just like what he did. Stephen shook his head and chuckled. “Sige, hintayin nalang kita sa cafe,” Paige said and leave, may pagkaway pa kay Stephen. Bakas pa sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti. Stephen just smiled in silence. He never thought na magkakaroon siya ng friend na madali pa niyang nakasundo. And take note, in a form of Paige Williams pa na parang kinatatakutan ng lahat. Looks really can be deceiving. Hindi naman pala ganoon kagalit sa mundo ang babaeng yon. Wala lang sigurong nakakaintindi at pumapansin sa kanya.

 

Stephen watched as she disappeared in the hallway. Napatingin siya sa kanyang relo. Sixty minutes nalang at magsisimula na ang next class nila. Matagal na ang isang oras. Setting the time on a half, he continued on his assignment. He turned to the men’s room and entered one of the cubicle. Agad niyang sinimulan ang trabaho niya. He configured a pebble-sized surveillance device into his portable tablet. Isang image ang lumabas sa screen, connected. He immediately glanced outside. Wala pang tao. He surveyed the area. Yong seemingly-looking-nerd glass na suot niya was not an ordinary glass at all. It could detect any devices na nasa loob ng given perimeter. It begin to scan all active devices and found nothing. He place the device on one corner and leave the area para naman sa rooftop. The next thing you will know, nagkalat na ang mga spy cams all over Hartford University sa loob lamang ng half-hour of configuring and setting up ng mga devices. Stephen turned to his watch. Sakto lang. Perfectly just in time. Sa totoo lang, na-beat pa nga niya ang former technical records niya kung hindi siya nagkakamali. The sad part is, hindi na yon recorded ng superintendent nila. He set a fulfilling smile, shoving his hands deeper into his pockets. Nagsisimula pa lang siya. There was more to follow at hindi siya titigil hangga't walang malinaw na lead sa mga unexplainable incident na nangyayari sa Univerity na ‘to. At kung murder man, there must be a price to pay.

Chapter Five

Nagmamadaling pumasok ng café si Paige, looking for a vacant spot. Halos lahat ay occupied na at mukhang maraming tao ngayon kesa dati. Luckily, she still found one. She hurriedly made her way. Sa kanyang pagmamadali, she accidentally knocked on someone’s arm. Mabilis niyang nilingon lung sino ang natabig niya. Namilog ang mga mata niya nang makita niya si Tiffany with its clothes soaked with kiwi juice that spilled all over its chic tops. Hindi lang yon, masama ang tingin nito sa kanya. Halatang disappointed sa pagkakatapon ng kiwi juice sa iniingatan nitong mamahaling damit. Nagmukha tuloy itong si Incredible Hulk dahil sa naging berde ang suot nito. 

“S-Sorry. Hindi ko sinasadya!” Mabilis na kinuha ni Paige ang kanyang panyo and was about to wipe away the drenched part.

Tiffany hurriedly stand to her feet, raising her both arms na para bang ayaw pahawakan ang kanyang outfit. “Don’t you ever touch me!” Napatigil naman si Paige nang marinig ang sinabi ni Tiffany. Natahimik ang lahat ng nasa cafe. Eto na naman siya. Center of attention na naman. Paanong hindi makakaagaw nang atensyon si Tiffany? The lady was an acknowledge personality at University of Hartford! Halos lahat in-favor of that brat kaya naman may kakayahan itong gawin lahat ng gusto nito. In fact, nasa top si Tiffany in terms of academic ranking with its significant good grades. Si Paige naman ang second. Sayang nga at second lang siya. With a renowned mother, Dr. Cynthia Cooper, talagang mahirap makipagkompetensya. Besides, the girl had a brain too kahit papaano. “You always irritates me. Lagi nalang!” Pahabol pa ni Tiffany.

Paige clenched her fist but remained in silence. Inis na umalis si Tiffany at derektang pupunta sa ladies’ room. Malas lang ni Paige at nasa direksyon nya yong daan papuntang ladies’ room. Tinulak siya nito sabay sabing, “Out of my way!” Nabigla siya at nawalan ng balance sa pagkakatulak nito, idagdag pa ang pagkakatalakid sa bangko na nasa likuran niya. Paige instantly fell down in a shameful stance. Napatingin sa kanya ang lahat at sumunod ang nakakarinding tawanan ng mga ito. Nanggagalaiti si Paige sa inis at namumula sa hiya. Tiffany chuckled, at mapang-inis pa siyang tiningnan. Isa sa mga kaibigan nito ang nag-abot ng isang basong juice. “Para maging patas naman tayo.” Her eyes widened. Nababaliw na ata ang babaeng ito. Hindi naman niya sinasadya ang pagkakatapon ng juice dito pero ang gagawin nito ay below the belt na. Tiffany will definitely pour all the juice over her. Konti nalang at tutulo na ang juice sa baso! If that happens, sasabunutan na talaga niya ang malditang babaeng ito! Wala na siyang pakialam kung ma-spell man siya or what. 

“Nababaliw ka na nga,” bulong ni Paige. Ituloy mo lang yan. Yari ka sa'kin. 

Napahagalpak lang ng tawa si Tiffany at akma nang ibubuhos ang juice sa kanya nang may biglang kumuha ng juice sa kamay nito. It was Stephen at nakangiti pang ininom ang juice sabay tumingin ng makabuluhan sa kanya. Tiffany gazed on the young man with a probing look. Tiyak na lalong nadagdagan ang inis nito. “Saan naman nanggaling ang asungot na ‘to ?! Ngayon ko lang ata sya nakita a,” bulong ni Tiffany.

“This was good,” Stephen intoned and smiled sardonically. Ibinuhos na ni Stephen ang natitira pang juice sa sahig at iniabot ang wala nang laman na baso pabalik sa kamay ni Tifanny. “O eto. Salamat ha?” Paige watched in silence. Napatingin naman sa kanya si Stephen with its wide smile saka sya itinayo. Mukhang even na rin sila ni Stephen ngayon. They left the café at once, leaving Tiffany and everyone in great bemusement.

Napabuntong-hininga na lang si Tiffany saka nagtanong sa friend nito, “Who exactly was that?”

Nagkibit balikat naman ang kaibigan nito saka sinabing, “Friend ni Paige?”

Tiffany rolled her eyes and glowered. Malamang kaibigan ni Paige yon! She knew that for crying out loud. She let out another breath of despise saka nag-walk out. Bakit nga ba hinahayaan niyang makisalamuha siya sa mga stupid person sa University na yon!

 

***

 

Naupo sila sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno. The breeze was bracing up their senses. Tahimik at refreshing hindi katulad kanina na intense. “Why don’t you fight back? Doon ka naman magaling di ba?” Stephen inquired, glancing at her.

Paige made a face and simpered. Anong gustong palabasin ng lalaking ito sa last line na binitawan nya? Na palaaway siya? Gusto sana niyang makipagdiskusyon dito pero nasabi nalang niya na… “It was my fault.” She chuckled and added, “Saka hindi ko naman ugaling makipag-away sa isang babae.”

Stephen arced a brow and sniggered. “Whoa. Napaka-gentlewoman mo naman pala.” The two laughed in unison. Hindi maipaliwanag ni Paige kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya sa taong ito. He was easy to get with. Ito palang ata ang kauna-unahang boy friend niya. Ooops. Don’t get that wrong! Close na guy sa kanya. How he look that does not matter at all. Okay lang kung nerd or geek o kahit ano pang itawag nyo sa fashion niya.  Hindi naman siya tumitingin sa outer shell ng isang tao. On top of that, he somewhat seems interesting unlike sa ibang nerds na kilala niya na nakakainis lang. Maya-maya pa narinig nalang niyang nagsalita si Stephen. “May sugat ka ata. Look. You’re bleeding.” Itinaas pa nito ang siko na para bang tinuturo kung saang parte yong sinasabi nito.

Napakunot ang noo ni Paige at agad na chineck ang siko niya. Goodness gracious! Meron nga siyang bruise pero maliit lang naman. Blood were still dripping from it. “Ah, ito ba? Wala lang ‘to.” Bago pa niya mapunasan ito ng sariling panyo, Stephen took a hold of her hand and dressed the wound with his own handerchief. 

“A-Ano ka ba naman. Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaya ko naman! Inunahan mo lang ako e” sabi pa ni Paige, pinipigil ang pagkahiya at pamumula ng pisngi niya. That was definitely awkward.

Stephen smiled and said, “Okay lang. Minsan lang ‘to. Libre pa. Next time, may bayad na.” Marahan nitong pinunasan ang dugo sa siko nya. Paige watched him, unti-unti nang nag-bablush. Stephen made her realize that not all guys were pervert and egocentric. Siguro napatama ang siko nya sa sahig o kaya nagasgas sa upuan. Hindi naman kasi niya naramdaman ang hapdi kaya hindi niya ito napansin. Stephen put her hands back after all the blood had been wiped out. “That would not make a scar. Don’t worry.”

Paige chuckled. “Hindi naman ako takot sa peklat e.” Tinitigan niya ito ng ilang sandali and said, “I had been into a dozen of fights, para sa iyong info. Kaya wala na ‘to sakin.”

Napaarko ang kilay nito. Hindi siguro makapaniwala sa narinig. And his eyes, behind those glasses were magnificent sa paningin ni Paige with its nut-brown shade. Idagdag pa ang inosente ngunit pilyong ngiti nito. “Nakakatakot ka pala.” Stephen followed with a sexy laughter. He had such a wonderful voice for a guy. Kung tutuusin pwede na itong maging singer. Siguro may hidden talent ito sa singing.

“I think, hindi ko na dapat i-attempt pa na inisin ka.”

Paige chuckled but never say anything. She does not mind actually. Mukha naman itong nice kaya hindi muna niya papansinin ang mga patama nito. A question suddenly flashed on her mind. Napabaling siya dito saka nagtanong. “Bakit ka nga pala napadpad dito sa Hartford?” Ngumiti lamang ito pero mas pinili pa ring manahimik. “Pristine was an awesome place. Halos lahat mataas ang tingin sa University na ‘yon!” she added, nag-iexpect for a better response kesa sa nakakabingi nitong silence.

He gazed at her as if thinking of something then finally saying, “Meron lang akong mga bagay na kelangang ayusin dito.” Ngumiti ito saka inilayo ang paningin sa kanya. Paige got the sign. Malamang ayaw na nitong pag-usapan ang topic ng paglipat nito sa University nila. Kahit na gustong-gusto niyang usisain ito mas pinili nalang ni Paige na manahimik. Stephen was the most inexplicable geek she had ever known.

Napahinga ng malalim si Paige tanda ng pagsuko. “Well, kung ano man yon… it’s for you to keep,” she finished with a smile. Wala naman pati siyang balak na makisawsaw sa buhay ng ibang tao. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa labi nito as he lean his elbows upon the sturdy bench. Napatingin ito sa relo. Next class would start in just a matter of minutes. Another boring lesson again.

Halos buong araw silang magkasama noong araw na ‘yon. A start of friendship in a specks of courage. Kahit na may ilang nang-aasar sa kanila at tinatawag silang mga losers they just don’t mind them. Kahit na kung minsan ay napupuno na si Paige sa mga ito, sya namang pigil sa kanya ni Stephen with a shook of his head. It was, in some way, nakatulong sa kanya in handling her own behavior. Sobrang war-freak na nya kasi kung papatulan nya ang lahat ng pambu-bully ng mga batch mates nila sa kanila. Ayaw rin naman niyang mawala ang lady-like manner niya kahit papaano. At doon na rin natapos ang buong araw nila.

“Need a ride home?” Stephen asked habang ibinababa ang salamin ng luxury car nito. Halos atakihin naman si Paige sa pagkagulat sa biglang pagtigil ng sasakyan sa tabi niya. Ipinilantik niya ang pilik saka tuluyang huminto sa paglalakad. Napatigil siya hindi dahil sa free ride. She set a wry smile on her face. Home. Naalala niya ang rental bills niya. Di magtatagal at papalayasin na siya ng bruhang land-lady nila. Napansin naman ni Stephen ang pagbabago ng mood niya. “Why? Anything wrong?” kunot-noo nitong usisa.

Napailing si Paige. “A-Ah. W-Wala naman,” she stammered. “Wag mo akong pansinin.” Napatigil siya saka idinagdag pa… “Una ka na. Malapit lang naman yong tinutuluyan ko e.”

Stephen nodded. “Ok. See you tom.” Mabilis na umalis ang sasakyan at matamlay na pinanuod lamang ito ni Paige. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka nagpatuloy sa paglalakad. That guy was lucky. Napaisip tuloy siya kung saan nakatira si Stephen. Oh, well, for a guy who came from the renowned institution, ano pa nga ba ang dapat i-expect? She shove her hand into her pocket sabay sipa sa isang maliit na bato habang daan. Trabaho, side-line, part-time job… Yon lang yong mga salitang nag-iecho sa isip nya. 

Chapter SIx

Papaakyat na si Paige ng hagdan pero mukhang masama ata ang pakiramdam niya. Her legs were somewhat trembling with every step she takes. Parang umiikot ang paligid niya sa isang spherical pattern. Hallucinations. Yon ba ang tawag doon? Feeling niya masusuka siya any moment. Ramdam rin niya ang pamamanhid at panlalamig ng mga kamay niya. Her sweat left a misty feeling on her. Pati paghinga nya parang naaapektuhan na rin. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, a name suddenly flashed on her mind. Stephen. Hindi pa niya ito nakikita simula pa kanina. Anyway, maaga pa naman at may ilang minutes pa bago magsimula ang klase nila. Pwede rin namang na-late ito. Napatigil siya. Her surroundings began to move again. Nahihilo na naman siya at maya-maya pa nga her senses went black. She fell on someone but she does not have the chance para mag-sorry o kaya tingnan pa kung sino ang malas na nilalang na nasa likuran niya.

Nagising na lang si Paige na masakit pa rin ang ulo. Idagdag pa ang blurry vision nya. Nilibot ng kanyang paningin ang kwarto kung saan nakita niyang nakahiga siya sa isang patient’s bed hanggang bumalik na sa normal ang lahat. A med student noticed her and went to her side.

“Nasaan ako?” Tanong nya dito, clueless sa nangyari.

“Clinic. Nahimatay ka.”

What? Nahimatay daw siya? Looking at the records na nasa kamay nito, bahagya itong tumingin sa kanya. “Paige Williams tama?” Tumango siya. “Masyado ka lang exhausted. You might be too stress and your body collapsed. Pahinga lang kelangan mo," sabi sa kanya ng batang attendant at saka tuluyang umalis ng clinic.

Napabuntong-hininga si Paige. Nahimatay na pala siya kanina pagkatapos ng pagkablanko ng paningin niya. Who could have possibly brought her into the University Clinic? Naawa naman siya bigla sa taong iyon. Alam niyang hindi siya ganun kagaan kaya naman parang nagpinetensya na rin yon para lang mabuhat siya. Paige saw someone opening the knob. Isang pamilyar na ngiti ang bumati sa kanya. Tuluyan na ngang pumasok sa loob ng clinic si Stephen.

“Mabuti naman at gising ka na. Akala ko plano mo pang matulog dyan ng isang taon.” Napaismid na lamang si Paige. Wala pa sya sa mood para makipagbatuhan ng asaran dito. “You fainted on the stairs.”

“Medyo aware na ako sa bagay na ‘yon,” sabi niya. “Ikaw ba ang nagbuhat sa akin?”

Agad naman itong sumang-ayon saka umupo sa tabi niya. “Ako nga. Bakit?”

Napansin niya ang sugat sa may lower lips nito na agad niyang ikinabahala. Naalala niya yong taong nasa likuran niya bago siya mawalan ng malay. Could it possibly be that it was Stephen? “Naipit ba kita? Sorry ha.”

Napansin naman ni Stephen ang worried look sa mukha ni Paige. He set a comforting smile on his face. “Hindi ako yong naipit mo,” sagot nito. Then he added, “It was Nicholas. Nasa likod mo lang kami parehas nang bigla ka nalang natumba. Actually, siya ang umipit at dumagan sa’kin.” Stephen sighed. Napakabigat kaya ni Nicholas. Braso palang e ga-bakal na ang bigat. Idagdag pa si Paige? Kamusta naman? He was the most unfortunate one after all. Para kayang pinitpit na lata si Stephen matapos silang magpagulong-gulong pababa ng hagdan.

She set a cynical smile and chuckled, imagining how things happen. Napaka-awkward siguro noon. Tama, napaka-awkward talaga. For sure, sila na naman ang usap-usapan ng lahat. Sila at ang kanilang "ill-fated" life. Two nerds and a rebel na nahulog sa hagdan. Paige smirked silently. Oy! Pwedeng headline. “Sorry kung pati ikaw e nadamay sa kamalasan ko,” she found herself saying.

Napangiti si Stephen. “Correction. Our misfortunes.” At nagtawanan sila pareho. Bigla namang bumukas ang pinto and Nicholas Freeman barged into the room. May dala itong plastic bag. Mukhang galing pa ito ng grocery store. “Nandyan ka na pala,” sabi ni Stephen saka sinenyasan itong lumapit sa kanila.

Paige took a deep sigh at agad na nag-sorry, “Sorry sa kanina.” Hinanap niya kung may bali o sugat si Nicholas dahil kung meron konsyensya pa niya. Nakahinga naman siya ng maluwag. Buti nalang at ni galos e wala.  Sa laki ba naman nito. Kahit siguro tumalon pa ito sa third floor e magba-bounce lang ito.

“Ok lang Paige. Para lang water bed yong hinulugan natin kanina,” sabi pa ni Nicholas. Napangiti naman si Paige sa sinabi nito. 

Stephen, on the other hand, set an insolent smile on his face. Water bed ka dyan? Ikaw kaya ang nasa lugar ko kanina. Ewan ko lang kung makangiti ka pa! Buti nalang at walang nabali sa spinal column ko. The aching sensation on his lips lingered on his whole senses. Buti nga at yon lang ang nakuha niya. Nasiko kasi siya ni Nicholas sa labi. Bakit nga ba kasi hindi niya naiwasan yon? Bakal nga talaga siguro ang siko nito. Koting minuto na lang at magsisimula na naman ang sunod na klase. Lagi nalang siyang naghahabol sa oras. Nakakasawa rin pala ang ganung klase ng trabaho. Napabuntong-hininga siya. The thought of having no lead on the suicide case made him uneasy. It had been two days since he entered the University pero wala pa rin siyang clue kung ano at sino ang mga involved sa nasabing insidente. Sigurado na siyang hindi suicide ang nangyari. Malakas ang instinct nya at kahit kelan hindi pa siya binibigo nito. Sa tulong ng mga influential individuals sa Bureau na nagtitiwala sa kakayahan at skills niya, nagkaroon siya ng pagkakataon na magsagawa ng sarili nyang investigation regarding sa unexplained, disturbing chained suicide. Walang nakakaalam sa Intel about sa bagay na ito. Bilang lang at yong mga pinagkakatiwalaan lang ang may knowledge sa task nya. Lalong gugulo kung malalaman ng lahat kaya kailangan ng ingat. Stephen draw out some air and turned his look into the corner aimlessly.

“Oy, try mo ‘to Paige. Marami akong binili para sa’yo.” It was Nicholas, taas-taas at pinagmamalaki ang kanyang mga pinamili. “Nagugutom ka na siguro kaya ka nag-collapsed kanina.”

Psh. Baka naman ikaw ang nagugutom. Napaismid lang si Stephen sa isang tabi, shaking his head. This guy was a total guzzler, sa size nalang nito may ipagtataka pa ba? Nangingislap pa nga ang mata nito na nakatitig sa mga grocery o kung ano pa man ang laman ng ipinagmamalaking plastic nito.

Namilog naman ang mata ni Paige, touched sa ginawa ni Nicholas. “Wow. Bait mo naman!” Nicholas laid out some pasta dishes and other whetting appetite stuff. Kasya naman ito sa tatlong tao. Nakaramdam na rin si Paige ng pagkagutom matapos makita yong nakakatakam na binili ni Nicholas. May pagkulo pa nga ang tyan niya e buti nalang walang masyadong nakarinig. Alam nyo ba na wala pa siyang kinakain simula pa kagabi. Fasting kasi ang peg.  “Perfect na perfect ang timing nito a,” bulong pa niya.

Napabaling naman ang tingin sa kanya ni Nicholas sabay humagalpak ng tawa. “Oo nga e. Ang sarap mamili kung marami kang pera, no?”

Stephen crossed his arms over his chest, kunwari ay nasamid. “Si Stephen naman ang nagbayad ng lahat ng yan e,” dagdag pa ni Nicholas sabay nguso kay Stephen na iiling-iling nalang. Paige titled her head towards Stephen with a dazzled look. Napansin naman ni Stephen ang meaningful look ni Paige at saka napangiti. Ano pa nga ba? Syempre sya ang nagbayad ng ipinagmamayabang ni Nicholas. Paige rolled her eyes and gazed back to Nicholas na halos wala nang bukas kung makakain. Grabe. This guy would surely die an hour without food. Nauwi nalang sa senyasan ang dalawa saka humantong sa tawanan na silang dalawa lang ang nakakaalam. Medyo nakaramdam naman si Nicholas na sya na ang topic kaya napatigil ito at inabutan ng pagkain si Paige. She shook her head and burst into laughter. Buti naman at nakaramdam rin ito. Parang ito pa ang nahulog at nahimay kanina a.

Napasulyap si Stephen sa bukas na pinto ng clinic. An odd gaze of a man caught his attention. The man was wearing a set of uniform na may logo ng Hartford sa likod ng shirt nito. He must be the janitor. Kung paano tumingin sa kanila yong janitor, that was bothering him. Parang ansama naman ng stare nito at parang naiilang pang ipakita ang mukha sa suot nitong tight-fitting na cap. It was puzzling and thought-provoking as well. Hindi kaya… Stephen narrowed his eyes. Agad namang sinundan ni Stephen sa labas ang weird na janitor para makakuha man lang ng ilang shot. Baka may makuha siya kahit ilang lead dito. The man was a bit distance from him. May inikot siyang maliit na control, enhancing the magnification of the lens with a simple twist, saka agad na priness ang isang maliit na capturing device na nasa salamin nya. Nakita naman ni Paige ang kakaiba niyang kilos na nagpakunot sa noo nito. Stephen gazed back and paused, meeting her gaze. Agad namang nagpakawala ng inosenteng ngiti si Stephen saka umarte na parang wala lang. Kahit na gusto pa sana niyang habulin yong janitor, hindi na niya ginawa baka lalo lang magduda sa kinikilos niya si Paige.

“Bakit? Anong meron?” tanong ni Paige na salubong pa rin ang kilay. Bakas sa mukha nito ang curiosity. She actually noticed the sudden change on his eyes earlier. Isang seryoso at nakaka-puzzle na tingin. Para bang isang seryosong tao si Stephen na hindi niya maipaliwanag. A whole lot different from the usual carefree and composed one.

Stephen slowly shut the door behind his back with a thud. Tinitigan niya si Paige nang ilang sandali saka ngumiti. “Akala ko nakita ko yong isa sa mga friend ko sa Pristine. Nagulat nga ako e. But I guess, I was just mistaken.” His eyes gazing into hers, measuring the thought Paige had on her mind.

“Ah. Ganun ba?” She smile and nod. Bakit ganon kanina lang iba talaga si Stephen tapos ngayon bumalik na ulit sya sa Stephen na kilala ko. Two-face guy ba ang lalaking ‘to? Napabuntong-hininga nalang si Paige. Siguro ganun talaga pag genius ka. Mahirap hulaan ang pagkatao.

“Oy, Stephen!” singit ni Nicholas, licking his thumb. “Narinig mo na ba yong bagong labas ngayon? Yong XG 7i?” Natahimik naman si Stephen saka alangan na umiling. He knew it for sure. Nakakapagtaka lang kasi alam na yon ni Nicholas.

“You should check it out! Napaka-cool nun, man!” dagdag pa nito. Halata ang excitement sa mga mata.

Dahan-dahang inabot ni Paige yong mansanas na nasa table saka tumingin kay Nicholas, “Ano nga ulit ‘yon?” Isang malaking kagat ang inumpisahan niya. Manly things or nerdy things rather, does not concerned her but in any case, she wanted to know. Wala lang, kesa naman maging OP siya.

“Tsk. ‘Yon yong bagong labas ngayon!” bulalas ni Nicholas na excited na excited sa pag describe. Nagtalsikan tuloy yong ibang laman ng bibig nito. Paige frowned. Kadiri. It was really gross, she thought but managed to smile. Hindi nalang niya pinansin yong tumalsik sa muka niya na maliit na hibla ng pasta. “Napaka-cool talaga na relo nun! Multi-purpose na wrist watch yon! Ginagamit ng mga spy!” Sabay lunok. Akala nila dun na natatapos ang pagbibida nito, may kasunod pa pala at kasing laki na ng mata ng kwago ang mata nito. “Alam nyo ba na nakakapag-record ito ng vocal conversation kahit na milya-milya ang pa layo?! Pwede na yong gamitin na bug o kaya pang-wiretap! Tsaka waterproof pa yon!”

Stephen nod, amazed with Nicholas. Kahit na medyo kulang ng specs yong pag-describe nito, ok na rin. Nakalimutan lang nya na sabihin na may GPS rin yon. Kaya nga ginagamit ng mga agent sa mission lalo na sa team exercises para malaman kung reachable pa yong mga team members o nahuli na ng mga kalaban, usually used as tracker. Ginagamit rin yon sa rescue ops. Updated sa Intel ang isang yon ha. How did this man know those things? Oo nga pala. Nakalimutan nya na Nicholas was a "knows-all" guy. Gusto tuloy nyang i-challenge ang kaalaman nito. “Yon na ba yong latest release?”

“Oo dude! Gusto ko ngang magkaroon ng kagaya nun! Pangarap ko talaga!” At nag-puppy eyes pa nga si Nicholas kahit hindi bagay. “Kung bibigyan lang ako ng Intel ng authorization para magkaroon nun! Agent na sana ako! Alam nyo ba na pangarap kong maging agent! Sa katunayan, yon ang profession na kukunin ko sa next life ko.”

Maya-maya ay may narinig silang pagtawa. Si Paige yon. Hindi na nito kaya pang pigilin ang tawa nito sa naririnig niyang pagsesenti ni Nicholas. Iniisip palang nito ang kalalabasan kung magiging agent si Nicholas. Imagine na nakatuxedo ito habang hinahabol yong mga kriminal at drug pushers! Ang mas nakakatawa pa dun e yong tyan nito! Magmumukha itong butete sa lupa! Siguro dadami ang criminal sa lugar nila. At saka ano daw? Next life? Wow! Emotero talaga. Hindi magkamayaw sa pagtawa si Paige.

Seeing her reaction, Stephen twisted his lips, iniiwasan ring matawa. Mukhang nagkakaroon na siya ng vision kung ano ang iniisp ni Paige. Naawa naman sya kay Nicholas kaya sinuportahan nalang niya ang ambition nito. Clearing his throat he said, “Sino bang nagsabi sayo na kelangan mo pang maging agent para magkaroon ka ng XG series?” Napatignin sa kanya si Nicholas, salubong ang kilay. He smile and added, “I just think of those billionaires out there, tyak na meron na yong mga yon. Kahit ibang label o kahit hindi galing sa Intel pero iisa lang naman ang function at specs. That would not make a huge difference.” It was not exactly on his mind though.

Sumang-ayon naman si Nicholas. “Sabagay. Kaso hindi naman ako bilyonaryo e. Tsaka mas gusto ko yong galing sa Intel... mas astig!”

Tinapik naman ni Paige ang balikat nito para i-comfort si Nicholas. “Wag ka nang malungkot. Alam na naman namin yon.”

Comfort ba talaga ang binigay nya o pang-aasar? Paige contained her laughter and winked an eye at Stephen na agad namang nakaintindi sa kanya. Parang snatcher naman na inisnatch ni Nicholas yong apple sa kamay ni Paige sabay kagat dito. Paige grimaced, snatching back what was hers. Kaya yon, the two ended up in a childish brawl. Napangiti nalang si Stephen sa gilid, shaking his head. College na ‘tong mga ‘to pero high school pa rin ang drama kung magkulitan. He turned to his watch and back at the two who were still growling at each other. Mas mabuti pa sigurong maglakad-lakad muna sya. May time pa naman e. He went for the door to leave. Akma na niyang bubuksan ang pinto ng may marinig siyang tunog galing sa likuran niya. His reflexes took the action. Naibato pala ni Paige yong pinag-aagawan nilang apple kay Stephen. Napatigil naman si Nicholas, wide-eyed sa nangyari. Their eyes even turned wider nang makita nila kung paano nag-respond si Stephen sa unexpected "apple-shoot" na yon. Stephen had caught the apple with his hand in a swift backhand motion na hindi man lang tumitingin sa object! Napatingin ito sa kanila na parang normal lang ito sa kanya. Seeing their shocked faces, hinayaan na lang na mahulog ni Stephen yong apple on purpose para hindi isipin nung dalawa na may pagka-Bruce Lee siya o baka mapagkamalan pa ng mga itong kamag-anak nya si Bruce Lee. He smiled saka nagpalusot nang, “L-Luck? Sinuwerte lang..” He scratched his brow saka ngumiti nang pa-inosente. Pero hindi pa rin nakontento yong dalawa sa reason nya. As if they were still demanding for further explanation. Napilitan tuloy gumawa ng kwento itong si Stephen. “A-Ang totoo kasi… I took aikido class, pero matagal na ‘yon.”

 

Napatango naman yong dalawa. Paniwalang-paniwala sa sinabi nya. “Cool,” dagdag pa ng mga ito na nag-chorus pa. Stephen set a wry smile tsaka ginawa ang exit niya. “Alis muna ako. Magpapahangin lang. See you around.” He disappeared behind the door as it locks down. Tiyak na kung hindi pa sya aalis, makiki-chismis pa yong dalawa about sa past nya. Baka lalo lang syang sumabit pag nagkataon. Wala pa naman sya sa mood para gumawa ng mas bonggang made-up stories. In any case, it was not completely a lie at all. He, in fact took an aikido class in completion of his assessment and service evaluation drill para sa Intel. Pero two years na ang nakakalipas bago pa sya ma-admit sa Intelligence Bureau at mapabilang sa SCIU. Special Crime Investiation Unit ‘yon. Masyadong classified ang identity nila kaya konti lang ang nakakakilala sa kanila sa Intel. The fact na gumagamit pa sila ng mga codenames. Nakakatuwa kasi kahit fresh grad palang siya nakapasok na siya sa Unit. Puro kasi outstanding remarks ang nakuha niya nung nag-aaral pa siya Academy even on his trainings and he was grateful for it. In fact, isa siya sa mga batang myembro ng team but he was enlist as first class agent. Stephen set a smile then made his way into the sci-lab para na naman sa isang exploratory investigation. Saka nalang ulit siguro sila magtutuos nung janitor na yon. 

Chapter Seven

Palihim siyang pumasok sa loob ng lab nang walang nakakapansin sa kanya. Mga med students lang kasi ang may permission na makapasok sa building lalong lalo na sa lab. At ang pag-trespass niya is a clear example ng pag-violate sa orders. Di bale basta walang makaalam safe siya. Halos lahat ay nakaputi at may suot na mask. Obviously kasi nga lab yong pinasok nya. Dahil masyadong noticeable ang suot nya, kelangan nyang mag-disguise kaya naman dali-dali syang nagpunta sa storeroom para kumuha ng sariling lab coat. Yong suot nyang nerdy glass e wa epek sa lugar na yon. Hindi naman sya mukhang med student dun e. Para lang syang isang estudyante na walang alam kundi umupo sa computer na naligaw sa building na yon.

Pansin nyang nagkalat ang mga surveillance cam sa loob. One good reason for him to do it fast and with caution. Matagal na nyang ginagawa ang pag-breach sa mga restricted areas kaya naman mabilis rin syang nakarating sa storeroom ng walang kahirap-hirap. Binuksan niya ang pinto at agad na nagtago sa mga naka-stack na kahon sa may gilid ng kwarto. May tao pa pala sa loob. Base sa hawak-hawak nitong records sa kamay, walang duda nag-checheck ito ng mga stocks and paraphernalia. Fully air-conditioned ang kwarto, composed of ten rows of racks na naglalaman ng mga lab equipment at kung anu-ano pang mga bottled chemicals. Gusto man niyang inspeksyunin yon lahat, wala naman syang time para gawin yon. Sa dami ng stocks, may mga cabinets pa na naka-pinned nalang sa upper wall na halos sagad na sa ceiling. Anong science projects kaya ang ginagawa ng mga ito at halos mapuno na ng mga sari-saring bagay ang napakaluwang na kwarto na ‘to.

When everything was safe, agad siyang kumuha ng sariling lab coat saka naglagay ng mask galing sa isa sa mga cabinets sa gilid. Iniwan nalang niya yong backpack niya sa dati niyang pinagtaguan. Hassle pa kung dadalhin-dalhin nya yon. For the last touch of disguise, Stephen draw out his med student ID which, obviously a forge one pero wala namang makakapansin noon kung hindi titingnang mabuti. Siya mismo ang gumawa nun. Expert na kaya siya sa pamimeke. Pwede na nga siyang kasuhan ng falsification of classified documents e. Matagal na rin kasi niyang pinagplanuhan na pasukin itong lab. Inabot kaya siya ng five hours sa pagdedecide. Matagal na yon para sa kanya.

He hold his breath and went into the crowd. Busy ang lahat working with their own businesses kaya walang nakapansin sa kanya. These individuals spent most of their time conducting their own researches and experiments. Curious tuloy siya kung anong experiments yon. Stephen took the stairs and surveyed the whole place. Kahit na may elevator, mas pinili nya yong stairs. Bawat floor pala may kanya-kanyang research labs tsaka storerooms. Yong ibang floor reserved at walang gumagamit. Mga modern-day, heavy laboratory equipment lang ang nakalagay doon. Mukha namang pangkaraniwan at tipikal na lab lang ang makikita nya sa lugar na yon. He made his way back para maghanap ng perfect spot para mag-spy. Gusto lang nyang makiusyoso kung anong trip ng mga med students na ‘to. He magnified the lens and gazed as the students mixed, transfer and measured the chemical contents of their respective researches. Isang pamilyar na mukha ang nakaagaw ng kanyang atensyon. Christopher Gregory. Yong mayabang at epal na lalaki kanina. What is that guy doing in a place like this? He was not even a medical student. At nakikipag-usap pa ito sa isang med student na siguro e kilala nito. Seryoso pa ang mukha. They seemed to be conversing about some serious matters too. Stephen tapped something on his watch. The device on his ear emitted a red light then fade after a few sec. Sa mga pagkakataong ganito ginagamit ang XG watches ng Intel. And mostly, useful naman. Gusto nya sanang ipakita ito kay Nicholas pero hindi pwede. Ok na siguro kung hanggang picture lang muna ang nerd na ‘yon.

“Ready na ba ang lahat?” Boses ni Christopher. Sumang-ayon naman ang kausap nito and Christopher headed for the stairs na papunta sa kinatatayuan nya. Mukhang in good mood ito base sa mga ngiti sa mukha nito. Some med student girls halted, eyeing on the punk. May pag kindat pa ang mokong sa mga ito. Sinundan naman ng mga pigil na tilian.

“Si Christopher ba ‘yon? Ang cute naman nya!” Stephen heard them say. He set an insolent smile. Cute? Saang banda? Which part of that jerk was cute?  He tapped his watch for an off. Christopher went passed on him na bahagya pa ngang tumigil nang makita sya. Akala ni Stephen mapupuna nito ang fake nyang ID at makikilala sya behind those mask pero nagkibit-balikat lang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Stephen twisted his lips, following its trail in silence. At sa hindi inaasahang pagkakataon, napagitna pa sila sa mga med student na pababa rin ng hagdan. Lumayo ang gap sa pagitan nila ni Christopher hanggang sa mawala na ito sa paningin nya. Pag minamalas ka nga naman.

“Hanep naman o!” bulong niya nang hindi na niya ito maabutan. “Saan ba nagpunta ang isang yon?” He turned in all possible ways pero wala ni hibla ng buhok nito. Mas mabuti pang nilagyan na nya ng tracker yong mokong na yon nung may pagkakataon pa sya. Christopher might be useful. Narating na niya yong pinakadulo that leads him to a narrow doorway. Bubuksan na nya sana yong pinto nang may sumita sa kanya.

“Hoy! Ikaw!” Isa sa mga security personnel.

Patay. Naiisip niya pero hindi pa rin sya nagpahalata at kampante nya itong hinarap. Psh. Bahala na.

“Alam mo bang bawal pumasok dyan?” May napansin siyang malaking sign: AUTHORIZED PERSONNEL ONLY. Oo nga naman. May notice pala. Why does he never had the chance to read those? Napakamot siya sa ulo at dahan-dahang tumingin sa security.

“A-Ah. Oo nga. Hindi ko napansin yong notice Sir,” sabi niya at bahagyang inayos ang lapat ng salamin sa mata nya. Mabilis siyang umalis, iniiwasan ang eye contact at pagdududa nito. He shove his hands into his pocket. Hindi niya akalaing may makakapansin sa kanya. He should be careful on his act from now on.

Napakunot-noo ito nang may mapansin na kakaiba. Of course, Stephen looked unfamiliar. Malayo na sana siya nang bigla sya nitong tawagin at hingin pa ang ID nya. Unti-unti na syang pinagpawisan. Ano naman kayang gagawin nya kapag nabisto nito na peke sya? Kelangan nya itong malusutan in one way or the other.

He showed him his identification card and said, “Transferee ako. Allen Richards.”

Nakipagtitigan pa ito sa kanya nang ilang sandali habang iniinspeksyon ang ID nya. Siguro tinitingnan yong picture dun sa ID. Good for him, kasi napalitan na niya yon. Pangalan lang naman kelangan nya e. “Ganun ba? Mula ngayon, tandaan mo na bawal ang pumasok sa pintong yon. Authorized person lang ang pwede dun.”

Agad naman siyang tumango tanda ng pagsang-ayon dito. “Ok sir. So, sino lang ang specifically ang pwedeng pumasok dun?” He would take this chance to interrogate. Dahil transferee sya, hindi naman siguro nito pagsususpetsahan kung may pagka-curious ang dating nya. Scientists were quite inquisitive, right?

“Ang alam ko lang hindi pinapapasok ni Sir Gregory ang kahit sino. Yon ang utos sa’min.” sagot naman nito.

Fishy. Na-link na naman ang pangalang yon. Bahagya siyang tumango at lumakad palayo sa sekyu. Napabuntong-hininga siya. Muntik na siya dun a. He had two leads now, si Christopher at isama na rin yong janitor kanina pati yong matandang Gregory na syang nag-utos na gawing private yong area na yon. Sa’n nga kaya nagpunta yong Christopher na ‘yon? Or should he better ask, where would that doorway leads? Pasalamat nalang siya kay Allen Richards sa pangalan nito. Kahit i-query pa nila yon sa information system ng University, na-alter na nya lahat ng data ni Allen Richards dun. He had hacked into the University’s data system and found a possible student to borrow the identification code. Yong Richards na yon ay med student na nag-drop na ilang araw pa lang naman ang nakakalipas bago pa sya pumasok sa University. Ang pagkakamali lang ng staff na naghahandle ng mga records dun, hindi na-delete yong data. Tuloy napakinabangan pa nya. Maliban nalang kung titingnan nila yong hard copy ng registration baka mabuko siya. Pero kahit na mabuko siya, hindi na rin naman siya mamumukhaan nito. Libu-libo kaya nag estudyante ng Hartford. Agad na syang bumalik sa storeroom para sa mga gamit nya. Hindi na sya pwedeng magtagal dun. Mukhang dumami na ang security nang sumulyap siya sa labas ng storeroom. Pambihira! Ganon kabilis nakapag-report yong sekyu na yon? Wala na syang ibang choice kundi dumaan sa vent. He climbed on a rack and pulled the screen. At bago pa man may makapasok sa pinagtataguan nya, wala na ni anino niya dun.

The passage had led him into the other storerooms and finally into the hallway. Tiempo naman na nagbago ng rotation ang surveillance cam. Tumingin muna sya nang kaliwa’t kanan bago bumaba galing sa ventilation passage. Walang tao sa hallway. He pulled himself together at saka lumakad ng parang walang nangyari. Nakasalubong pa nga niya yong isang sekyu pero hindi naman sya kilala nito. Hanggang sa may nakita siya sa di kalayuan, yong janitor na hinahunting rin nya at papalapit pa ito sa direksyon nya. He draw something from his vest pocket, a GPS chip tracker. Sinadya nya itong banggain at palihim na inilagay ang chip sa damit nito. Peace of cake. It was easy as what he always do. Napatingin naman ang lalaki na nasa edad trenta na.

“Sorry,” sabi niya dito, sabay lihis ng tingin. Napabuntong-hininga lang ito at nagpatuloy na sa pupuntahan. Palihim naman siyang napangiti. This is getting even better. Ilang sandali pa ay nakalabas na sya ng building. Nakita sya ni Paige at saka tinawag. Parang langaw naman na nakasunod dito si Nicholas.

“Uy! Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Paige.

“Wala. Ayaw nila akong papasukin.” sagot niya na ang tinutukoy ay ang pinanggalingan. Epal rin sya kung minsan. Ayaw daw papasukin o? Baka kasi magtanong ito kung anong ginawa nya sa lab.

Natawa naman si Paige. “Sira ka rin. Hindi ka naman med student e! Sadyang hindi ka nila papapasukin dyan.”

Baka humaba pa ang diskusyon kaya iniba na niya ang usapan. “E ikaw? Bakit nandito ka? Di ba dapat nagpapahinga ka?”

Si Nicholas naman ang sumagot. “C’mon, dude!” Biglang tapik sa likod ni Paige. Ok lang sana kung simpleng tapik lang e halos tumalsik na baga nito e. “Mas barako pa kaya ito sa’tin!” dagdag pa ni Nicholas sabay tumawa ng ubod lakas. Paige scowled and hit his head in return.

Napagitna naman si Stephen sa kanila. “Tama na nga yan. Our next class would start soon. Mamaya nalang kayo mag-away, ‘kay?”

Napatigil si Paige. After class? Isang araw na naman pala ang lumipas! Her eyes suddenly widened. Mrs. Davis! Ngayon na pala ang deadline! Agad siyang namutla. Wala pa kaya siyang pambayad! Ano nang gagawin niya ngayon? Bakit nga ba nakalimutan na nya yong bagay na yon!? Nakakain lang ng pasta e nakalimutan na yong dapat niyang bayaran! She was so damned dead. Naiwan na sya nung dalawa sa kabagalan niyang maglakad. Nicholas turned to her and called out. Pilit lamang siyang napangiti. Sure na sure na sya na papalayasin na sya nung bruha na yon pag dating nya sa bahay. Saan na sya ngayon matutulog? Sa kalsada? Ehm sa tabing kalsada rather. Napakagat-labi siya sa kakaisip. Sinong tutulong sa kanya ngayon? Wala naman siyang kamag-anak doon. Isang pangalan na naman ang nag-flash sa isip nya! Stephen. Mabenta ata ang pangalan nito. Hindi nga nya kamag-anak pero baka mapakiusapan naman niya. Dali-dali niya itong hinila saka lumingon kay Nicholas at sinabing mauna na ito sa kanila.

Stephen gazed down on her with a puzzled look. “O bakit?”

She took a deep breath before saying, “P-Pwede bang…?” Nauutal pa siya at nagdadalawang-isip. Baka kasi kung ano pa ang isipin ni Stephen na malayo sa real reason nya. It was also an awful thing for a girl to ask pero wala na syang choice e. Huminga ulit siya ng mas malalim. Released. Hindi. Hindi niya kayang sabihin.

“Pwedeng ano?” Narinig niyang tanong ni Stephen.

Ito na. Naninikip na ang dibdib niya. Her breath was really tightening on her chest in an irregular rhythm. “Pwede ba akong tumira sa bahay mo?” At yon nga! Nasabi na niya.

Hindi tuloy maka-react si Stephen sa narinig. What!? Titira sya sa bahay? Ok lang ba sya? Ano namang dahilan at bahay ko pa napili nito? He cleared his throat. “Ano bang sinasabi mo?” Kalmado pa rin ang boses nito.

“A-Ang ibig kong sabihin, pwede ba akong makitira sa bahay mo kahit ilang araw lang?” Explain niya. Nakakaawa na ang itsura niya. Sinasadya nya talaga yon. “Hindi pa kasi ako nakakabayad ng upa ko sa bahay na yon. Tapos, wala pa akong part-time… Tapos… yong land-lady namin masyadong sakim sa pera. Alam ko na kelangan kong maghanap ng panibagong matitirahan pero wala pa akong time sa ngayon tsaka wala pa rin akong pera. Wala rin naman akong kaibigan. Ikaw at si Nicholas lang ang pwede kong lapitan. So ple — …”

“Sorry,” putol ni Stephen sa sasabihin pa ni Paige. Kahit na gusto niyang i-approach ito in a more gentle way wala naman siyang maiisip kung papaano baka lalo lang itong umasa kung magpapaligoy-ligoy pa sya. Hindi rin naman ibig sabihin nun na ayaw nya itong tulungan. In fact he wants to, but he cannot let Paige stay with him. Lalong magugulo ang buhay niya kapag nakidagdag pa ito. “I’m sorry. Ask me anything but not that. Kausapin mo nalang si Nicholas baka matulungan ka noon.”

 

Lalo namang naging mukhang kawawa ang face ni Paige. At bago pa man siya makapagsalita, Stephen turned his back to leave. “Uy, Stephen…” Mahina niyang tawag dito pero hindi na siya nito nilingon. Kausapin daw si Nicholas e alam naman ng lahat na katulad rin nya ito. Isa ring scholar na pinagkakasya ang sarili sa isang maliit na apartment kasama ang mga magulang nito at pitong kapatid. Nasapo na lang niya ang noo niya na puno na siguro ng wrinkles. Ang hirap naman kasing mabuhay kung walang pera! Nakaka-stress. Ngayon, mukhang sa sidewalk muna siya magpapalipas ng gabi. She was so dreadful, pathetic girl… homeless, friendless, at penniless. Hay. Ano ba naman ‘to? Lahat nalang less.

Chapter Eight

Hindi nagpakita si Paige nang hapong yon. Malapit nang matapos ang klase pero wala pang Paige na nagpapakita. Stephen draw out a sigh. Kasalanan ba nya kung bakit ito absent? Napatingin sa kanya si Nicholas. “Nasaan si Paige?” The guy mouthed. Napakibit-balikat lang siya. Wala rin siyang idea kung saan ito nagpunta. Baka naghahanap ng matutuluyan o di kaya ay naghahanap ng pwedeng hingan ng tulong.

And there it goes. Natapos na nga klase at time na rin para magsiuwian ang lahat. Nicholas called out for him in the hallway. Ayan na naman sya. He was sure that it was about Paige again. “Nasaan nga kaya si Paige?” Tanong pa nito. At hindi nga siya nagkamali. Kelan pa ba siya naging police station na pwedeng pagtanungan ng mga nawawala. Intel agent po siya.

“Wala rin akong idea kung nasaan siya.” He turned to his watch. It was past six. Lumingon siya kay Nicholas. “Baka nauna nang umuwi sa atin.” Okay nang sabihin nya yon kahit hindi siya sure kung nakauwi na ba talaga ito, wag lang siyang kulitin ni Nicholas.

Napasang-ayon naman niya ang nerd at sabay na rin silang naglakad palabas ng building. Silence took over. “Alam mo ba nakakaawa si Paige,” basag nito sa katahimikan. He had no idea what this guy was fussing about kaya mas pinili nalang niyang makinig kay Nicholas. “Mag-isa nalang kasi siya sa buhay. Namatay yong mama nya halos isang taon na mula ngayon.” Stephen narrowed his eyes but chose to keep his silence. Ano ba naman yan? Parang nakokonsyensya na tuloy siya. Paige had been nice to him, kahit na weird-looking pa ang itsura nya sa suot niyang eyeglasses. Pero may mga bagay lang talagang dapat siyang i-consider that he could not easily agreed upon. Hindi na naman siya average college student na allowance at bills lang ang iniisip. No. Not anymore.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip, Nicholas spoke again, “Kumusta nga pala ang aikido?”

“Aikido?” Ulit pa niya saka sumulyap sa katabi. Mukha namang tama siya ng dinig. Excited kasi ang mukha nito at may pag tango pa. Stephen twisted his lips. “Medyo mahirap pero fulfilling.” He shove a hand into his pocket habang pababa sila ng hagdan. Napakatahimik pala ng University pag gabi. They had passed several rooms and most of them were already vacant. Konti nalang ang may klase at konti rin lang ang mga estudyante na uma-attend ng night class.

“Ilan naman ang nakuha mong grade sa aikido class mo?” usisa pa nito sa kanya.

Natagalan bago pa siya nakasagot. “I got F for Failed?” Nakangiti niyang sabi dito. Pinagtawanan naman siya ni Nicholas. Iniisip siguro nito na halos magkatulad lang pala sila kung kukuha ito ng aikido class. Stephen just laughed, shaking his head. Hindi naman kasi yon totoo. He got an A+ to be honest.

Napatingin siya sa may kaliwa niya at agad na napatigil. It was Christopher heading into that building again. Ano bang meron sa research lab na yon at binabalik-balikan ng mokong na to? At this point of hour, what would a normal student like Christopher do on that research-reserved spot? Naalala tuloy niya yong usapan ng med student at nung mokong.

Nalampasan na sya ni Nicholas kakatingin kay Christopher na parang multong nawala na naman. “Bakit ka napatigil?” tanong ng classmate nya. Wala na siyang time para sagutin pa ito at nagmamadaling bumalik ng building.

“Sa'n ka pupunta?”

“May nakalimutan ako,” sagot niya. “Mauna ka na.”

Napataas ang kilay nito. Bakit nga ba ganun itong si Stephen? Parang ewan na kung saan saan pumupunta at sumusulpot. Nagkibit-balikat nalang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala na naman siyang pakialam sa kung ano mang business nito. Namilog ang mga mata nito nang maalala na ngayon nga pala ang football finals! Nagmamadali tuloy ito sa paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang gate. Sobrang tahimik naman ng paligid at siya nalang nga pala ang naglalakad palabas. Lumingon siya para tingnan kung nakababa na ba ng building si Stephen pero wala pa ni anino nito. Napakadilim rin pala sa University kung gabi. Lamp post lang ang ilaw niya at medyo nagloloko pa yong iba. Ito ang rason kung bakit ayaw ni Nicholas ng night class. Lalo na nang maalala nito ang pagkamatay nung mga suicide victims. Nangilabot tuloy ito. Naniniwala pa naman ito sa mga multo. Sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-indap ng mga light post sa likuran nito. Para tuloy itong ipo-ipo sa bilis ng paglalakad na may kahalong sigaw pa papalabas sa University. Muntik pa ngang madapa sa pagmamadali. Hindi napansin nito na may nalampasan na siyang tao. Actually, aware naman ito na may nalampasan sya sa may gate hindi lang nito pinansin at hindi rin nag-dare na tingnan pa. Pero sad to say, it was Paige. She tried to call him out pero nagtatakbo nalang ito palayo sa kanya. Naiwan tuloy yong isa na confused sa pagtakbo ng kaibigan.

Anyare? Paige run a hand over her blonde hair sabay upo sa sidewalk. Isang malaking pack bag ang nasa likod nya. Daig pa nya ang maga-out of town sa laki ng bag na yon. Dun kasi nakalagay lahat ng mga gamit nya. Pinalayas na kasi sya nung bruha nyang land lady. She had made up her mind too. Nakakalungkot lang isipin na hindi na nya matutupad yong promise nya. Paige let out a sigh. Nakakasilaw na mga headlight ng mga sasakyan ang dumadaan sa harapan nya, one after the other. Pinagmasdan lang niya ang mga ito saka nagpakawala ng isa pang buntong-hininga. Kung pinayagan lang sana siya ni Stephen na tumira sa bahay nito, may tyansa pa sana syang maghanap ng trabaho. Pero hindi naman nya ito masisisi. Stephen had his own life too. A lucky one. Naisip nya si Nicholas. Hindi talaga pwede si Nicholas. Nakakatakot kaya ang mama nito. Tapos, ang dami pa nitong kapatid. Ayaw naman niyang makidagdag pa sa problema ng mga ito. Napakamot si Paige sa kakaisip. Matapos ang ilang sandali, may narinig siyang usapan papunta sa kinauupuan nya. Galing yon sa University. Siguro mga night class students. Nagulat nalang siya ng makita nya si Tiffany kasama ang mga friends nito. Pambihira! Ngayon pa lang magsisiuwian ang mga yon? Paige hurriedly hid herself on the thick bushes on the side. Tyak na pagtatawanan kasi siya nito pag nakita yong bag na dala-dala niya. Maya-maya pa’y may sumunod na sasakyan kung saan naman sumakay ang mga ito. Paige smirked. Kilala kasi nya kung sinong driver. No other than Christopher. Ang sweet pa nga nung dalawa e. Perfect talaga sila. A match made in hell. Nang makaalis ang mga ito, umalis na rin si Paige. Mas mabuti pa na maghanap nalang siya ng panibagong lugar na pwedeng magpalipas ng gabi. She put on her close-fitting cap and walked away. Mali siguro yong desisyon nya na sa University matulog.

 

***

 

Stephen watch as the car drove away. Chineck rin niya ang simulator. Meron kasi itong nadetect na panibagong virtual blueprint. He flip the virtual projection to the right. May basement pala ang research building na yon. Malamang yong doorway kung saan muntik na syang mahuli kanina, dun siguro ang entrance. If he was not mistaken, Christopher might be involved in something. He twisted his lips, placing his arms in the opened window of his car with his fingers on his forehead. Sumasakit kasi ang ulo niya kakaisip sa mokong na yon. Kung hindi lang naka-lock yong pinto ng research lab nung balikan nya kanina, matagal na nyang napasok yong takteng secret basement na yon. Mukhang nag-iingat na rin ang mga yon a. May pasecure-secure na rin ng mga facility nila. University pa ang tawag dito? May secret basement na authorized personnel lang ang pwedeng pumasok? Tapos yong nag-utos na i-locked down yong basement e hindi naman stockholder ng University. In-charge lang naman yong Gregory na yon. Halos lahat kaya ng stockholder ng institution ay nasa ibang bansa. Putting back all his stuff inside his bag, he turned the ignition on. Naiirita lang siya sa tuwing naaalala nya yong Christopher na yon. Ewan ba kung bakit. Stephen slid his phone open. After a few taps and slides, inihagis na niya ito sa tabi nya saka pinatakbo ang sasakyan palabas ng University. He got leads somehow. Three days won’t be that long. Pero mabagal pa rin ang flow ng investigation nya. Kahit na hindi masyadong nag-iexpect ang Bureau mas maganda kung mag-iiwan man lang siya ng konting updates. A silhouette of a girl caught his attention as he drove down the walls of the Hartford. Nalampasan na nya ito nang bigla siyang matigilan. Paige? What the heck is she doing outside the University at this time? Stephen shook his head and drove away. Wala naman siyang magagawa para dito.

Napansin ni Paige yong familiar car na lumampas sa kanya sa di kalayuan pero mas pinili na rin nitong wag nalang itong pansinin. Marami naman kasing ganung type ng sasakyan. She shove her hands into the pocket of her jeans and walked at a dawdling pace. Stephen watched her at the rearview mirror of the slow-moving car. He took a sigh and gathered his speed. Naaawa siya dito pero ano ba ang pwede nyang gawing tulong? On top of anything, he could not drag her into the things only he should be aware of. Baka lalo lang nitong ikapahamak sa huli.

Paige was about to take her next step nang matanggal yong yapakan ng sapatos nya. Wala tuloy itong nagawa kundi tumigil at pagtyagaang ayusin ang nasirang sapatos. Kelan pa nga ba huli siyang bumili ng gamit para sa sarili nya? Her face turned awful and wretched. Mama lang naman kasi niya ang bumibili ng gamit niya. Yong ibibili nya nun ipangkakain nalang nya. Hayyyy. Kelan pa ba matatapos ang misery nya? Inexamine nya yong sapatos. Wala. Wala nang pag-asa. Maybe it was the time to buy another one. Okay lang. Magyayapak nalang siya. A screeching of tires followed after a moment. May tumigil na sasakyan sa tabi niya. Agad naman siyang tumakbo papalayo dito. Baka kasi kidnapper o kaya yong nangunguha ng kidney! Napakunot-noo sya kasi ito rin yong sasakyan na dumaan kanina.

“Get in.” Narinig niya. It sounded like Stephen. Nag-aalangan pa syang lumapit dito. A light had been turned on, and it was really him. Stephen faintly smiled and waved his hand.

Nakahinga si Paige nang maluwag. “Ikaw pala yan.”

“Sakay na.”

Agad naman siyang sumakay dito kahit nung una e nag-aalangan pa siya. She tug the seat belt on her side. Mabilis namang pinatakbo ni Stephen ang sasakyan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Sobrang lakas pa ng aircon. Para tuloy siyang nasa North Pole na awkward ang atmosphere.

“Bakit ka tumakbo kanina?” Narinig niyang tanong ni Stephen, without even looking at her. Ganoon ba talaga makipag-usap ang mga driver? Kelangan sa daan lagi nakatingin?

“Akala ko naman kasi kidnapper ka,” tugon niya, medyo awkward pa rin.

“Saan ka tutuloy ngayon?” 

Parang hindi nito narinig yong joke niya. Change topis agad? Kahit papaano joke na yon para sa kanya. Ano ba naman yan? May kasungitan rin palang taglay tong si Stephen. Napaisip tuloy siya ng isasagot, yong tipong hindi siya masyadong magmumukhang pathetic dito. “A-Ah... Dun ako tutuloy sa bahay ng friend ko. Papunta na nga ako e.” Oo. Kasinungalingan. Nahihiya kasi siyang sabihin na sa University sana siya matutulog. Paige suddenly saw the cynical smile that was twisting on his lips. “Ano namang ibig sabihin ng ngiting yan?”

Stephen turned to her. “Naku-curious lang kasi ako kung sino yong friend mo na yon.” Napatigil ito sabay sabing, “Si Nicholas?” He saw the glint of lie on her eyes. Alam nga naman pala nitong silang dalawa lang ni Nicholas ang kaibigan nya. Kasasabi lang niya dito. Ilang oras pa lang ang nakakaraan, remember?

Napayuko tuloy si Paige. Then, the traffic light turns red for a halt. Stephen pulled the brakes and the screeching of tires came after. Napatingin ito sa kanya. Hinihintay ang pagsasabi nya ng totoo. Nagkaroon rin sya ng lakas ng loob para tingnan rin ito, and she finally end up raising her both hands in defeat. “All right. All right! I lied.” Amin niya. “Wala naman talaga akong tutuluyan. Sa University nga sana ako matutulog kaso natakot naman ako bigla. Baka kinabukasan ako na ang laman ng headlines ng mga dyaryo… kaya naman umalis nalang ako kahit na hindi ko naman alam kung san ako pupunta. Tapos yon, bigla ka nalang nagpakita. Akala ko talaga kidnapper ka!”

Hindi alam ni Stephen kung matatawa ba sya o ano. Hindi kasi inalis ni Paige yong part na napagkamalan nitong kidnapper sya. E kung kidnapper man sya, wala rin naman syang makukuhang ransom dito. Mas pinili nalang tuloy niyang manahimik baka matawa lang sya. He accelerated and engage gears to a moderate speed as the light turns to a go.

After some time, nagsalita ulit si Paige, “Nakita ko kaya itong sasakyan mo nang umalis sa University kaso hindi ko lang pinansin kasi marami namang katulad na model ‘to.” Napasulyap siya kay Stephen. “Bakit ka nga pala bumalik?” Alam naman niyang dahil sa kanya gusto lang niyang marinig yon galing kay Stephen. At least, maibalik kahit one fourth nung pride nya.

Stephen smirked. Alam naman niyang alam ni Paige na bumalik siya dahil naawa siya dito. Hindi naman kasi sya ganun kacold-blooded. Minsan lang. And yes, he was breaking the rules again. Pero ano bang magagawa niya? Alangan namang hayaan nalang niyang matulog ito sa sidewalk? Paano kung masagasaan o kaya ma-hit and run ito? It would not bring him at peace for all his life. Kelangan lang hindi ito makarating sa Intel. He gazed at her, “I just can’t let you sleep somewhere. Konsyensya ko pa.”

Naningkit ang mga mata nito. “So, you’re allowing me to stay at your place?”

“Not exactly,” he retorted, stirring the wheel with a hand habang yong isa nakapatong sa bukas na bintana nung sasakyan. “Just for tonight.” She heard him say. Napasimangot naman si Paige saka napabuntong-hininga. Akala pa naman niya one week na ang palugit nito. Pero okay na rin kesa sa kalye matulog.

Nakamasid si Paige habang dumadaan sila sa Wisconsin Boulevard, just blocks away from the University. Wala naman pala itong masyadong pinagbago, full of life and well-run pa rin. Natigilan siya nang maalala ang isang pamilyar na lugar. Malapit lang yon. Sure na sure sya. She looked around every corner but it was so dark that she cannot figure out exactly where it was. Halos isang taon na rin ang lumipas at may ibang bagay na nabago dito hanggang sa lumampas na nga sila sa lugar na yon. Siguro sa ibang araw nalang niya ito hahanapin.

Maya-maya pa’y nakita na lamang ni Paige na lumiko ang sinasakyan nila gawing kanan at huminto sa harap ng pamosong Grand Shire Hotel, the well-known hotel in town! Grabe ang ganda pala talaga nito! Paige stared in awed of its towering height and beautiful façade. They drove into the ample parking area sa tabi ng hotel. And most cars na naka-park dito ay luxury cars na pagmamay-ari ng mga kilalang personalidad. Hula lang nya yon pero may possibility di ba? Stephen rolled up the window and turned off the lights. Napatanga naman si Paige habang tinitingnan itong siniwitch-off ang ignition ng sasakyan. Totoo ba talaga? Dito sya nakatira? Afford nya as in? Kung ang tuition nga sa Pristine e keri nito, may dapat pa bas yang ipagtaka?

 

Napansin siguro nito ang pagkunot ng noo ni Paige kaya ito lihim na napangiti. Stephen gathered his things and said, “We’re here. Baba na. What are you waiting for? Christmas?” Raising a brow, she stepped out of the car at parang PA na susunod-sunod kay Stephen sa reception hall. She could not believe her eyes. Hindi man lang niya iniisp na makakatuntong siya sa ganun ka-exclusive na hotel. The attendants greeted them as they enter the hall. Kapansin-pansin ang loob nito. Napakaganda at mukha talagang mayayamang tao ang nakatira dun. Noticed by the exquisite design na nakaukit sa mga pader. High standard carpet and tiling pa ang gamit sa sahig! Astig talaga! Lalo tuloy na-enhance ang ganda ng lugar. May dancing fountain pa sa gitna na halos abutin na yong nakabitin na golden chandelier sa kisame! Paige gazed around. It was really magnificent! Sa second storey naman makikita yong dining reception na nagseserve sa mga prominenteng guests. Napatingin siya kay Stephen na busy sa pakikipag-usap sa isang receptionist. Mukha namang nagkasundo na yong dalawa at iniabot kay Stephen yong susi, saka sumenyas sa kanya para sumunod. Binilisan naman ni Paige ang paglalakad kahit na medyo iika-ika siya dahil sa sira niyang sapatos. They headed for the elevator. After a sec came a ding saka nagbukas yong pinto. A number of guests stepped out of it. Karamihan sa mga ito ay mga babaeng nasa edad trenta na pero halatang galing sa mayayamang pamilya base sa fashionable na pananamit ng mga ito. May mga topic ang mga ito na sila lang ang nagkakaintindihan. The men, three of them came after. Isa sa mga ito ang humablot sa kamay ng fiancée nito kasunod isang napaka-passionate na kiss. Para namang haliparot yong iba kung makapag-react. Their laughter filled the whole area pero parang walang pakialaman ata sa lugar na yon. Kanya-kanyang trip lang. It was maybe a conventional scenario on hotels like this. Napansin naman siya nung babaeng hinalkan ng fiancé nito at nagulat si Paige ng ngitian at kindatan pa sya nito sabay tingin kay Stephen, then back at her. Paige arced her brow, sabay higit sa cap niya. Ano namang ibig sabihin nun? Akala siguro nun boyfriend nya si Stephen! May pagkindat pa. Hayy… Anu ba yan? Na-misinterpret na agad. Stephen smirked, making a step into the opened elevator bago pa man ito magsara. He cleared his throat, dragging her inside. Para pa kasi siyang tuod dun sa labas. Ilang sandali pa ay nagsara na yong elevator leaving the two of them. 

Chapter Nine

Hindi nagpakita si Paige nang hapong yon. Malapit nang matapos ang klase pero wala pang Paige na nagpapakita. Stephen draw out a sigh. Kasalanan ba nya kung bakit ito absent? Napatingin sa kanya si Nicholas. “Nasaan si Paige?” The guy mouthed. Napakibit-balikat lang siya. Wala rin siyang idea kung saan ito nagpunta. Baka naghahanap ng matutuluyan o di kaya ay naghahanap ng pwedeng hingan ng tulong.

And there it goes. Natapos na nga klase at time na rin para magsiuwian ang lahat. Nicholas called out for him in the hallway. Ayan na naman sya. He was sure that it was about Paige again. “Nasaan nga kaya si Paige?” Tanong pa nito. At hindi nga siya nagkamali. Kelan pa ba siya naging police station na pwedeng pagtanungan ng mga nawawala. Intel agent po siya.

“Wala rin akong idea kung nasaan siya.” He turned to his watch. It was past six. Lumingon siya kay Nicholas. “Baka nauna nang umuwi sa atin.” Okay nang sabihin nya yon kahit hindi siya sure kung nakauwi na ba talaga ito, wag lang siyang kulitin ni Nicholas.

Napasang-ayon naman niya ang nerd at sabay na rin silang naglakad palabas ng building. Silence took over. “Alam mo ba nakakaawa si Paige,” basag nito sa katahimikan. He had no idea what this guy was fussing about kaya mas pinili nalang niyang makinig kay Nicholas. “Mag-isa nalang kasi siya sa buhay. Namatay yong mama nya halos isang taon na mula ngayon.” Stephen narrowed his eyes but chose to keep his silence. Ano ba naman yan? Parang nakokonsyensya na tuloy siya. Paige had been nice to him, kahit na weird-looking pa ang itsura nya sa suot niyang eyeglasses. Pero may mga bagay lang talagang dapat siyang i-consider that he could not easily agreed upon. Hindi na naman siya average college student na allowance at bills lang ang iniisip. No. Not anymore.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip, Nicholas spoke again, “Kumusta nga pala ang aikido?”

“Aikido?” Ulit pa niya saka sumulyap sa katabi. Mukha namang tama siya ng dinig. Excited kasi ang mukha nito at may pag tango pa. Stephen twisted his lips. “Medyo mahirap pero fulfilling.” He shove a hand into his pocket habang pababa sila ng hagdan. Napakatahimik pala ng University pag gabi. They had passed several rooms and most of them were already vacant. Konti nalang ang may klase at konti rin lang ang mga estudyante na uma-attend ng night class.

“Ilan naman ang nakuha mong grade sa aikido class mo?” usisa pa nito sa kanya.

Natagalan bago pa siya nakasagot. “I got F for Failed?” Nakangiti niyang sabi dito. Pinagtawanan naman siya ni Nicholas. Iniisip siguro nito na halos magkatulad lang pala sila kung kukuha ito ng aikido class. Stephen just laughed, shaking his head. Hindi naman kasi yon totoo. He got an A+ to be honest.

Napatingin siya sa may kaliwa niya at agad na napatigil. It was Christopher heading into that building again. Ano bang meron sa research lab na yon at binabalik-balikan ng mokong na to? At this point of hour, what would a normal student like Christopher do on that research-reserved spot? Naalala tuloy niya yong usapan ng med student at nung mokong.

Nalampasan na sya ni Nicholas kakatingin kay Christopher na parang multong nawala na naman. “Bakit ka napatigil?” tanong ng classmate nya. Wala na siyang time para sagutin pa ito at nagmamadaling bumalik ng building.

“Sa'n ka pupunta?”

“May nakalimutan ako,” sagot niya. “Mauna ka na.”

Napataas ang kilay nito. Bakit nga ba ganun itong si Stephen? Parang ewan na kung saan saan pumupunta at sumusulpot. Nagkibit-balikat nalang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala na naman siyang pakialam sa kung ano mang business nito. Namilog ang mga mata nito nang maalala na ngayon nga pala ang football finals! Nagmamadali tuloy ito sa paglalakad. Medyo malayo-layo rin ang gate. Sobrang tahimik naman ng paligid at siya nalang nga pala ang naglalakad palabas. Lumingon siya para tingnan kung nakababa na ba ng building si Stephen pero wala pa ni anino nito. Napakadilim rin pala sa University kung gabi. Lamp post lang ang ilaw niya at medyo nagloloko pa yong iba. Ito ang rason kung bakit ayaw ni Nicholas ng night class. Lalo na nang maalala nito ang pagkamatay nung mga suicide victims. Nangilabot tuloy ito. Naniniwala pa naman ito sa mga multo. Sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-indap ng mga light post sa likuran nito. Para tuloy itong ipo-ipo sa bilis ng paglalakad na may kahalong sigaw pa papalabas sa University. Muntik pa ngang madapa sa pagmamadali. Hindi napansin nito na may nalampasan na siyang tao. Actually, aware naman ito na may nalampasan sya sa may gate hindi lang nito pinansin at hindi rin nag-dare na tingnan pa. Pero sad to say, it was Paige. She tried to call him out pero nagtatakbo nalang ito palayo sa kanya. Naiwan tuloy yong isa na confused sa pagtakbo ng kaibigan.

Anyare? Paige run a hand over her blonde hair sabay upo sa sidewalk. Isang malaking pack bag ang nasa likod nya. Daig pa nya ang maga-out of town sa laki ng bag na yon. Dun kasi nakalagay lahat ng mga gamit nya. Pinalayas na kasi sya nung bruha nyang land lady. She had made up her mind too. Nakakalungkot lang isipin na hindi na nya matutupad yong promise nya. Paige let out a sigh. Nakakasilaw na mga headlight ng mga sasakyan ang dumadaan sa harapan nya, one after the other. Pinagmasdan lang niya ang mga ito saka nagpakawala ng isa pang buntong-hininga. Kung pinayagan lang sana siya ni Stephen na tumira sa bahay nito, may tyansa pa sana syang maghanap ng trabaho. Pero hindi naman nya ito masisisi. Stephen had his own life too. A lucky one. Naisip nya si Nicholas. Hindi talaga pwede si Nicholas. Nakakatakot kaya ang mama nito. Tapos, ang dami pa nitong kapatid. Ayaw naman niyang makidagdag pa sa problema ng mga ito. Napakamot si Paige sa kakaisip. Matapos ang ilang sandali, may narinig siyang usapan papunta sa kinauupuan nya. Galing yon sa University. Siguro mga night class students. Nagulat nalang siya ng makita nya si Tiffany kasama ang mga friends nito. Pambihira! Ngayon pa lang magsisiuwian ang mga yon? Paige hurriedly hid herself on the thick bushes on the side. Tyak na pagtatawanan kasi siya nito pag nakita yong bag na dala-dala niya. Maya-maya pa’y may sumunod na sasakyan kung saan naman sumakay ang mga ito. Paige smirked. Kilala kasi nya kung sinong driver. No other than Christopher. Ang sweet pa nga nung dalawa e. Perfect talaga sila. A match made in hell. Nang makaalis ang mga ito, umalis na rin si Paige. Mas mabuti pa na maghanap nalang siya ng panibagong lugar na pwedeng magpalipas ng gabi. She put on her close-fitting cap and walked away. Mali siguro yong desisyon nya na sa University matulog.

 

***

 

Stephen watch as the car drove away. Chineck rin niya ang simulator. Meron kasi itong nadetect na panibagong virtual blueprint. He flip the virtual projection to the right. May basement pala ang research building na yon. Malamang yong doorway kung saan muntik na syang mahuli kanina, dun siguro ang entrance. If he was not mistaken, Christopher might be involved in something. He twisted his lips, placing his arms in the opened window of his car with his fingers on his forehead. Sumasakit kasi ang ulo niya kakaisip sa mokong na yon. Kung hindi lang naka-lock yong pinto ng research lab nung balikan nya kanina, matagal na nyang napasok yong takteng secret basement na yon. Mukhang nag-iingat na rin ang mga yon a. May pasecure-secure na rin ng mga facility nila. University pa ang tawag dito? May secret basement na authorized personnel lang ang pwedeng pumasok? Tapos yong nag-utos na i-locked down yong basement e hindi naman stockholder ng University. In-charge lang naman yong Gregory na yon. Halos lahat kaya ng stockholder ng institution ay nasa ibang bansa. Putting back all his stuff inside his bag, he turned the ignition on. Naiirita lang siya sa tuwing naaalala nya yong Christopher na yon. Ewan ba kung bakit. Stephen slid his phone open. After a few taps and slides, inihagis na niya ito sa tabi nya saka pinatakbo ang sasakyan palabas ng University. He got leads somehow. Three days won’t be that long. Pero mabagal pa rin ang flow ng investigation nya. Kahit na hindi masyadong nag-iexpect ang Bureau mas maganda kung mag-iiwan man lang siya ng konting updates. A silhouette of a girl caught his attention as he drove down the walls of the Hartford. Nalampasan na nya ito nang bigla siyang matigilan. Paige? What the heck is she doing outside the University at this time? Stephen shook his head and drove away. Wala naman siyang magagawa para dito.

Napansin ni Paige yong familiar car na lumampas sa kanya sa di kalayuan pero mas pinili na rin nitong wag nalang itong pansinin. Marami naman kasing ganung type ng sasakyan. She shove her hands into the pocket of her jeans and walked at a dawdling pace. Stephen watched her at the rearview mirror of the slow-moving car. He took a sigh and gathered his speed. Naaawa siya dito pero ano ba ang pwede nyang gawing tulong? On top of anything, he could not drag her into the things only he should be aware of. Baka lalo lang nitong ikapahamak sa huli.

Paige was about to take her next step nang matanggal yong yapakan ng sapatos nya. Wala tuloy itong nagawa kundi tumigil at pagtyagaang ayusin ang nasirang sapatos. Kelan pa nga ba huli siyang bumili ng gamit para sa sarili nya? Her face turned awful and wretched. Mama lang naman kasi niya ang bumibili ng gamit niya. Yong ibibili nya nun ipangkakain nalang nya. Hayyyy. Kelan pa ba matatapos ang misery nya? Inexamine nya yong sapatos. Wala. Wala nang pag-asa. Maybe it was the time to buy another one. Okay lang. Magyayapak nalang siya. A screeching of tires followed after a moment. May tumigil na sasakyan sa tabi niya. Agad naman siyang tumakbo papalayo dito. Baka kasi kidnapper o kaya yong nangunguha ng kidney! Napakunot-noo sya kasi ito rin yong sasakyan na dumaan kanina.

“Get in.” Narinig niya. It sounded like Stephen. Nag-aalangan pa syang lumapit dito. A light had been turned on, and it was really him. Stephen faintly smiled and waved his hand.

Nakahinga si Paige nang maluwag. “Ikaw pala yan.”

“Sakay na.”

Agad naman siyang sumakay dito kahit nung una e nag-aalangan pa siya. She tug the seat belt on her side. Mabilis namang pinatakbo ni Stephen ang sasakyan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob. Sobrang lakas pa ng aircon. Para tuloy siyang nasa North Pole na awkward ang atmosphere.

“Bakit ka tumakbo kanina?” Narinig niyang tanong ni Stephen, without even looking at her. Ganoon ba talaga makipag-usap ang mga driver? Kelangan sa daan lagi nakatingin?

“Akala ko naman kasi kidnapper ka,” tugon niya, medyo awkward pa rin.

“Saan ka tutuloy ngayon?” 

Parang hindi nito narinig yong joke niya. Change topis agad? Kahit papaano joke na yon para sa kanya. Ano ba naman yan? May kasungitan rin palang taglay tong si Stephen. Napaisip tuloy siya ng isasagot, yong tipong hindi siya masyadong magmumukhang pathetic dito. “A-Ah... Dun ako tutuloy sa bahay ng friend ko. Papunta na nga ako e.” Oo. Kasinungalingan. Nahihiya kasi siyang sabihin na sa University sana siya matutulog. Paige suddenly saw the cynical smile that was twisting on his lips. “Ano namang ibig sabihin ng ngiting yan?”

Stephen turned to her. “Naku-curious lang kasi ako kung sino yong friend mo na yon.” Napatigil ito sabay sabing, “Si Nicholas?” He saw the glint of lie on her eyes. Alam nga naman pala nitong silang dalawa lang ni Nicholas ang kaibigan nya. Kasasabi lang niya dito. Ilang oras pa lang ang nakakaraan, remember?

Napayuko tuloy si Paige. Then, the traffic light turns red for a halt. Stephen pulled the brakes and the screeching of tires came after. Napatingin ito sa kanya. Hinihintay ang pagsasabi nya ng totoo. Nagkaroon rin sya ng lakas ng loob para tingnan rin ito, and she finally end up raising her both hands in defeat. “All right. All right! I lied.” Amin niya. “Wala naman talaga akong tutuluyan. Sa University nga sana ako matutulog kaso natakot naman ako bigla. Baka kinabukasan ako na ang laman ng headlines ng mga dyaryo… kaya naman umalis nalang ako kahit na hindi ko naman alam kung san ako pupunta. Tapos yon, bigla ka nalang nagpakita. Akala ko talaga kidnapper ka!”

Hindi alam ni Stephen kung matatawa ba sya o ano. Hindi kasi inalis ni Paige yong part na napagkamalan nitong kidnapper sya. E kung kidnapper man sya, wala rin naman syang makukuhang ransom dito. Mas pinili nalang tuloy niyang manahimik baka matawa lang sya. He accelerated and engage gears to a moderate speed as the light turns to a go.

After some time, nagsalita ulit si Paige, “Nakita ko kaya itong sasakyan mo nang umalis sa University kaso hindi ko lang pinansin kasi marami namang katulad na model ‘to.” Napasulyap siya kay Stephen. “Bakit ka nga pala bumalik?” Alam naman niyang dahil sa kanya gusto lang niyang marinig yon galing kay Stephen. At least, maibalik kahit one fourth nung pride nya.

Stephen smirked. Alam naman niyang alam ni Paige na bumalik siya dahil naawa siya dito. Hindi naman kasi sya ganun kacold-blooded. Minsan lang. And yes, he was breaking the rules again. Pero ano bang magagawa niya? Alangan namang hayaan nalang niyang matulog ito sa sidewalk? Paano kung masagasaan o kaya ma-hit and run ito? It would not bring him at peace for all his life. Kelangan lang hindi ito makarating sa Intel. He gazed at her, “I just can’t let you sleep somewhere. Konsyensya ko pa.”

Naningkit ang mga mata nito. “So, you’re allowing me to stay at your place?”

“Not exactly,” he retorted, stirring the wheel with a hand habang yong isa nakapatong sa bukas na bintana nung sasakyan. “Just for tonight.” She heard him say. Napasimangot naman si Paige saka napabuntong-hininga. Akala pa naman niya one week na ang palugit nito. Pero okay na rin kesa sa kalye matulog.

Nakamasid si Paige habang dumadaan sila sa Wisconsin Boulevard, just blocks away from the University. Wala naman pala itong masyadong pinagbago, full of life and well-run pa rin. Natigilan siya nang maalala ang isang pamilyar na lugar. Malapit lang yon. Sure na sure sya. She looked around every corner but it was so dark that she cannot figure out exactly where it was. Halos isang taon na rin ang lumipas at may ibang bagay na nabago dito hanggang sa lumampas na nga sila sa lugar na yon. Siguro sa ibang araw nalang niya ito hahanapin.

Maya-maya pa’y nakita na lamang ni Paige na lumiko ang sinasakyan nila gawing kanan at huminto sa harap ng pamosong Grand Shire Hotel, the well-known hotel in town! Grabe ang ganda pala talaga nito! Paige stared in awed of its towering height and beautiful façade. They drove into the ample parking area sa tabi ng hotel. And most cars na naka-park dito ay luxury cars na pagmamay-ari ng mga kilalang personalidad. Hula lang nya yon pero may possibility di ba? Stephen rolled up the window and turned off the lights. Napatanga naman si Paige habang tinitingnan itong siniwitch-off ang ignition ng sasakyan. Totoo ba talaga? Dito sya nakatira? Afford nya as in? Kung ang tuition nga sa Pristine e keri nito, may dapat pa bas yang ipagtaka?

 

Napansin siguro nito ang pagkunot ng noo ni Paige kaya ito lihim na napangiti. Stephen gathered his things and said, “We’re here. Baba na. What are you waiting for? Christmas?” Raising a brow, she stepped out of the car at parang PA na susunod-sunod kay Stephen sa reception hall. She could not believe her eyes. Hindi man lang niya iniisp na makakatuntong siya sa ganun ka-exclusive na hotel. The attendants greeted them as they enter the hall. Kapansin-pansin ang loob nito. Napakaganda at mukha talagang mayayamang tao ang nakatira dun. Noticed by the exquisite design na nakaukit sa mga pader. High standard carpet and tiling pa ang gamit sa sahig! Astig talaga! Lalo tuloy na-enhance ang ganda ng lugar. May dancing fountain pa sa gitna na halos abutin na yong nakabitin na golden chandelier sa kisame! Paige gazed around. It was really magnificent! Sa second storey naman makikita yong dining reception na nagseserve sa mga prominenteng guests. Napatingin siya kay Stephen na busy sa pakikipag-usap sa isang receptionist. Mukha namang nagkasundo na yong dalawa at iniabot kay Stephen yong susi, saka sumenyas sa kanya para sumunod. Binilisan naman ni Paige ang paglalakad kahit na medyo iika-ika siya dahil sa sira niyang sapatos. They headed for the elevator. After a sec came a ding saka nagbukas yong pinto. A number of guests stepped out of it. Karamihan sa mga ito ay mga babaeng nasa edad trenta na pero halatang galing sa mayayamang pamilya base sa fashionable na pananamit ng mga ito. May mga topic ang mga ito na sila lang ang nagkakaintindihan. The men, three of them came after. Isa sa mga ito ang humablot sa kamay ng fiancée nito kasunod isang napaka-passionate na kiss. Para namang haliparot yong iba kung makapag-react. Their laughter filled the whole area pero parang walang pakialaman ata sa lugar na yon. Kanya-kanyang trip lang. It was maybe a conventional scenario on hotels like this. Napansin naman siya nung babaeng hinalkan ng fiancé nito at nagulat si Paige ng ngitian at kindatan pa sya nito sabay tingin kay Stephen, then back at her. Paige arced her brow, sabay higit sa cap niya. Ano namang ibig sabihin nun? Akala siguro nun boyfriend nya si Stephen! May pagkindat pa. Hayy… Anu ba yan? Na-misinterpret na agad. Stephen smirked, making a step into the opened elevator bago pa man ito magsara. He cleared his throat, dragging her inside. Para pa kasi siyang tuod dun sa labas. Ilang sandali pa ay nagsara na yong elevator leaving the two of them. 

Chapter Ten

The smell of burnt onions and garlics ang nagpagising sa natutulog pang diwa ni Paige. Mukhang ang sarap naman ng niluluto na yon! Nakakagutom ang amoy! Marahan niyang kinusot ang inaantok pa nyang mga mata habang ina-adjust ang paningin sa liwanag. Chineck niya ang cellphone. Past six na nang umaga. Inunat niya ang mga kamay at dahan-dahang bumangon sa couch, sinundan pa ng isang ubod ng laking hikab. Napasarap ang tulog nya. Her eyessuddenly turned wide. Wala nga pala siya sa kwarto nya na obvious naman! Magpapanick na sana si Paige nang maalala ang lahat. Napatingin siya sa kusina at na-shock nang makitang nagluluto na si Stephen. Noon lang sya nakakita ng lalaking nagluluto. Agad naman siyang tumayo para makigulo sa pagluluto nito. He smiled and shook his head, sprinkling some sesame seeds on the cooked dish.

“Tapos ka na agad?” tanong niya dito na nakaarko pa ang isang kilay. Ang bilis naman nitong magluto. Tapos parang ang sarap pa ng niluto nito. Parang gusto na nya tuloy tikman pero nauwi nalang siya sa pag amoy-amoy dito. Ang bango bango naman! “Marunong ka palang magluto?”

“Medyo,” sagot nito na may kasama pang pagkindat. Stephen began cleaning the messy kitchen. Tinulungan naman siya ni Paige sa pagligpit sa mga ginamit sa pagluluto.

“Alam mo bang napaka-unusual na bagay sa isang lalaki ang pagluluto?” sabi pa ni Paige.

“Ows,” tipid na sagot nito. Napangiti lang naman si Paige. Medyo sanay na rin sya sa katipiran ng mga sagot nito kung minsan. “On my part, kelangan kung matuto ng lahat ng bagay. Hindi lang yong puro sa trabaho — …” Napatigil ito. “I mean trabaho sa school… school works.” dagdag pa nito ng may pagkibit-balikat. Muntik na itong madulas.

Napatango nalang si Paige at hindi na masyadong binigyan ng emphasis yong nasabi nito about sa trabaho. May gusto syang sabihin pero hindi niya maisip kung ano yong right word na mag-dedescribe kay Stephen. “Alam mo parang sobrang advance ng utak mo.” Yon nalang ang nasabi nya saka nagtanong. “Tama ba?”  

He smirked. “You mean, I act like a matured one? Yon ba yon?”

Napa-pout naman si Paige. Matured? “Hmm.. Tama! Yon nga!” They end up in silent laughter at saka nagsimulang kainin ang breakfast na niluto ni Stephen. Wala silang ibang topic kundi school, si Nicholas at yong dish ang last talking point nila. In some way, it seems that they felt comfortable with each other.

“So, anong tawag mo dito?” tanong ni Paige sabay abot sa bowl ng chicken. Wala na nga syang poise kumain e. Ang sarap kasi nung dish!

“Simpleng fried chicken lang yan na may twist,” sagot naman nito. “Nilagyan ko lang ng sauce.”

“Galing mo naman!”

“No kidding?”

Natawa si Paige. Mukha ba syang sinungaling? “Opo. Wala pa kaya akong pinupuri pagdating sa pagluluto kaya dapat mo akong paniwalaan. Si mama palang pala ang napuri ko.” Patotoo niya. Nakita nya ang pagtaas ng kilay nito na may kahalong pagdududa. Paige rolled her eyes and crossed a finger over her chest. “I swear. Masaya ka na?”

“Convinced.” Sa wakas ngumiti rin ito.

Inabot nito ang isang basong tubig habang si Paige naman ay nagsimula na ring magligpit ng mga pinggan. Voluntary dish washing mission na ang gagawin niya. Sosyal naman siya kung si Stephen pa ang paghuhugasin niya. Baka kelangan ng lihahin ang kakapalan ang fes nya. Akma na siyang maghuhugas nang buksan niya yong gripo. Grabe naman pala kung maka-flow yong tubig dun sa gripo na yon. At ang resulta nabasa tuloy siya.

Muntik nang masamid si Stephen ng makita ang itsura nya. “Anong nangyari sa’yo?” Mabilis itong nagpunta sa shower block para kumuha ng towel. Pupunasan sana nito yong nabasang parte ng damit niya pero ang masama lang sa dibdib niya halos tumapon yong tubig. Napaatras si Paige nang akma nang pupunasan ni Stephen yong dibdib nya. Nag-blush na naman ang cheeks nya. Ano sa tingin ng lalaking ito ang gagawin nya? Mukha namang naguluhan si Stephen sa pag-atras ni Paige. Patay-malisya lang.

“Ano sa tingin mo ang gagawin mo hah?!” she covered her chest with an arm. Medyo bakat na kasi yong suot nyang brassiere.

Napatigil si Stephen. Man, he forgot that she was a girl na naging dahilan ng pagtawa nito. “Sorry. I forgot that you were a girl.” Inihagis nalang nito sa ulo ni Paige ang towel saka ito iniwan para na rin sa privacy. Dali-daling pinunasan ni Paige ang mukha at damit nya nang makaalis na ito. Naiinis siya sa way ng pagtawa nito. He forgot that she was a girl daw? Anong gusto nyang palabasin? Pinuri-puri ko pa naman sya sa niluto niya! And he was just about to touch her! Pervert. Napailing nalang si Paige. This was a mess. Binalot nalang niya ng towel yong dibdib nya saka nagpatuloy sa paghuhugas ng mga pinggan.

Nang matapos na sya, mabilis nyang inayos yong mga dala nya at ready na para sumibat. Hinintay rin nya si Stephen para magpaalam. Napakabastos naman kung lalayasan na lang nya ito. Ibinalik na nya yong towel sa block. Medyo basa pa rin yong damit nya pero mas ok na kesa kanina. Narinig nyang bumukas yong pinto at agad naman syang tumayo, nakatingin pa rin sa basa nyang t-shirt. “Aalis na ako.” Sabi niya saka isinuot ang short-fit cap nya. Hindi pa rin niya tinitingnan si Stephen.

“So, anong plano mo ngayon?” He found himself asking. Kahit hindi niya ugali ang makialam sa buhay ng iba. Hindi rin nya masabi kung bakit nya gustong malaman ang mga plano ni Paige.

“Nag-aalala ka na nyan?” tanong rin ang isinagot nito sa kanya, habang naka-ekis ang dalawang kamay sa may dibdib nito. Agad pa nitong kinuha ang bag saka naglakad palapit sa pinto. Sumulyap ito sa kanya. “Thanks sa lahat.”

He was glad hearing those. “Babalik ka ba sa inuupahan mong bahay?” tanong ulit niya dito. Shoving a hand into the pocket of his jeans saka lumapit. He could not explain why he care to know. Gusto lang nya.

“Bakit naman ako babalik dun?” She tightened her cap. May ilang hibla ng buhok ang natira sa gilid ng mukha nito. Astig pa rin ang dating kahit basa ang damit. “Besides, I got all my things naman,” dagdag pa nito sabay turo sa bag na nasa likod.

“Yan lang lahat ng gamit mo? Seryoso?” For a woman, she was quite peculiar sa unti ng gamit nito. Hanga na talaga sya sa isang to. Daig pa ang mananakawan. Always on the go.

Napakunot-noo si Paige sa tanong niya. Was that impossible? “Hindi kasi ako nag-iipon ng maraming gamit… Sige, alis na ako.” Baka humaba ang pag-uusap nila. Napakarami pa nyang problema na dapat solusyunan.

“Sandali.” Hinagis ni Stephen ang isang pair ng sapatos. It was unicolor with a bit of feminine touch. Maliit kasi ang strand tapos may ribbon pa sa gilid. “Hindi ka makakapaglakad ng maayos dyan sa sapatos mo.”

She knitted her brow, gazing back at Stephen. Nakakaloka rin itong taong ‘to a. Saan naman kaya nito nakuha ang sapatos na ‘to. “Hindi mo naman isinusuot ito, di ba?”

He smirked. Definitely not. Sino bang matinong lalaki ang magsusuot nun? Paige took off her shoe and tried it on. Kasukat naman pala. Sakto lang sa size ng paa nito. “Thanks.” Sabi pa ni Paige. Ayaw sana niyang tanggapin pero hindi yong time para mag-inarte pa.

“So, I’ll asked it again… anong plano mo ngayon?”

Napatingin ng seryoso sa kanya si Paige habang inilalagay nito ang sirang sapatos sa loob ng bag. “Siguro… maghahanap muna ako ng trabaho. Tapos, icacancel ko na rin ang scholarship at admission sa Hartford. Pagkatapos nun…” Nagkibit-balikat ito. “…bahala na.”

“That was insane,” Stephen intoned. “Alam mo bang yang “bahala na” na yan ang kinapapahamak ng marami?”

Napilitang ngumiti ni Paige. It was also hard for her of course. A total madness. Fourth year na sya. Konti nalang at graduate na. Pero sa sitwasyon nya ngayon… “Do I have a choice? Mas ok na makakain ako at least once a day kesa naman sa pumasok sa University na gutom at matulog sa kalye.” Binuksan nito ang pinto at akmang aalis.

“Sandali.”

“Ano na naman?” Medyo asar na tanong nito sa kanya. Iniabot nya dito ang isang blue shirt na kahit alam niyang malaki dito e wala naman itong choice. “Ano yan?”

“Isuot mo.” Maikli nyang sagot. “Hindi ako magtataka kung hilahin ka nalang ng mga rapist dyan sa tabi-tabi,” dagdag pa niya. Mukhang nag-aalangan pa kasi itong abutin yong damit.

Hinablot ito ni Paige sa kanya saka agad na umalis. He sighed and trailed after her matapos ang ilang minuto pero wala na ni anino nito. Ang bilis naman pala nun maglakad. Letting out a breath, he darted back inside. Naawa na talaga sya dito pero may sarili naman itong buhay and had the rights to decide for herself. Well, in fact, may choice pa si Paige at ipinagkait nya yon. Kung pinayagan lang nya itong mag-stay sa place nya then she would not be forced to leave the University. The downfall on the other hand was on him. Napakakomplekado ng trabaho nya. He cannot risk it. Lalo na kung may pinanghahawakan siya. He draw out the key on his jeans and went to get his things. May klase pa syang dapat na attendan and a duty to fulfill. Stephen suddenly halted and remembered na hindi pa nga pala sya nagsosorry kay Paige sa nangyari kanina. He sighed. Maybe some other time he's gonna make it out for her.

Ang totoo hinintay lang siya ni Paige na makaalis ng hotel saka lumabas sa pinagtataguan nito. Mataman lang nitong pinagmasdan ang papaalis na nitong sasakyan. Paige took a deep breath and headed somewhere she doesn’t know yet. Nakikisabay nalang siya sa agos ng mga tao. Hanggang sa makita nalang niya ang sarili sa gitna ng mga ito. Napa-busy ng lahat at hindi maalis sa mga ito ang iisang bagay. That similar gesture of looking at their watches every now and then. Nakikipaghabulan nalang ang mga ito palagi sa oras. Ni pag ngiti siguro nalimutan na ng mga ito. Pera. Yon nalang ba ang nagpapadaloy sa mundo? Kahit naman kaligayahan hindi nun mabibili. Kahit na anong pagsesenti niya, that hurtful truth remains. Along with the visible reality that the world had become engage on material things and nothing but momentary happiness. Wala nang contentment ang mga tao as they strive harder for something they cannot own for eternity. Yong scholarship nalang nga ang passport niya para makahanap ng magandang trabaho pagkatapos nyang makagraduate then she was about to let it go. Pag wala pa syang nahanap na trabaho ngayon, tatalon nalang siya sa tulay. Sinabunutan agad niya ang sarili. Kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip nya. Gagaya pa sya sa trendy issue ng suicide. Absurd.

Chapter Eleven

Dizziness plus frustration. Yon ang nararamdaman nya habang nilalakad ang napakaingay na sidewalk. Nilalampasan lang sya ng mga tao, kaliwa’t kanan. Mabilis lang na lumipas ang mga oras pero bokya pa rin sya. Walang tumanggap sa kanya kasi wala daw bakante. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan sa uhaw. Nanlalamig na pati ang pawis na umaagos sa leeg nya. Daig pa ang binabad sa yelo ang pakiramdam. Medyo manhid na rin ang mga palad nya. Naramdaman nalang nya ang biglang panlalabo ng paningin kasabay ang hindi inaasahang pagbangga sa isang hindi naman niya kilalang tao na muntik pa niyang ikatumba. Buti nalang pinsan nya si Tarzan at nakakapit agad siya sa poste.

“Miss!” Narinig niyang tawag ng isang babae, wearing thick mascara. Hindi na niya ito masyado pang pinansin dahil sa hilo niya. “Okay ka lang?” Tanong nito saka siya inakay sa malapit na bench. Nang medyo okay na sya, hinanap nya yong babae pero wala na ito sa tabi nya.

May sa multo ata yong isang yon. O baka naman guni-guni ko lang?  

Nagulat nalang siya ng may biglang magsalita sa likuran nya. “Everything’s fine?” Nilingon niya ito. It was the same face she saw nung nanlalabo pa yong paningin niya. Agaw-pansin ang suot nitong red tube tops na hanggang pusod lang along with a sexy mini-skirt. Wow. Napakasexy naman nito. Meron pang dangling earrings tapos naka-red lipstick pa. Naupo ito sa tabi nya saka inabot ang isang bottled juice. “Here. Inom ka muna.”

Naalangan pa siyang tanggapin ito. Agad nyang kinuha yong wallet nya. Twenty dollars. Twenty dollars nalang natitira sa kanya. Saan naman kaya aabot yon? Kinuha niya ito at iniabot sa babae. “Pasensya ka na. Yan nalang ang pera ko e.”

Natawa naman ito sa kanya. “Hindi naman kita sinisingil a.” Kinuha nito ang kamay nya saka iniabot ang juice. For free.

“Meron pa rin palang free ngayon.” Sabi nya dito saka ngumiti ng bahagya. “Thanks.”

The woman smiled. “I’m Margarette.”

“Ah… Paige.” Hindi na sila nag-shake hands para namang hindi na uso yon ngayon e. Okay na yong simpleng smile smile nalang.

Napatingin ito sa pack bag nya. “Tumakas ka ba sa inyo?”

“Ah. Nope. Wala naman akong tatakasan.” Bulong niya. Margarette frowned. Napansin niya ito at agad na napailing. “W-Wala… wag mo nalang pansinin yon.” Mahaba pa kasing istorya kung ikukwento nyang lahat dito. Besides, hindi naman sila ganun close. Maya-maya pa ay tumayo na rin sya. Wala na ang sakit ng ulo nya tsaka there were still businesses to finish. “Sige…” sabi nya dito. “Marami pa kasi akong kelangang gawin. Salamat nalang sa juice.” Paige remarked sabay ngiti dito.

Pinilantik ni Margarette ang dark and long eyelashes nito. “Sandali. Naghahanap ka ba ng trabaho?”

Napatigil siya sa narinig. Tama ba ang narinig nya? “Trabaho ba ang sabi mo?”

Tumango-tango si Margarette. “Mukha kasing naghahanap ka ng trabaho sa get-up mo.” Talagang naghahanap sya ng trabaho for crying out loud! Napakunot ang noo niya saka nag-isip ng ilang minuto. Mapagkakatiwalaan ba nya ang babaeng ‘to? Hindi kaya raket lang? Wala naman sigurong masama kung susubukan nya. 

“Tama. Naghahanap talaga ako ng trabaho. May alam ka ba?” Usisa niya. Bahala na nga. Mukha namang seryoso itong Margarette na’to.

Napangiti naman ito. “Halika ka.”

Mabilis itong tumayo at nagsilbing guide papunta sa future job nya. Amido syang nag-aalangan talaga sya sa papasukin nya pero kelangan nya talagang magkatrabaho e. It's now or never. Napabuntong-hininga na lamang siya habang sinusundan ito. Pero sa tuwing tinitingnan nya ang pananamit nito parang nag-aalangan na naman siya. Nabaling naman ang atensyon ng lahat sa kanya. Sa kanya nga ba? O sa babaeng nasa harapan nya. Napakasexy kasi talaga ni Margarette. Those slender legs and rounded bottom. Naningkit tuloy ang mata niya. Ano nga kayang klase ng trabaho ang i-ooffer nito sa kanya? Sana lang mali sya ng iniisip.

Namalayan nalang niya na binabaybay na nila ang isang maliit na eskinita. At sa dulo nun ay isang napakamataong lugar. Ano naman kaya itong napasok nya? Maraming lasing na may dala-dala pang alak. Parang talaba naman na nakadikit naman sa mga ito ang mga naggagandahang babae. Kaliwa’t kanan ganun ang nakikita nya. Idagdag pa ang paninigarilyo ng mga ito. Napaubo siya ng makalanghap ng usok. Pati si Margarette pala ay naninigarilyo. Nang-aakit pa ang ngiti nito sa bawat lalaking madaanan nila. Sya naman, todo iwas sa mga tingin ng mga ito. Kahit nga madikit lang sa mga ito e pinangingilabutan na sya. Mali ata ang pinasok na nya. Tumigil si Paige at saka akmang hahakbang na sana papalayo ng tawagin sya ni Margarette.

“Paige! Halika. Bilis!” Tawag nito habang binunuksan ang pinto ng isang bar. Tama. Bar nga yon! Ano namang gagawin nila sa bar? Mukhang nagkakatotoo na ang hinala niya dito. Wala siyang nagawa kundi sumunod nalang. Bahala na.

Puno ng iba’t ibang disco lights ang loob nito na bloodshot shade pa ang drama ng main light. Ano pa nga bang dapat i-expect sa isang bar? Nakakabingi ang tunog sa loob. Music pa ba ang tawag nila dun? Kahit kelan hindi nya na-appreciate ang rock music. Napakasikip na sa loob sa dami ng tao. Daig pa ang may handaan. Halos karamihan sa mga ito ay nasa twenty ang edad pataas. Most of them were drinking, smoking and just having fun kasama ang maraming babae. Nawala sa tabi nya si Margarette na agad namang hinanap ng mata niya. Nakita nalang niya itong nakikipag-usap sa isang lalaki na nasa fifties na. Alam niyang sya ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa pabalik-balik na sulyap nito sa kanya. Ilang sandali pa ay tinawag na rin sya ni Margarette. Lumapit naman sya sa mga ito kahit na nag-aalinlangan. 

“Manager namin... si Mr. Connor,” Pakilala nito sa lalaking katabi. Pilit lang naman nya itong nginitian. “Gusto daw nyang magtrabaho dito, di ba Paige?” Tumango-tango naman ang manager nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

“A-Ah…” Pautal-utal pa siya dahil nag-aalangan talaga siyang sumang-ayon dito. “Parang ganun na nga.” Yon nalang ang nasabi nya sa tono na parang napipilitan lang. Pero yon naman talaga ang totoo. Napipilitan lang sya.

“Mukha namang ok sya.” Narinig niyang sabi nito saka bumaling kay Margarette. “Ikaw nang bahala sa kanya, Margarette.” Pagkatapos nang mabilis nilang introduction ay umalis na ito.

Nakangiti namang tumingin sa kanya si Margarette. “O ayan! May trabaho ka na!”

Napilitan na namang ngumiti si Paige. This was not the job she was actually expecting to have. Napansin niya yong mga babae sa may gilid at ang suot ng mga itong revealing clothes. Idagdag pa ang nakapaligid ditong mga lalaki. Oh no. Napakunot-noo siya. Wag mong sabihing magsusuot rin sya ng ganung type ng damit? Hindi ata nya kakayanin. Baka atakihin sya sa puso. Kahit kelan hindi nya pinangarap na magsuot ng kagaya nun sa tanang buhay nya!

Mukhang napansin naman ni Margarette ang worried look ni Paige. “Wag kang mag-alala. Bar tender ka lang naman. Naglayas kasi yong isa naming katrabaho. Idinate yong hottie na customer nung isang gabi at hindi na bumalik.” Pag-iexplain nito.

“Baka naman naligaw,” pabiro niyang sabi dito. Medyo awkward na kasi ang pakiramdam nya. Pero at least gumaan naman kahit papaano ng malamang bartender lang siya. Madali lang naman sigurong mag-serve ng alak. 

Napatawa naman ito sa nasabi nya. “May sense of humor ka rin naman pala. Halika na nga at ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo. Wala ka rin namang matutuluyan diba?”

Nagmamadali itong pumunta sa back door ng bar saka umakyat ng hagdan papunta sa second storey. Maraming kwarto dun at sa pinakadulong pinto sila nagpunta. Napataas ang kilay ni Paige ng buksan ni Margarette ang pinto. This is? Napakakalat at mukhang walang gumagamit nun.

“Tadaaaa!” gulat pa ni Margarette.

Hindi na siguro kelangan yon kasi gulat na gulat na siya. Naalala niya yong suite ni Stephen. Nakapanlulumo naman. Napakalaki. Sobrang laki ng kaibahan nito dun. Maliit na, madumi pa. Napabuntong-hininga siya. Pambihira. Napakaarte pa nya sa lagay nyang yon. Konting linis lang siguro, magiging ok na rin ito.

“Well... ano sa tingin mo?”

Napabaling siya dito. “A-Ah.. Okay lang naman.” Tipid nyang sagot.

“Medyo madumi pero konting linis lang yan Paige.”

Napangiti sya sa sinabi nito. Motivation ba ‘to para hindi sya masyadong madisappoint? Pumasok siya sa loob at tiningnan ang buong kwarto. Pwede na ‘to kesa wala. “Oo nga. Konting linis lang ‘to.” Sabi nya kay Margarette. “Salamat ha.”

“Kung may kailangan ka, andun lang ako sa ikatlong kwarto sa kanan.”

“Dito rin pala kayo nakatira?” Usisa niya.

“Oo. Halos lahat ng nagtatrabaho sa bar,” sagot ni Margarette. “Buti ka pa nga at solo mo ‘tong kwarto. Apat kasi kami dun sa amin.” Swerte pa pala sya ng lagay na yon? Napangiti si Paige. “Sige… Hintayin nalang kita sa baba. Baka marami nang costumer ang naghahanap sa’kin.” Akma na sana itong aalis nang magtanong ulit siya.

“Kelan ako magsisimula?”

“Ikaw ang bahala.” Matipid nitong sagot at tuluyan ng umalis. Hinila ni Paige yong gamit nya paloob. Nabibigatan na rin sya sa back pack nya. Naupo sya sa kama at agad namang napatayo ng may naupuan siyang matulis na bagay. Chineck niya ito. Sira na rin pala ang kama na'toLabas na ang mga bituka at kasu-kasuan e. Paige chuckled, referring sa spring at foam nito. Napakamot nalang sya sa ulo. Naisip nya sina Nicholas at Stephen. Siguro busy na ang mga ito sa lessons nila. Hinanap niya ang cellphone nya para i-text at kamustahin ang dalawang mokong nyang kaibigan. Doon lang nya nalaman na naiwan nya pala yong cellphone nya sa suite ni Stephen. Tofu! Ngayon lang nya nalaman. 

Chapter Twelve

Nagmamadaling bumaba ng bar si Paige para bumalik sa suite ni Stephen. Hapon na rin at malamang e pauwi na yon galing sa University. Bakit ba naman nalimutan pa nya yong cellphone na yon? Hindi na nga kagandahan mawawala pa. Nakita sya ni Margarette na nagmamadaling lumabas ng bar.

“Paige!” tawag nito at humakbang palapit sa kanya.

“M-May gagawin lang ako,” sagot niya at hindi na ito hinintay pa. Dirediretso syang nagpunta sa maliit na eskinita na dinaanan nila kanina. Malayo-layo rin ang Grand Shire Hotel kaya mahaba-habang lakaran pa ang gagawin niya. Lakad-takbo na nga ang ginawa nya makarating lang ng maaga dito pero inabot pa rin sya ng gabi. Maya-maya pa ay natanaw na rin niya ang entrance ng hotel. Medyo hinihingal pa sya ng pumasok sa lobby nito.

Mukhang nagduda pa sa kanya ang security at nilapitan siya nito para sitahin. “Dito po ba kayo nagi-stay, Miss?” Medyo iba pa ang tono ng pananalita nito na ikinainis ni Paige.

“Hindi. May kaibigan lang akong dito naka-check in,” sagot pa niya. “Galing na rin ako dito kanina. May naiwan lang ako dun sa suite ng kaibigan ko. Hindi mo ba ako natatandaan?”

Napaismid naman ang may katandaan ng security guard. “Sa dami nang tao dito, Miss. Sa tingin mo ba matatandaan pa kita?”

Natigilan si Paige. May point si manong. Sino nga ba naman sya para matandaan nito? “Ano bang pangalan ng kaibigan mo?” Tanong ulit nito sa kanya.

“Stephen. Stephen Lee.”

Napakamot ito sa ulo. Paige arced a brow. Yan kasi patanong-tanong e hindi naman kilala lahat ng guest nila. “Mabuti pa Miss pumunta ka nalang dun sa front desk at itanong mo sa receptionist namin.” Turo nito sa kanya. 

“Sir, dito nga po sya tumutuloy… Stephen Lee ang pangalan nya.” Pagmamatigas pa ni Paige. Hassle pa kasi. Bakit kelangan pang i-check sa receptionist e alam naman nya ang room number nito. Dami namang arte.

“Sige na… Pumunta ka na sa front desk,” sabi pa nito at inginuso ang front desk sa may kanan. Wala ng nagawa si Paige kundi ang sumunod. Kainis naman si manong e.

“Yes, Ma’am?” Bungad ng magandang receptionist sa kanya.

Ngumiti naman sya dito saka sinabi ang pakay. “Pwede bang makausap yong kaibigan ko? Dito kasi sa hotel tumutuloy. Baka pwedeng pumunta ako sa suite nya kahit sandali?”

“Okay, Ma’am. Ano pong name ng friend nyo?”

“Stephen Lee. Room number nya 407.” Ayan complete details na binigay nya para hindi na ito mahirapan. Nakita naman nya na hinanap nito sa guest records ng hotel ang sinabi nyang pangalan at room number. Napatingin ito sa kanya at inenter ang mga data sa information system ng hotel para i-double check ito.

“Sorry, Ma’am. Walang Stephen Lee na naka-check in dito.”

Hah? Ano daw? Tama ba ang narinig niya? Walang Stephen Lee na naka-check in doon? Pinagtitripan ba sya ng receptionist na to? Napakunot-noo si Paige. “Sigurado ka ba? Check mo ulit. Baka may error lang sa database nyo.”

Sumenyas ang receptionist kay manong sekyu na nasa gilid at agad naman itong lumapit sa kanya. Inis naman si Paige na sumama dito ng kusa palabas ng hotel. Nagtinginan ang lahat ng nasa lobby sa kanya. Baka iniisip ng mga yon nasisiraan na sya o ano. Napakamot si Paige sa ulo nya saka naupo sa may gilid. Tss. Kainis naman o.

Badtrip naman! Cellphone na nga lang na luma ang hirap pang makuha! Ang engot mo rin kasi Paige. Bakit mo nilimutan? Kelangan mo pang kausapin ngayon si Stephen. Napabuntong-hininga siya. 

Nag-isip siya ng paraan kung paano makakapasok ng hindi nahahalata ng masungit na guard. Tyak na nasa room na nito si Stephen. Ang problema nalang e kung paano sya makakapunta dun. Maya-maya may na-spotan siyang paparating na grupo ng mga prominenteng guest. May kung anong okasyon siguro sa hotel. Dali-dali siyang tumayo at nakihalobilo sa mga ito hanggang sa marating nya ang elevator. Nakitawa na rin nga sya sa topic ng mga ito kahit hindi naman nya alam kung ano yon. Nagulat nalang siya ng sya na ang main attraction sa loob ng elevator. Tapos na kasi ang laughing session ng mga ito pero tawa pa sya ng tawa. Buti nalang at malapit na yong floor na pupuntahan nya. Mabilis pa sa alas tres siyang lumabas ng elevator bago pa sya lamunin ng flooring sa kahihiyan. 

Walang tao sa hallway gaya ng una niyang punta dun. Saan nga ba ulit yon? 407. Agad niyang hinanap ang room number at madali naman nya itong nakita. Matalas talaga ang mata niya sa oras ng kagipitan.

Palabas na sana ng kwarto si Stephen ng mapansin ang footage ng surveillance cam sa harap ng suite niya. Kilala nya ang mukhang yon. Si Paige? Ano namang ginagawa nya dito? Wag mong sabihing magmamakaawa na naman sya para makituloy? Buti pinayagan ito ng guard. Pagkasuot ng nerd glass ay agad syang nagpunta para buksan ang pinto. Pahirap talaga pag may ibang tao. Kelangan pa nyang magpaka-nerd epek. Bigla naman syang tinulak ni Paige paloob at parang magnanakaw na sumilip pa sa labas para i-check kung may nakakita dito. Tapos mabilis na isinara ang pinto.

“Nangyari sa’yo?” Curious niyang tanong.

Habol naman sa hininga si Paige at matipid na sumagot. “W-Wala.”

“Wala? S-So what are you doing here?”

“May naiwan lang ako.”

“Ano?” 

Tumingin ito sa kanya na parang naiinis sa pagtatanong nya. Ito pa ang may ganang maiinis dahil nagtatanong sya. Sino bang nangbulabog sa tahimik nyang mundo? Tahimik nga ba? Anyway, ito pa rin ang parang kabuteng pasulpot-sulpot nalang.

“Parang ayaw mo na akong makita a!” Sabi pa nito saka iginala ang paningin na parang may hinahanap. Bigla itong natigilan saka lumapit sa table. “Kukunin ko lang itong phone ko.” Sabay taas sa cellphone nito. “Naiwan ko kanina.”

Yon lang naman pala. Good. Stephen smirked. “Yan lang ba talaga?”

Dinedma lang ni Paige ang tanong nya dahil tuwang-tuwa itong makita at mahawakan ulit ang cellphone nito. “Buti nalang naisahan ko yong guard!” bulalas pa nito.

Napataas ang kilay niya. Naisahan daw ang guard? He smirked again. “Kaya pala para kang magnanakaw dyan.” Napasandal siya sa pinto habang naka-ekis ang dalawang braso sa may dibdib nya. Mukhang may balak pa magkwento ang isang ‘to. Nakamasid pa rin siya kay Paige.

“Nakakainis kasi yong receptionist. Wala daw Stephen Lee na naka-check in dito.” At tama nga ang hinala nya. Magkukwento nga ito. Hindi na rin naman sya nagtataka sa sinabi nito. “Tingin ko nagka-error yong system nila,” dagdag pa ni Paige.

Sumang-ayon nalang sya dito. “Siguro nga.”

“Sige a… Alis na ako.” Sa wakas ay sabi nito. “Pumunta lang naman ako para kunin ‘to.” Hindi naman siya natinag sa pagkakasandal sa pinto. Mukhang nagkamali sya ng hinala. Cellphone lang pala talaga ang pakay nito.

“May nahanap ka na bang trabaho?” Usisa niya. Hindi niya maiwasang magtanong kahit na labas na yon sa business niya. Matagal bago nakasagot si Paige. Tumango ito pero hindi nagkwento. Kelangan pa tuloy nyang sundan ng follow-up question. “Anong trabaho naman yon?”

Tumingin ito sa kanya. “Tutor. Private tutor actually.”

Medyo gumaan naman ang pakiramdam nya nung marinig ang trabaho ni Paige. Normal lang ang breathing rate nito kaya mahirap sabihin kung nagsisinungaling ba ito o hindi. “So hindi mo na iwi-withdraw ang scholarship mo?” Hindi ito sumagot at nagtungo para sa pihitin ang door knob. Nakaharang siya sa pinto kaya hindi pa rin ito makalabas.

“Padaan,” sabi nito sa kanya. Iwas pa rin ang tingin. Nagkakaroon na tuloy siya ng hinala na nagsisinungaling na naman ito.

“Answer me first.” Matigas rin ang ulo nya.

Naiinis na ata ito at nagtaas ng boses. “Ano ba kasing pakialam mo?”

Mukhang tinablan siya sa tanong na yon. Ano nga bang pakialam nya? Fine. Umalis siya sa pagkakaharang sa pinto at hinayaan itong malayang buksan. Nang makita nyang lalabas na ng pinto si Paige, parinig nalang ang ganti nya. “Liars go to hell anyway.”

Bumaling ito sa kanya. “Hindi ako nagsisinungaling!” singhal nito. 

Hindi daw e bakit affected? He smirked.

“Hindi na ako babalik sa University na ‘yon!” At tuluyan na nga itong umalis kasabay ang malakas na pagsara ng pinto.

“Ayos rin ang trip nun a.” bulong ni Stephen sa sarili. “May balak pang sirain ang pintuan?” Sinundan nya ito pero para na namang multo na naglaho nalang. Ilan bang paa meron yon?

Pasimple namang lumabas ng lobby si Paige saka sumulyap sa fourth storey kung nasaan ang suite ni Stephen. Baka yon na rin ang huling pagkikita nila. Ang dami pa naman sana nyang gustong malaman dito kaso nga every meeting always ends in parting. Sayang talaga mukha kasing napaka-interesting pa naman ng buhay nun.

 

Chapter Thirteen

“Uy, Stephen!”

May tumatawag sa likod nya. Alam nyang may tumatawag sa kanya at alam rin nya kung sino yon. “Stephen!” Lumingon siya at hindi nga siya nagkamali. Si Nicholas. Ilang araw na rin sya nitong kinukulit at nakikibalita tungkol kay Paige. Hindi naman ganun kalakas ang radar nya para malaman ang lahat. “Ano na kayang nangyari kay Paige?” At eto na naman sila. Q and A ulit. “Magda-drop na ba talaga yon?”

Nagkibit-balikat sya. “Yon ang alam ko.”

Papaakyat na sila ng hagdan ng makita nila ang umpukan ng mga estudyante sa di kalayuan. “Anong meron dun?” tanong niya sa kasama.

“Ah… Monthly release ng grades — ... ” Bago pa ito maglitanya ng pagkahaba-haba naisipan na niyang tingnan ang pinagkakaguluhang post sa bulletin. Susunod-sunod lang sa kanya si Nicholas. Sa huli sya nagsimula. Pangalan lang naman nya ang hinahanap nya. Medyo flattered sya ng makitang napabilang pa sa top ang pangalan nya kahit saling-pusa lang naman talaga sya sa University na yon. Top 3? Akalain mo yon! At lalo syang nagulat ng makita ang top 2. Paige Williams? At si Tiffany Cooper ang nag-top. Milagro ata ang nangyari dun a.

“Sayang talaga si Paige.” Andun na naman si Nicholas at bubulong-bulong sa tabi nya. “Ilang araw na syang absent.” Nanlaki ang mata nito nang makita ang pangalan nya sa top. Napatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. “Congrats! Top 3 ka pala dude!” Napangiti lang siya dito saka dumeretso na sa klase nila. Unang-una nya kasing nabasa ang pangalan ni Nicholas. 

Nanghihinayang rin naman sya sa outstanding remarks ni Paige that will just end up in nothing pag nag-withdraw ito. Hindi pa sya sigurado sa current state nito. Totoo kayang tutor ang napasukan na trabaho ng babaeng yon? Wala rin naman syang text na narereceive mula sa warfreak nyang kaibigan. Napakamot sya sa ulo sa kaiisip. Why is he worrying too much about that girl? Hindi naman pagiging guardian ni Paige ang pinunta nya sa Hartford a.

Malapit na sila sa klase nang may makasalubong silang mga MIB. Daig pa kasi ng mga ito ang Men In Black kung magdamit at kumilos. Kinutuban naman agad siya sa dating ng mga ito. Agent ba? Pero sa anong department? He guess not. Hindi naman pamilyar ang pagmumukha ng mga ito sa kanya. 

 

**thud**

 

Nagkalat ang maraming papel sa daanan. Sinadya nyang banggain ang isa sa mga ito na ikinahulog ng dala nitong mga papeles. “I’m sorry.” Cool at seryoso pa ang pagkakasabi niya saka dali-daling pinulot ang mga nahulog na papel. Maging si Nicholas ay napalimot na rin ng wala sa oras. Mabilis namang kinuha ng mga ito sa kanya ang mga dokumento na parang ayaw pang ipahawak sa kanila. Presto! May kopya na rin sya ng mga ito. Palihim niya itong kinunan ng picture gamit ang cam na naka-incorporate sa nerd glass na suot niya. Masyado na talagang advance ang technology. Nagmamadali namang naglakad papalayo sa kanila ang mga ito na parang inis na inis sa pagkakabangga niya. Kahit kelan talaga magaling syang mang-inis ng ibang tao.

Tinanaw pa niya ang paglayo ng mga ito hanggang sa mawala na sa paningin niya. Ilang sandal i pa ay tinawag siya ni Nicholas para iabot ang isang papel. May natira pa pala sa mga papeles na nahulog kanina. Napangiti naman siya. Baka makatulong pa ang isang ito sa misteryong pinipilit nyang resolbahin. Good for him but not for them. 

Habang klase ay walang ginawa si Stephen kundi tingnan ang nilalaman ng papel na yon. Mukhang parte lang ito ng isang chemical components. Kahit yong illustration at graphing ay hindi buo. Napabuntong-hininga siya. Parang isang piraso lang ng jigsaw puzzle ang nakuha nya. Nakamasid lang sa kanya si Nicholas na hindi maintindihan ang mukha.

Ano ba talagang meron dito kay Stephen? Parang ang cool nyang tingnan kapag nag-iisip a! Ngingisi-ngising bulong ni Nicholas sa sarili. 

“Freeman!”

Napatingin si Stephen sa nerd na nasa bandang likuran nya. Hindi ata naririnig nito ang pagtawag ng prof nila. Sumenyas siya dito at saka lamang ito natauhan.

“Sagutan mo itong differential equation na nasa board.” Mataas ang boses ng prof nila. Mukhang high blood na naman. Sabagay sanay na sila dito. Kaya siguro tumandang dalaga. Aanga-anga namang tumayo ang kaibigan nyang may pagka-bopols rin. Binasa nya ang board work. Hindi rin kasi sya nakikinig dahil matagal na nyang napag-aralan ang subject na ‘yon. Madali lang naman pero namumutla na sa takot si Nicholas. Nag-volunteer nalang si Stephen para saluhin ito.

You owe me one. Tumingin sya dito bago pumunta sa board. Mala-anghel naman ang tingin nito sa kanya saka tumango. Mukhang na-gets ang tingin nya. Kahit hindi pa nya alam kung anong favor ang hihingin nya dito at least may pang blackmail na sya. Madali lang nyang natapos yong problem. Pabalik na sya sa upuan ng mapatingin sa bakanteng seat sa tabi nya. Bigla nalang nag-echo ang pangalan ni Paige sa utak ni Stephen na bahagya nitong ikinainis. Ano namang kinalaman ng college student na yon at pumasok na naman sa isip ko ang pangalan nya? He shook his head.

At nang matapos ang maghapong yon, nauna nang umuwi sa kanya si Nicholas dahil may importante daw itong gagawin. Pabor naman kay Stephen ang nangyari dahil walang makulit na nerd na manggugulo sa plano nya. Ilang araw na rin kasi nyang sinusubaybayan ang mga taong involved sa research lab at na-sort out na rin niya yong mga taong malaki ang participation dito. Nangunguna pa rin sa listahan ang mag-amang Gregory. Kelangan nya tuloy pumasok sa registrar’s office para makakuha ng ilang impormasyon sa dalawang yon. Pumasok siya sa sasakyan na naka-park sa may gawing kanan ng parking area ng University. Marami pa ring sasakyan ang naka-park dun kaya imposibleng pagdudahan siya ng security. Hihintayin pa rin nyang gumabi bago pa nya maisagawa ang plano nya. Mahirap kung ngayon. Masyado pang maraming staff sa office na pwedeng makapansin sa kanya.

Ilang sandal pa ay naalimpungatan si Stephen sa pag-start ng sasakyan sa kaliwa nya. Nakatulog na pala sya at gabi na rin. Thiry minutes past seven ng tingnan nya sa wrist watch. Tss. Napahaba ang tulog nya. Agad siyang lumabas ng sasakyan at dumaan sa back entrance ng parking area. Sa fire exit sana kaso medyo malayo pa ito sa lugar kung saan naka-park ang kotse nya. Baka makita pa sya sa surveillance cam. Delikado.

Ganito lang ba kadaling pasukin ang admin nila? Pangmamaliit niya sa security personnel ng Hartford. Madali lang niyang napasok ang Administrator’s Building nang wala man lang nakakapansin sa kanya. Mabilis nyang sinimulan ang pagkuha ng impormasyon na kelangan. Magkalapit lang naman ang admin at registrar’s office kaya hindi sya masyadong nahirapan. Inuna nyang puntahan ang registrar. May iilang staff pa sa admin. Wala naman pati syang masyadong kelangan sa dun dahil yong mga files at record na punterya nya ay nasa registrar. Mabilis syang nakapasok sa loob. Hindi kasi naka-lock ang office na gaya ng inaasahan nya. Ganun ba talaga kaluwag ang mga ito?

May kalakihan rin pala ang kwartong ito. Puno ng nagtataasan at naglalakihang drawer na may iba’t ibang labels at year. Registration reports siguro ng mga estudyante. Student files naman ang hinahanap nya. Inisa-isa pa nyang puntahan ang mga ito. Napakarami kasing drawers at lockers. Yong iba naka-lock. Kelangan pa nyang gumamit ng pin para lang mabuksan yon. Disappointed lang sya ng makitang puro examination sheet pala ang laman nun. Saan naman kaya nakalagay ang student records ng mga ito? Aish. At last! Nasulyapan nya ang isang drawer na hindi naman kalakihan. Malapit ito sa registrar’s desk. Sigurado na sya sa isang ‘to dahil mliwanag naman ang nakasulat: STUDENT FILES. Naka-sort na rin by year. Nagtaka siya dahil nasa letter G na sya ng current semester pero walang Gregory, Christopher na makikita dito. Naka-alphabetized naman ang mga files kaya hindi sya nagkamali.

“Ano sya ghost student para hindi magkaroon ng record dito?” tanong pa nya sa sarili.

Nahihiwagaan na sya sa pagkatao ng mokong na yon. Naisipan nyang buhayin ang computer. Baka hindi updated ang hard copies ng mga ito. Mas mabuti pang sa system na miso tingnan. Gaya ng inaasahan. Nag-prompt ng admin password. Inilabas nya ang isang data sync device at sinimulan ang pagsi-sync ng data. Kasama na dito ang password, lahat ng mga keystrokes at files na nasa computer na yon. Medyo mabagal ang process sa dami ng data. Pingpapawisan na rin sya. Lalo na ng may narinig syang usapan papalapit sa registrar’s office kung nasan sya. Mga night guards. Nakauwi na yong mga staff ng admin kaya sya nalang ang tao dun. Ten percent pa. Papalakas ng papalakas ang usapan.

Come on! Bilisan mo naman! Para nang sira si Stephen dahil kinakausap na nya yong hawak na device. Titig na titig sa bawat progress nung green na linya. Sync Succeeded! Halos mabunutan sya ng tinik sa nabasang notif. Hinigit nalang nya yong wire na nakasaksak sa socket para mamatay yong computer. Wala nang proper shutdown na nangyari. Malas lang at natabig pa nya yong pencil case sa desk.

“Pare, may narinig ka ba?” tanong ng isang guard sa kasamahan. Umiling naman ito at agad na nakiramdam. “Parang may ingay akong narinig galing sa banda dun.” Ang tinutukoy ay ang registrar’s office. Binuhay nito ang flashlight at inilawan ang loob ng office. Nagkalat ang mga bolpen at lapis sa sahig pero wala namang tao doon.

“Baka naman pare pusa lang,” sabi ng kasamahan nito at nakiilaw na rin. “Ano buksan natin?”

Kabado si Stephen sa narinig. Wag kayong magkakamaling buksan ang pintong yan. Mapipilitan pa ata siyang patulugin ang dalawang ito pag nagkataon. Ayaw niyang makasakit pero kelangang gawin niya kung kinakailangan na. Ni-ready na nya ang panyo na may pampatulog. Naglagay na rin sya ng hood at mask. Baka kasi makilala pa siya ng mga ito.

“Wag na. Baka nga guni-guni ko lang yon.” Lagi naman kasing makalat sa office na yon. Baka nahulog nung registrar nila sa pagmamadali kanina yong case nito. “Tara na.” Aya nito sa kasama at saka pinatay ang flash light.

Nakahinga naman ng maayos si Stephen at pa-sekretong tiningnan ang mga ito palayo sa pinagtataguan niya. Pasalamat nalang sya sa nangyari. Umalis na rin siya sa building at dali-daling bumalik sa parking lot. Pinaandar niya ang sasakyan at nag-drive palabas ng University hanggang makarating na nya ang main road at abutan na ng traffic dun. Napatingin sya sa dashboard ng sasakyan. 8:30 na. Nagbi-build up na talaga ang traffic sa ganoong oras. Kahit na hindi na nya nagawang i-hack ang student files directly sa computer, he had a better idea na safe pa at hindi rin madedetect ng MIS. Ngayon pa na may kopya na rin sya ng mga files. Kung ganun lang sana kadali lagi ang gagawin nya. Binuksan nya ang bintana at napasulyap sa side mirror. Sobrang dami ng sasakyan. Halos bumper to bumper na sa bigat ng traffic. Mainipin pa naman sya. Iginala nalang nya ang paningin sa mga taong naglalakad sa sidewalk. One thing caught his attention that made him frown. Kilala nya ang babaeng yon kahit medyo malayo na ito at nakatalikod pa. Sakto namang nag-green ang traffic light. Mabilis nyang inapakan ang accelerator at lumiko sa pinakamalapit na U-Turn slot.

Hindi ako pwedeng magkamali. That was Paige. Sa’n naman kaya ito tumitira? And at this point of hour? Anong klaseng tutor ba sya? Naabutan pa rin nya ito pero mas minabuti na nyang sundan na lang. Baka tumakbo at taguan pa sya nito pag tinawag nya. May sa multo pa naman ito. Ewan ba nya kung bakit interesado pa rin sya sa college student na yon. He just felt uncomfortable hangga't hindi nya nakikitang actual itong nagtu-tutor. Napa-angat naman ang kilay niya ng mapansin ang suot nito. Anong drama na naman ba at ganun ang style ng damit nun? Kelangan bang naka-ganun pag nagtututor? Naka-above-the-knee skirt at naka-boots pa. Kelan pa ba ito nagsuot ng ganun? E halos mapagkamalan na nga itong lalaki dati e. Sinundan lang ito ni Stephen hanggang sa makarating sila sa maliit na eskinita. Malayo-layo na rin pala ang narating nya. Wala na ngang tao sa kalye na yon.

 

Napaismid siya. “Tama ba ang pinupuntahan niya?” Mukhang mga drug addicts at kriminal lang ang makikita nila dun. 

Chapter Fourteen

Nakita ni Stephen na dumaan si Paige sa maliit na eskinita sa di kalayuan. Hindi na sya nagdalawang isip na sundan ito. Lalo lang syang nag-alala sa mga nakikita nya. Iniwan na nya ang sasakyan sa isang tabi dahil tao lang ang pwedeng dumaan sa madilim na eskinitang yon. Isinuot nya ang hood at lumabas ng sasakyan.

Tataman na talaga sa’kin ang babaeng ‘to e! Tutor pala hah? Palihim pa rin nya itong sinusundan. Ang lakas rin ng loob ng isang yon na maglakad sa ganitong lugar. Kelan ba nya gagamitin ang utak nya? Nag-top 2 pa man din.

Wala namang kamalay-malay si Paige na may sumusunod na sa kanya. Medyo sanay na rin kasi siyang maglakad mag-isa sa lugar na ‘yon. Wala pa namang nangyayari sa kanyang masama... so far.

“Bakit ba kasi ang layo ng coffee shop na yon?” bulong Paige sa sarili habang tinitingnan ang dala-dalang kape. “Si Margarette naman dun pa gustong magpabili ng kape.” Kay Margarette naman talaga yong kape na yon. Inabala pa nga sya nito kahit busy sya sa pagseserve.

Maya-maya pa ay nakalabas na rin sya ng eskinita. Abot hanggang doon ang ingay ng bar. Nag-uumpisa na ring kumapal ang tao. Hot spot ata ang bar na yon para sa mga mahilig sa night life. Kahit na asiwa pa rin sya sa bagong trabaho, unti-unti na rin syang nasasanay. Hinigit-higit pa nya ang maong na skirt bago tuluyang maglakad palapit dito. Hindi talaga sya sanay magsuot ng ganun. Kahit sabi ni Margarette e ang haba pa daw. Pati nga make-up napilitan syang maglagay kahit konti. Bar tender lang sya pero kelangan pang mag-ayos kahit hindi naman kaaya-aya ang mga costumer.

Eto na naman po tayo. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng bar at hinanap si Margarette. Sa dami nang tao sa loob kelangan pa nyang gamitin ang eagle eye nya at makipagsiksikan sa mga ito. “Excuse me…” Kali-kaliwa niyang sabi sa mga nadadaanan. “Excuse me po.” At na-spotan rin nya ito sa isang table. Yon nga lang wrong timing kasi busy pa itong nakikipaghalikan sa isang customer. Agad naman siyang umiwas ng tingin. Buti nalang at napansin sya nito at agad na nilapitan.

“There you are honey!” Iniabot niya dito ang dalawang cup ng coffee. Ngumiti naman ito. “Owww… Thanks! Ang bilis mo ha!” Ngumiti lang sya dito.

“Marga!” tawag ng lasing na customer nito.

Napatingin naman sa kanya si Margarette. “Balik na ‘ko. Salamat sa coffee.”

Tumango lang siya at bumalik na rin sa cocktail lounge para magserve. Nakakapagod rin ang trabaho niya. Kelangan mabilis ang kilos lalo na’t mga lasing ang nandun. Baka mabato lang nya ng bote pag nagpaloko-loko sa kanya. Pero wala pa namang ganung insidente. Marami silang nagseserve pero absent ang mga ito at dalawa nalang silang natira. Hassle… sya kasi ang laging naiiwan sa serving area. Si Beverly, yong isa nyang kasama ang nagse-serve sa bawat table in case na may nag-order.

“Bakit ba kasi umabsent yong dalawang yon?” Himutok pa nito sa kanya sabay kuha ng salamin at nag-retouch. “Tayo tuloy ang nagkakandarapa ng pagseserve dito.”

Ngumiti lang siya. Mas nauna pa sya dito pero kung makapagreklamo na ito, wagas! Pare-pareho lang naman silang walang choice kaya dun sila napunta. Napaupo siya sa isang mataas na stool sa pagod. Gusto na niyang matulog. Ang problema lang 2:00 pa ng umaga ang sara ng bar kung minsan inaabot pa ng 4:00. Maya-maya mapapagkamalan na nya ang sarili na si Dracula ang tunay nyang ama. Mas gising pa sya sa gabi kesa araw.

“Hayy. Makakita lang talaga ako ng mayaman at gwapong customer dito. Sasama na ako!” Narinig niyang sabi ni Beverly. Natawa lang si Paige sa sinabi nito. Asa pa. E di sana sa mga kilalang bar na yon pumunta. Naisipan nalang nyang magpunas ng mga nakadisplay na alak sa rack.

“Miss.”

May tumatawag pero hindi niya ito pinapansin. Andun naman si Beverly e. "May ginagawa ako at ayokong pa-istorbo. Andyan naman si Beverly. Dyan ka nalang mag-order." Bubulong-bulong siya.

“Miss. Isang ginger wine nga,” dagdag pa nito.

Nainis siya at kumuha ng ginger wine saka tumingin sa kinauupuan ni Beverly para sitahin ito. Nagulat siya dahil wala na ni anino nito. Nakita nalang nya itong nakikipag-flirt sa isang customer sa isang table. Talaga nga naman. Napailing nalang siya at binuksan ang alak.

“Ilang schoon?” Tanong niya habang kumukuha ng baso.

“Isa lang,” sagot naman nito.

Iniabot nya dito ang isang glassful ng alak. At napa-arko ang kilay niya ng makita ang abot-tengang ngiti nito sa kanya. Oo may itsura ito kaso mukhang drug addict sa dami ng alahas sa katawan. Pati ilong nito at labi meron. So lubid nalang ang kelangan pwede nang sumabak sa farming? Hinawakan pa nito ang kamay nya. Tinabig naman nya ang kamay nito sa inis. Nagdatingan pa ang mga barkada nito at nagsi-upuan sa harap ng counter.

Napakunot ang noo niya. Pamilyar ang mga pagmumukha ng mga ito. Nagsimulang magbulungan ang mga impakto na lalo pa nyang ikinainis. Mula ulo hanggang paa kung titigan sya ng mga ito saka nagtawanan. Nakakainsulto ha! Nagtiim-bagang siya sa inis pero mas pinili nalang niyang manahimik. Baka kung ano pa kasing magawa niya. Pamilyar talaga ang mga itsura ng mga ito. Pinalampas nalang niya ang pambabastos. Mild lang naman e. Isa pa at makakatikim na ito sa kanya.

“Isang bote pa nga.” Narinig niyang sabi ng isa sa mga ito. “Yong andun sa taas ang gusto ko.”

Napatingin siya ng masama sa mga ito pero parang hindi man lang tinablan. Makapal na siguro ang kalyo sa mukha. Itinaob pa ang baso na wala ng laman kasabay ang pagnguso sa alak na nasa itaas ng rack. Kung hindi lang kayo costumer. Panggagalaiti niya at kinuha ang stool para abutin ang wine na inoorder ng mga ito. Nagpantig ang tenga niya ng makarinig ng sunod-sunod na sipol mula sa mga ito. Bastos talaga ha!

Bumaba siya at kinuwelyuhan ang feeling leader ng mga ito. “Ano bang problema nyo?” Nagsitayuan naman ang mga kasamahan nito.

Napangisi lang ito sabay sabing, “Ikaw.” Napakunot-noo siya. Anong pinagsasabi ng impaktong ‘to? Anong ako? Tinanggal nito ang pagkakahawak nya sa kwelyo nito. Mukhang nainis sa ginawa nya.

“Anong pinagsasasabi mo?” Medyo napaatras siya.

“Hindi mo ba kami natatandaan, Paige?” sabat ng isa sa mga kasamahan nito. “Ang bilis mo namang makalimot.”

Lalong dumami ang wrinkles sa noo niya. Kilala ba talaga ako ng mga ‘to? Bakit hindi ko sila matandaan? Pilit niyang inaalala kung san ba nya nakita ang mga ito.

“Balita namin sa Hartford ka nag-aaral ah! Ang yaman mo naman,” pang-aasar pa ng lider-lideran ng mga impakto. Tumingin pa ito sa legs nya. “Anong ginagawa mo dito? Gipit ka na rin ba? Okay lang. Sexy ka naman.” May pagkindat pa.

Hindi na sya nakapagpigil at biglaan itong sinuntok sa mukha na ikinahulog nito sa upuan. Nabasag tuloy ang bottled wine na nasa counter. Hindi naman makapalag ang mga kasamahan nito sa pagkagulat. Biglang tumahimik ang lahat at napatingin sa kanila. “Umalis na kayo dito kung mambabastos lang kayo,” sabi pa nya saka tuluyang hinarap ang mga unexpected guest. Over the counter pa nga sya dumaan.

Narinig nya ang mapang-asar na tawa mula sa lider ng mga ito na unti-unti namang tumatayo mula sa pagkakahulog sa upuan. Napalakas ata ang suntok nya. Sugat kasi ang labi nito. “Hindi ka pa rin nagbabago. Malakas ka pa rin manuntok.” Tumawa pa ito.

“Sino ka ba?” tanong niya na naka-ekis pa ang dalawang braso.

Tumingin ito sa kanya. “Hindi mo ba talaga ako natatandaan?”

Nakita niya ang peklat sa mukha nito. Saka lang naalala ni Paige kung sino ito. “Ah! Ikaw pala yan, Drake.” Kampante lang nyang sabi dito. Ito nga pala yong mga engot na yon. Hindi ko na masyadong namukhaan a. “Long time no see,” dagdag pa nya saka ngumiti. 

“Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa’kin, Paige.” Galit na ito. “Dito ka rin pala babagsak. Akala mo matatakasan mo kami?”

Para namang balewala lang ito sa kanya at nagawa pang magbiro. “Hindi ko kayo tinatakasan. Bakit ko kayo tatakasan e wala naman akong natatandaang utang sa inyo?” Ngumiti pa siya yong tipong nang-aasar. “Masaya nga akong makita kayo? Hindi ba kayo nasiyahan sa pagbati ko?”

 

Nag-umpisa na syang palibutan ng mga ito. Lalapitan na sana sya ni Margarette ng biglang magsalita si Drake. “Walang makikialam kung ayaw nyong masaktan!”

Chapter Fifteen

Nagpapakiramdaman sila sa bawat segundo na lumilipas. Isang mabilis na sipa agad ang ibinigay niya kay Drake na hindi pa nito inaasahan. Sabay-sabay naman siyang sinugod ng mga kaibigan nito. Mabilis namang nakailag si Paige. Nauwi na nga sa riot ang nangyari. Pinagpyestahan naman sila ng mga taong nandun sa bar habang nakapaligid ang lahat sa rambulan nila. Wala rin namang naglakas-loob na umawat at makigulo pa sa kanila. Ilang minuto pa ay nakahiga na sa sahig ang grupo ni Drake. Ito nalang at si Paige ang makikitang nakatayo at walang masyadong gasgas.

Si Stephen naman nakamasid lang sa may pinto at pinapanood ang nangyayari. Mukha namang kayang-kaya ni Paige ang mga kaaway nito. Sa una hindi talaga nito akalaing palaaway ang babaeng yon. May tinatago rin palang pagka-amazona. Kaya naman pala war freak ang tawag ng lahat dito e. Isa pa, naiwan niya ang disguise glass nya sa sasakyan baka mamukhaan pa sya nito pag nagkataon.

“Ano na?” Mayabang pa na tanong ni Paige kay Drake. “Yan lang ba ang kaya nyo? Manggugulo kayo sa buhay ko tapos yan lang?”

Napaatras naman siya ng makitang naglabas na ng kutsilyo ang mga ito. Hindi nya akalaing may dalang patalim ang mga impaktong yon. Nagtilian na ang mga babae sa bar at nagtakbuhan na rin yong iba palabas. Life is really unfair. Naisip ni Paige. Hindi man lang sya na-inform. Di sana bumili sya ng palakol at ng masibak nya ang pagmumukha ng mga mokong na yon. 

“Ano na Paige?” Ngisi ni Drake. “Alam kong hindi mo kami aatrasan, hindi ba?” Unti-unti itong lumapit papunta kay Paige na mabilis na kumuha ng walang lamang bote sa counter.

Maging si Stephen ay naalarma na rin sa nangyayari. Sobra naman kasi kung manudyo itong si Paige. Mapipilitan na ata syang makisawsaw sa gulo. Hayy. Ano ba naman ‘to? Hindi na yon parte ng trabaho nya. Tss. Pambihira naman o.

Nasapol nga ni Paige ng bote ang dalawang kaibigan ni Drake but the downside is hindi nya ito napansin na pasugod sa kanya. Buti nakaiwas sya at sugat lang sa kamay ang nakuha nya. Wala na syang laban dito. Masakit ang kanang kamay nya at hindi na makakuha pa ng boteng pwedeng ipanlaban dito. Yong kaliwang kamay naman nya pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa sugat niya. May kalaliman rin ito dahil sa dami ng dugong pumapatak. Pag minamalas ka nga naman. Bulong pa niya saka tumakbo palayo dito. Naabutan sya ni Drake at sinabunutan sa buhok.

“San ka pupunta?” bulong nito sa tenga ni Paige habang pinaglalaruan ang talim ng kutsilyo sa mukha niya.

“Walang hiya ka talaga Drake!” nasambit nya dito nang maramdaman na nasa leeg na niya ang patalim na hawak nito. Idagdag pa ang parang nasisiraan na ngisi nito. “Mamatay ka na!”

“Tama na!” Maging si Margarette ay napasigaw na rin sa takot. “Paige!”

Maya-maya pa ay naramdaman nalang ni Paige na may humaltak sa lalaking baliw na nasa likuran niya. Nakita na lamang nya itong tumalsik sa isang mesa sa gilid. Wala na rin dito ang patalim na hawak nito. Napatingin siya kung sino ang nagpatumba dito. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa ilaw sa bar at sa hood na suot nito. Ang alam lang niya matangkad at slim ang physique nito. Nasa kamay na nito ang patalim na kaninang nasa pag-aari ni Drake. Naagaw nya ng ganun-ganun lang yon? Napaisip si Paige. May proper training kaya ang isang 'to? Mukha kasing hindi basta-basta ang kilos at tindig nito.

“Hindi pa tayo tapos Paige.” Banta ni Drake sa kanya at iika-ikang tumakbo palabas ng bar. Nabali ata ang balakang nito sa pagkakatilapon sa lamesa. Napakahuna naman pala ng buto mayabang pa rin kung umasta. 

Namayani pa rin ang pagka-amazona niya. “Sige. Hihintayin ko yan.” May sugat na nga e nagawa pa rin nyang magyabang. Sabi nga.. Ang mayabang galit sa kapwa mayabang. Nang lingunin niya ang lalaking tumulong sa kanya para magpasalamat, nawala nalang ito na parang bula. Hindi man lang ba yon mag-dedemand ng “thank you” man lang sa’kin?

Lumapit agad sa kanya si Margarette. “Paige. Yong sugat mo.”

“Ah.” Medyo nagulat pa sya at naalala na may sugat nga pala sya. “W-Wala ‘to. Wag kang mag-alala. Sanay na ako.” Ngumiti pa sya dito.

“Mas mabuti pang umalis ka na dito ngayon,” payo nito sa kanya. “Tyak na magagalit si Boss at papalayasin ka rin nya. Hindi mo pa yon nakikitang magalit.” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at concern.

Nag-aalinlangan pa siya. “E sinong magbabayad ng mga nasira dito?”

“Ako na ang bahala. Basta umalis ka na bago ka pa abutan nun.” Pagmamatigas nito. “Saka ko na ibibigay sa’yo ang mga gamit mo. Sa ngayon, umalis ka na.”

Dahil sa tumataas na rin ang boses nito. Wala na syang nagawa kundi ang sumunod dito. Patakbo na rin syang lumabas ng bar na hindi pa alam ang pupuntahan. Bwisit kasi yong Drake na yon! Nangangatal pa sya sa galit. Malayo na rin ang kanyang nalalakad. Pulang-pula na sa dugo yong damit nya dahil dun nya binalot yong kamay nyang nasugatan. Pahapdi na rin ito ng pahapdi. San na sya ngayon pupunta? Naisip nya si Margarette. Pati tuloy yong tao nadamay. “Pesteng Drake talaga yon!” bulong niya. Kukunin na sana niya ang cellphone sa bulsa ng may tumigil na sasakyan sa tapat nya. Mabilis naman syang lumayo dito sa pag-aakalang kaibigan ni Drake yon.

“Sakay! Bilis!” Nagulat nalang siya ng marinig ang pamilyar ang boses nag driver nito. Stephen? Napatingin siya sa sasakyan. Kay Stephen nga yon. Bumukas ang pinto sa passenger seat at agad syang sumakay dito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

Hindi naman siya pinansin nito at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Halos nasa 80-100kph na ata ang takbo nila. Buti nalang at hindi na traffic at baka nakabangga na sila. Malaki pang bayarin pag nagkataon. Napaiktad siya ng biglang sumakit ang sugat nya. Naramdaman na rin niya na basang-basa na ang damit niya sa dugo. Tinatago pa naman nya kay Stephen ang sugat nya. Sesermunan na naman sya nito sooner or later.

Napasulyap sya dito. Saan naman kaya kami pupunta? Bakit parang iba ang mood ng isang ito ngayon? Tsaka kung saan-saan nalang sumusulpot. Ang dami pa nyang gustong itanong dito pero dedma naman sya nito. Okay na naman sa kanya kahit saan basta makalayo lang sa bar na yon. Bahala na kung san siya magpapalipas ng gabi. Natanaw nalang niya ang Grand Shire Hotel sa di kalayuan at maya-maya pa ay nasa harap na sila nito. Anong gagawin naming sa suite niya? Mabilis na bumaba ito ng sasakyan dala ang back pack at jacket nito sabay hagis ng susi sa isang empleyado ng hotel para sa valet parking service. Mukhang nagmamadali ito ngayon at nagpunta agad sa receptionist para sa susi ng suite nito. Nakasunod naman si Paige hanggang sa elevator.

“Sa’yo ba talaga ang suite na ‘yon? Bakit kelangan mo pang humingi ng susi sa receptionist?” Usisa ni Paige habang pinapagaan ang atmosphere sa loob. Silang dalawa lang kasi ang nandun at wala pang imikan.

 

Nagulat siya ng magsalita rin ito sa wakas. “Na-misplace ko kasi kaya nag-rerequest pa ako ng panibago, gets?” Yon lang at balik na ulit sa walang imikan. At least alam niya na hindi pa naputol ang dila nito. Ilang minuto pa ay narating na nila ang suite nito. Mabilis naman itong dumeretso sa kwarto nito at naiwan siya sa sala. 

Chapter Sixteen

Matapos ang ilang segundo ay lumabas na si Stephen dala ang medicine kit at naupo sa couch. Tumingin ito kay Paige at sumenyas na lumapit dito. Sumunod naman agad si Paige at naupo malapit sa tabi nito.

“Patingin nga...” sabi nito na ang tinutukoy ay yong sugat nya sa kamay. Asiwa pa si Paige na iabot dito ang duguang kamay. Warm blood was still flowing from the open wound. 

Naningkit ang mga mata ni Stephen ng makita ang worst state nito. “Ano bang nangyari sa’yo?” tanong nito at nagpunta sa kusina para kumuha ng maliit na basin na may lamang tubig.

Mabilis namang nakaisip ng alibi si Paige. “Ah. A-Ano kasi… N-nanakawan ako kanina.” Alam nito na magdududa pa rin ito kaya dinugtungan pa nya. “Syempre nanlaban ako kaya ito... nasugatan tuloy ako.”

Psh. Ayos rin ang drama a. Stephen silently scoffed. Alam naman kasi nya ang totoo. Likas na ata talaga sa isang ‘to ang pagiging sinungaling. “Buti hindi ka tinuluyan?” Medyo pang-asar pa ang tono niya.

Bumaling ng tingin sa kanya si Paige. “Ang sama mo naman!” Hindi sinasadyang nahigit niya ang kamay nito sa kalikutan. “Aray! Concern ka na nyan?”

“Wag ka nalang ngang maingay dyan!” Napataas na rin ang boses niya. “Ang likot mo kasi.” Medyo tinablan ata si Paige at hindi na gumalaw sabay tahimik. Hindi pa rin tumitigil ang pag dugo ng sugat nito. “Kumakain ka ba ng tama?”

“Bakit naman pati pagkain ko napasama na sa usapan?”

He twisted his lips. “Mabagal mag-clot ang dugo mo.”

“Meaning?”

“Kulang ka sa white blood cells.” Explain nya dito na medyo naiinis na. Sa anong rason? Hindi rin nya alam. “Ano ba yan? Simpleng biology lang.” Bulong niya habang nililinisan ang sugat nito.

Narinig ata nito ang sinabi niya kaya nag-react. “Malay ko ba! Hindi naman ako interesado sa biology na yan e. Hindi ko nga pinapasukan kung minsan yon! Kaya nga architect ang kinuha ko di ba?” Inirapan sya nito.

May pagka-amazona talaga. Hindi nalang siya nagsalita. Maya-maya lang ay tumigil na rin sa pagdugo. Kinuha niya ang ointment saka nilagyan ng bandage ang kamay nito. Mahihirapan si Paige ngayon lalo na’t kanan pa ang nasugatan. Ano naman kayang kasalan meron ang babaeng ito at ganun nalang ang galit nung lalaki kanina?

“Paano mo nga pala nalaman yong sugat ko sa kamay?” tanong ni Paige. Hindi nga naman masyadong halata yong sugat dahil natatabunan ng blazer na suot nito.

“Anong palagay mo sa’kin bulag? Kanina ka pa nimimilipit sa sakit dyan e.” Yon nalang ang nasabi ni Stephen. Tumahimik naman si Paige sa simple reasoning scheme na sinabi niya. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi lang yon ang inabot nito. Masyado kasing malakas ang believe sa sarili. Naiirita na naman si Stephen sa tuwing naiisip ang pagiging careless ni Paige. Paano nalang pala kung hindi nya ito nasundan? Napailing nalang siya sa naisip.

“E paano mo ako nakita?” Tanong ulit nito. “Tsaka anong ginagawa mo naman dun?”

Napatigil si Stephen. Tss. Ang kulit rin no? “Nakita kitang naglalakad sa sidewalk kaya sinundan kita.” Hindi naman sya nagsinungaling dito. Ngayon pa lang… “Tapos bigla ka nalang nawala. At dun nalang ulit kita nakitang palakad-lakad na hindi maintindihan kung nababaliw na ba o naliligaw lang. Pauwi na nga ako nung time na yon e.” Tumango lang ito sa mga sinabi nya.

Matapos lagyan ng bandage ay agad namang hinaltak ni Paige ang kamay sa pagkakahawak niya. I can’t believe it! Sya na nga itong inaalala sya pa ang may ganang mang-away? Psh. Pinigil nalang niya ang sariling mainis ng tuluyan. “Hindi ka man lang ba magti-thank you ha?” Pang-aasar pa nya dito.

Tumingin ito sa kanya saka pa-sweet na nagsabing, “Thank you po.” Sabay irap ulit pagkatapos. Ano bang ugali meron ang isang ‘to? Tss. Napahawak nalang siya sa noo niya. Sya naman ata ang sumasakit ang ulo ngayon. Tumayo si Stephen para kumuha ng tubig sa fridge. Mas mabuti pang magpalamig muna. Nakaramdam sya ng uhaw sa pagkainis sa babaeng ito.

Palihim namang tumingin si Paige sa kamay na may bandage saka sumulyap kay Stephen. Alam nyang naiinis na ito. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Maiinisin? Dinadaan nalang nga nya sa pang-aasar ang hiya nya dito e. Nahihiya siya dahil nagiging pabigat na naman sya sa isang taong wala namang kinalaman sa buhay niya. Aaminin nya na may katigasan talaga ang ulo nya at may kataasan ang pride pero marunong pa rin naman syang mahiya. Kahit konti. Kaya naman tumayo na sya para magpaalam dito.

“A-Ahmm.” Nauutal pa siya. Awkward kasi ang moment para sa kanya. “Alis na ako.”

Hindi naman ito umimik ni tingnan man lang sya. Patuloy pa rin ito sa ginagawa na walang iba kundi ang paglalagay ng tubig sa baso. Ganun nalang ba ang uhaw nito? Focus sobra ha. Bigla tuloy syang nakaramdam ng uhaw. Naisip nyang makiinom man lang bago umalis pero she hesitated. Hayy. Wag na nga lang. Humakbang na sya paalis nang maalala niyang hindi pa talaga sya nakakapagpasalamat dito ng seryoso. “A-Ah… Salamat sa lahat. Wag kang mag-alala utang ko ‘to sa’yo. I'll pay you someday.” Mabilis lang nya yong sinabi para makaalis agad siya. Okay na naman siguro yon. Paige pouted. 

Nasa pintuan na siya ng marinig ulit nyang magsalita si Stephen. “Hey. Pinapaalis na ba kita?”

Tumingin si Paige kay Stephen at nakitang patay malisya lang ito. Paige sneered. Tss. Napaka-blanko talaga ng mukha nito. Mahirap malaman kung ano ang iniisip. Poker face nalang palagi. Wala syang nagawa kundi bumalik sa couch. Hindi rin nya alam kung bakit napapasunod sya nito. May sense of authority kasi ang boses nito once na nagseryoso na. It was calm but wholly intimidating.

“Sabihin mo nga sa’kin…”

Narinig niyang sabi nito saka umupo pabalik sa couch na may dalang glassful of cold water. Tumingin si Stephen sa kanya na parang nanunuri. Eye to eye contact. Hindi tuloy sya makatingin ng deretso dito. Badtrip talaga! Bakit naman ganyan sya kung makatingin?

“…tutor ka ba talaga?” Nakatingin pa rin ito ng deretso sa kanya.

Normal lang naman ang boses nito pero bakit tinamaan sya sa tanong nito. Hindi nya alam kung anong isasagot. Mukhang nagdududa na ata ito sa kanya. Sasabihin na ba nya ang totoo? Truth o another made up story again. Tsk. Asar.

Bahala na nga. Paninindigan nalang nya ang sinabi niya dito. Back to first statement. “Oo nga. Bakit mo ba tinatanong? Nasabi ko na sayo yon di ba? Tsaka ano namang pakialam mo sa trabaho ko?” Sunod-sunod rin nyang tanong. Imbis na sumagot sa tanong nya, ngumiti lang si Stephen. Yong nakakainis na way ng pag ngiti nito ang nakakapagpainit ng ulo nya.

Maya-maya pa ay narinig nya ulit itong nagbato ng tanong na hindi nya alam kung bakit interesado pa itong malaman kahit mga maliliit na bagay. “So pauwi ka na nung first instance na makita kita then you just disappeared? Where the hell did you went?”

“Ano ba kasing tanong yan?” singhal niya dito.

“Sagutin mo nalang.” Calm pero harsh na ang boses nito.

Ayoko na! Naiinis na talaga ako! Tumayo siya at dali-daling napunta sa pinto para umalis. Wala syang panahon para sagutin ang mga walang kakwenta-kwentang tanong nito. Nagulat nalang si Paige dahil naka-lock ang pinto. Tumingin siya kay Stephen. A threatening one. Tumingin rin ito sa kanya at itinaas ang susi ng suite na nasa kamay nito. Anong drama na naman ito? Ni-lock pa nya ang pinto? Nakakapikon na ito ha!

“Ano bang problema mo? Bakit mo ni-lock?” galit nyang tanong dito. “Sisirain ko ‘to kapag hindi mo binuksan!” Pananakot pa ni Paige pero dedma lang siya nito.

“Go ahead. I don't mind at all.” Nakatingin lang ito sa kanya at hinahayaan syang gawin ang pananakot nya. “May pambayad ka ba? Pwede kang kasuhan ng hotel owner sa gagawin mo. Damage to property kaya yan. Pag mumultahin ka lang naman nila ng 10,000-15,000 dollars. Knob lang naman yan e. Kasama na rin dun ang abala nila. Tapos makukulong ka pa ng 2 to 3 months.” Tinaasan pa siya ng kilay nito. "Ano? Game ka?"

Kainis! Wala kasi siyang pambayad. Ano bang alam niya sa law? Akala mo naman kung sino. Hindi sya natinag sa kinatatayuan niya. Hi hindi nya tinitingnan si Stephen. Patigasan tayo ngayon. Hmp!

Pinipigil ni Stephen na matawa sa nakikitang reaksyon ni Paige. Napaniwala naman nya ito. Pag nasira yon sya naman talaga ang magbabayad dahil sya ang may hawak ng suite. “Dyan ka nalang ba talaga? Marami pa akong itatanong baka mangalay ka. Concern lang naman ako sa’yo.” Pang-iinis pa nya. 

Tss. Concern? E bakit ayaw mo akong paalisin? Naiisip ni Paige sabay irap dito. Sa pagkakaalala nya nakapag-thank you na naman sya dahil ginamot nito ang sugat nya. Yong Stephen nalang talaga na yon ang may problema. Problema sa utak!

“Hindi ka rin naman makakaalis hangga’t hindi mo sinasagot ang mga tanong ko,” dagdag pa ni Stephen.

Tumingin sa kanya si Paige. “Ganyan ba talaga ang ugali mo ha?” Galit na talaga ito. “Hindi ka lang nerd ang weird mo pa! Wag ka na nga lang makialam sa buhay ko please.”

Napa-ismid naman siya sa narinig. Ayan na naman kasi ang nerd na word. Natatawa lang sya pag tinatawag sya nitong nerd. Ganun na ba talaga kaganda at kapani-paniwala ang disguise nya? “Oo na.” Mahinahon nyang sabi dito. Wala silang mararating kung parehas silang magtataasan ng boses. “Sit back here.” Aya niya kay Paige na nagmamaktol pa rin sa may pintuan.

Sumulyap ito sa kanya. “Pwede ko namang sagutin ang tanong mo kahit nandito ako a.” Pagmamatigas nito saka sumandal sa pinto.

Bahala ka na nga. Stephen sighed. Matigas talaga ang ulo. “Uulitin ko ulit. San ka pumunta nung bigla ka nalang mawala kanina? Then I saw you again after an hour and you’re bleeding. Nahold-up ka ba talaga kaya ka nasugatan?” Umpisa niya. Gusto nya kasing mapaamin ito with her own words.

“Oo.” Seryoso naman ang mukha ni Paige. “May pinuntahan pa ako kaya siguro nawala ako sa paningin mo.” She still can’t believe na nakita pala sya ni Stephen sa sidewalk. Hindi rin nya alam na sinusundan na pala sya nito.

“Galing ka ba sa bahay ng tinuturuan mo?”

“Oo. Pauwi na nga ako e.”

Talaga lang ha? Napangiti naman si Stephen sa sagot ni Paige. Sige lang. Mapapaamin din kita. Galing pala sa bahay ng tinuturuan ha? He clasped his hands and asked, “Gaano na ba katanda ang tinuturuan mo?”

Natigilan si Paige. Ha? Pati ba naman yon? Hindi nya napaghandaan ang isang yon a. Para naman itong interrogator sa mga tanong na binabato sa kanya. Daig pa nya ang kriminal na may patong-patong na kasong kinakaharap. “Hindi ko exactly alam kung ilang taon na yon. About 5 to 6 years old?” Hindi pa siya sure sa sagot niya.

Anong klaseng tutor ‘to? Kahit simpleng information sa tinuturuan hindi alam? Tss. Ang bilis naman nyang hulihin. Hindi rin pwedeng artista. Halatang nagsisinungaling. “Liar.” Deretso nyang accused dito saka tumingin ng deretso sa mga mata ni Paige na agad namang umiwas sa stare nya. Bingo!

“A-A-Ano bang sinasabi mo?” Nagtaas na naman ito ng boses at nauutal pa. “T-Tigilan mo na nga ako at buksan mo na ‘tong pinto na ‘to!”

“Wawasakin mo di ba? Sabi mo?” Stephen provoked. “Go ahead.” Wala namang magawa si Paige. “Why don’t you just tell the truth? Huli na kaya kita.” Kalmado pa rin niyang sabi dito na ikinabalisa naman nito.

Ano bang pinagsasasabi nya? Alam na ba talaga nya ang totoo? O pinagtitripan lang talaga ako? Kaiinis naman talga o! Malakas ang aircon pero mukhang pagpapawisan siya. Nakatingin lang ng deretso sa kanya si Stephen na parang wala lang. Hmp! Parang ewan! Ano bang meron sa taong ‘to?

Tumayo nalang ito sabay umiling at ngumiti sa kanya. “That’s all for tonight. You can sleep here. We’ll talk tomorrow. Baka naman makonsensya ka at magsabi ka na ng totoo bukas.” Pagkasabi nun ay deretso na itong pumasok sa kwarto ng walang lingon-lingon. Then suddenly went back to turn-off the lights without even looking at her. Naiwan si Paige na blanko at speechless. Ang dilim-dilim na sa loob ng suite.

“Grabe. Ang sama ng ugali at pinatayan pa ako ng ilaw!” bubulong-bulong siya. “Ganun ba talaga ang ugali nun? Akala mo mabait. May attitude problem rin pala!” Kakapa-kapa tuloy siyang lumakad papunta sa couch. Hindi rin naman siya makaalis dahil naka-lock nga ang pinto. Malapit na siya sa couch ng mabangga pa niya yong glass table. “Owwwppp!” Pinipigilan niyang mag-ingay kahit masakit yong pagkakabangga ng tuhod nya sa lamesa. Kainis naman talagaaaa! Ang malas ko naman! Naiinis siyang naupo sa couch. Wala siyang maaninag na kahit ano. Naalala nya yong mga sinabi ni Stephen sa kanya. Alam na kaya nitong nagsisinungaling lang talaga sya? Or he was just bluffing para mapaamin sya. Tsk.

 

Pinapanood lang ni Stephen si Paige sa loob ng kwarto nito mula sa naka-night vision na surveillance cam sa living room. Nang makita nyang nakatulog na ito ay saka lamang siya nag-umpisa sa trabaho niya. There’s a lot to deal with. From the missing files nung mokong na Christopher na yon hanggang sa pag-aanalyze sa mga nakunang surveillance scenes ng mga spy cams na nilagay nya sa University. Idagdag na rin yong nakuha nyang data mula sa registrar’s office at yong kapirasong document na part lang ng isang kung ano mang significant research. It was absolutely misleading kung titingnan mula sa napakalawak na viewpoint. He should undergo different perspective on those matters bago sya magconclude at gumawa ng panibagong hakbang. It’s seems to be a tough night. 

Chapter Seventeen

Maagang nagising si Paige. Hindi naman kasi siya nakatulog nang maayos kakaisip sa mga pwedeng mangyari sa araw na ‘yon. Wala na nga pala syang trabaho at back to zero ulit ang buhay nya. Naubusan na rin sya ng mga option. Ni plano wala sya. Idagdag pa yong nananakit nyang sugat sa kamay.

“Agang-aga nakatulala ka dyan.” Nagulat siya ng may magsalita sa malapit sa tenga nya. Nang akma nyang lingunin ito ay ga-dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha nila ni Stephen. Para namang tambol sa bilis ang tibok ng puso nya. Sobrang lapit nito sa kanya. Nakatunghay ito sa couch kung saan siya nakaupo. Mukhang kagagaling lang nito sa shower. Basa pa kasi ang buhok nito at may towel pa sa balikat. She could even smell the refreshing, manly scent nito. Siguro mamahalin ang gamit nitong bath soap. He smells good kahit wala pang perfume. Hindi naman nya maaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong salamin. Pero sa tingin nya, sa kanya ito nakatingin. Para rin syang nagyelo dahil hindi agad siya nakareact o nakalayo man lang dito.

Tss. Badtrip. Bakit hindi ako makagalaw. First time na may makalapit sa kanyang lalaki sa ganung gap lang. Karaniwan kasi bumubulagta na bago pa man makalapit sa kanya.

Sunod-sunod ang lunok ni Paige. Napansin na rin ni Stephen ang awkward look sa mata niya kaya ito na rin mismo ang lumayo sa war freak girl sa gilid nito at tuluyan nang tumayo ng diretso. Si Paige naman parang bumalik na sa sense nito at biglang nagsalita, “A-Ano bang problema mo?” Obvious na namula ang pisngi.

Napa-angat naman ang isang kilay ni Stephen sa sinabi nito. “Problema ko? Wala.” Ngumiti pa ito saka sinabing, “Ikaw nga itong parang baliw na nakatulala lang dyan.”

Nang-gagalaiti na naman siya sa inis. Umagang-umaga e badtrip siya. Para kasing multo kung saan-saan sumusulpot! Di nya sinasadyang nai-voice out ang laman ng utak. “Para ka kasing multo!”

“Ano bang mata meron ka?” Ganti naman ni Stephen. “Hindi mo man lang napansin na lumabas ako ng kwarto?" Hindi naman nakapagsalita si Paige. Naupo siya sa couch na opposite sa inuupuan nito. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. “So, are you going to tell me the truth now?”

“What truth?” Patay malisya si Paige.

He wants to settle things first bago sya pumasok sa University. Maaga pa naman kaya may time pa syang makipagtuos dito. Kung alam lang nito na he’s now risking something para lang mapaayos ang kalagayan nito. Pero may kataasan talaga ang pride ng babaeng yon. Wala na tuloy siyang nagawa kundi ang ibuko ito sa sarili nitong kasinungalingan. “The truth that you’re not a tutor. Hindi ko alam kung anong trabaho meron ka…” Ayaw ring malaman ni Stephen na alam na niya ang lahat-lahat. Baka paghinalaan sya nito na sya ang tumulong dito dun sa impaktong Drake na yon. Masisira naman ang disguise niya as nerdy guy. Although, he really had no idea kung ano ba ang relasyon ni Drake kay Paige na lalo pang nagpa-curious sa kanya. “…but I’m sure hindi ka tutor.” He finally concluded.

Tinaasan lang sya nito ng kilay. “Psh. Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin.”

He simpered. “Sabihin mo nga sa’kin. May tutor bang inaabot ng gabi? Lalo na kung part time lang naman?”

Hindi nakasagot si Paige. Bakit ba kasi hindi nya alam na sinusundan na pala sya ni Stephen? O baka naman nakita sya nito nung bumili ng kape sa coffee shop? Tssk. Patay na. Medyo gabi na nga yon. Daig pa nya ang detective kung makapagsalita a! Hindi sya makatingin dito.

“According to what you said, kagagaling mo lang dun sa bahay ng tinuturuan mo, right? Hindi na kaagad reasonable yong time ng pag-uwi mo. Kung bata yong tinuturuan mo na ang edad is just about five to six years of age…” Natawa pa ito. “…in addition to the depressing part na hindi mo man lang alam ang exact profile ng estudyante mo. Or sabihin na nating ganun nga ang age nung bata, hindi mo ba alam na madaling antukin ang mga bata at that age? Kaya kung ako yong parents nung batang yon, I should’ve sent his/her tutor home kahit 5:00 pm palang.”

Paige frowned. Hindi nito alam kung san nakukuha ni Stephen yong mga pinagsasasabi nito sa kanya. Bakit parang lahat ng sinabi niya nakarecord at kaya nitong hanapan ng butas? May confidence pa ang tono ng pananalita as if he knew what he was talking about. Naguguluhan na talaga siya. Parang lawyer naman ang kaharap nya tapos sya yong nililitis sa husgado. Tsk.

Tiningnan pa sya nito mula ulo hanggang paa saka muling nagsalita, “And don’t tell me na nagbago na ang formality standard ng isang tutor. Kahit sinong tanungin mo hindi nila aakalaing tutor ka kung ganyan ang outfit mo.”

Tingnan mo yon! Pati outfit nya napansin? Dapat pala sinabi nalang nyang galing lang sya sa park at namasyal. Tss. Kaso imposible namang sa park pa sya galing sa ganung oras. Wala na ata talaga siyang malusutan sa isang ‘to a. Bigla tuloy siyang naasiwa sa suot nya. May suot pa syang ga-bilaong earrings. May tutor nga ba namang ganun ang suot? Tss.

“At dun naman sa hinold-up ka…” Natawa ulit ito. “As far as I know, kape lang naman ang dala mo…” Nagulat sya sa sinabi nito. Galing nga kasi sya sa coffee shop nun. Wala na. He definitely knew that she was lying all along. “…nakakatawa namang isipin na magkakainteres pa sa'yo — …”

 

“Oo na!” Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil pagtatawanan rin lang sya nito. Nakakatawa nga naman na magkakainteres pa yong magnanakaw sa kape na dala nya. Psh. Ang tanga mo talaga Paige! Hindi ka nag-iingat. Tumingin siya dito. “Sige na. Sasabihin ko na ang totoo.” No choice na sya. Wala na naman syang magandang alibi kay Stephen e. Ano bang utak meron yon? 

Chapter Eighteen

Paige told Stephen everything. Simula nang makilala nito si Margarette hanggang sa makapasok sa bar. Lagi rin nitong binibigyan ng stress na bar tender lang ang pinasok nito at hindi show girl o kung ano pa mang trabaho na malayo sa katotohanan. Baka kung ano pa ang isipin ni Stephen. Pati yong issue kay Drake at dun sa lalaking nag magandang loob na tumulong dito nung masugatan ang kamay nito. Isinama na rin ni Paige yong pag-alis nito sa bar dahil sa dami ng nasira at dahil na rin sa payo ni Margarette. Lahat nga daw di ba? Seryoso namang nakikinig sa litanya ni Paige si Stephen na parang nanunuod lang ng boring na movie. Mukha namang sanay na si Paige sa ganung reaction nito at hindi na rin masyadong pinapansin.

Napabuntong hininga siya ng marinig ang buong kwento. Aside from the fact na alam naman nya lahat ng yon kasi andun sya. Tama naman lahat ng sinabi ni Paige sa kanya. Nawala rin ata ang inseparable hobby nito na pagsisinungaling. “We should celebrate! You finally tell the whole truth,” pang-aasar pa nya dito. Hindi naman umimik si Paige. “This Drake?” usisa niya. “One of your past enemies?”

“Narinig mo naman, di ba? High school palang mayabang na ‘yon,” sagot naman nito.

Stephen suddenly stood. Nakamasid lang sa kanya si Paige. “Very well. Everything had been said.” Sya nalang ata ang may sekretong tinatago. At least he knew it was for their own good. “Dito ka na titira from now on.”

Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi nya. “A-Ano?!” Mautal-utal na tanong nito. “Seryoso?”

“You heard it right.” Sabi niya at derektang nagpunta sa kwarto para magpalit. Baka ma-late pa sya sa klase nya. Kahit wala syang pakialam sa mga lesson nila, feeling nya marami syang na-miss na importanteng bagay pag nali-late sya. Besides, he wasn’t favor of wasting time.

Anong pinagsasabi nun? Dito na daw ako titira? Sobra naman ata yon. Kahit temporary naman ok lang. Nasobrahan ata ng bait yon a. Napaanga lang siya habang dinadigest lahat ng sinabi ni Stephen sa kanya. Nakita na nya itong lumabas ng kwarto matapos ang ilang minuto. Tinanong nya ulit ito baka kasi nabingi lang sya kanina. “You’re really letting me stay here?”

Nainis na ata ito sa kakulitan nya. “Maglinis ka nga ng tenga mo. Wag ka nang mag-inarte. Wala ka rin namang pupuntahan di ba?”

Nag-iinarte agad? Nagtatanong lang e. Paige made a face. “E san ka naman pupunta?”

“University of course.” Maikli niyang sagot saka ihinagis dito ang isang T-shirt at baggy pants. Hindi pa naman nya  nasusuot ang mga yon. It was actually a gift from someone. Sayang lang kung hindi magagamit. Saka unisex naman ang kulay at design. May kalakihan nga lang. “Magpalit ka. Daig mo pa ang nakapatay dyan sa duot mo.”

Napatingin si Paige sa damit nitong puro dugo. Nakapatay agad? Sya na nga itong muntik mapatay. Pero mas pinili na nyang hindi magsalita. Baka magkainitan na naman silang dalawa e. Mapalayas pa sya. Bigla nyang naiisip ang Hartford. Na-miss nya tuloy pumasok. Hindi pa naman nya nawiwithdraw ang admission nya sa University. Kahit yong scholarship nya. Pero parang awkward naman kung papasok pa sya. Nakikituloy nalang nga sya kay Stephen e. Hindi rin naman sya makakapaghanap ng trabaho dahil sa sitwasyon nya.

“Iwasan na kasi ang pagiging amazona.” Narinig pa nyang sabi ni Stephen bago lumabas ng suite. May kasama pang insolent smile saka tumingin sa kanya. Hindi na naman sya nakaganti dahil nagsara na yong pinto. Naiwan tuloy syang nagsasalita mag-isa. “Kainis talaga.” Napakalayo naman ng ugali nito sa dating Stephen na nakilala nya.

Maya-maya ay narinig nalang nya na kumukulo na yong tyan na. Hindi pa nga pala sya nag-uumagahan. Naisip nya si Stephen. Nag-shower lang ito tapos pumunta na ng school. Hindi ba yon nagugutom? Tss. Bakit ba iniisip pa nya yon e naiinis nga pala sya dito? Naiinis na pero naiisip pa rin. Ano ba yon? Bigla nalang kumirot ang sugat nya. Pano sya makakakilos ng maayos nito? Bwisit talaga yong Drake na yon! Hindi nya mapigilang mainis kapag naaalala nya ang nangyari.

Biglang nag-ring ang cellphone nya. Si Margarette. Mabilis naman nyang sinagot gamit ang kaliwang kamay nya. Muntik pa ngang mahulog dahil hindi naman sya sanay ng left-handed. Buti nalang nasalo nya.

“Hello, Margarette.” Bati niya dito.

“Paige.” Mahina ang boses nito. “Magkita tayo. Ibibigay ko na yong mga gamit mo.”

“A-Ah. Sige, sige.” Nag-aalinlangan pa siya dahil baka mapagalitan na naman sya nung two-faced nerd na may-ari ng suite. “Sa’an ba?”

“Itetext ko nalang sa’yo.” The line went off. Binabaan na sya nito. Hmn? Ano kayang nangyari kay Margarette? Maya-maya ay nakareceive siya ng text galing dito.

 

| New Town Plaza |

 

 

New Town Plaza? Isang park yon na malapit lang naman sa Hotel. Aalis na sana si Paige nang mapansing hindi pa pala sya nakakapagpalit. Napatingin sya sa damit na ihinagis sa kanya ni Stephen. Wala na syang choice kundi ang isuot ito kesa magmukhang mamamatay-tao sa itsura ng damit na suot nya. Kahit na medyo mukha syang t-boom na rapper. Nahirapan pa nga sya dahil sa sakit ng kamay na iniinda nya. Bwisit talaga ang impaktong 'yon. Si Drake ang tinutukoy nya. Wag na wag ka ulit magpapakita sa'kin. Hmp! Humanda ka! Paige crinkled her nose. Hindi nya maiwasang ma-high blood dito sa ginawa nito sa kanya. 

And after a long walk, narating rin nya ang meeting place nila ni Margarette. Madali naman nya itong nakita na nakaupo sa bench sa di kalayuan. Alam nyang si Margarette kahit nakatalikod. Katabi rin kasi nito yong bag nya.

Humihingal pa nyang binati ito. “Sorry kung natagalan nahirapan kasi a — …” Hindi na natapos ang sasabihin nya ng makita ang nakaaawang itsura nito. Marami itong pasa sa mukha pati sa mga braso nito. “A-Anong nangyari?” Kandautal-utal niyang tanong. Hindi naman kaagad ito nakapagsalita. Isang malamlam na ngiti lang ang sagot sa tanong nya.

Naupo si Paige sa tabi ni Margarette. “Si Boss ba ang may gawa nyan sa’yo?” Hindi niya alam kung bakit yon ang naitanong niya dito. Bahagya itong tumango at nakangiti pa rin kahit alam nyang napipilitan lang ito. “Bakit ka pumayag na gawin nya yan sa’yo?” Usisa pa niya.

“Sanay na ako, Paige.” Nagsalita rin ito ngunit medyo paos pa ang boses.

Naawa tuloy siya dito. Nang dahil sa nangyari na sya mismo ang dahilan, napag-initan tuloy ng Boss nila si Margarette. “S-Sorry…” Mahina niyang sabi dito. “Kasalanan ko ang lahat.”

“Hindi.” Tumingin ito sa kanya. “Okay lang. Wag mo nang sisihin pa ang sarili mo. It just happened.”

Curious sya kaya nagtanong ulit sya dito. “Lagi ka ba niyang sinasaktan?”

“Hindi lang naman ako e.”

“Ano!?” Nagulat siya dahil hindi lang pala ito ang nadamay sa kagagawan niyang gulo. Nakaka-guilty naman sa part nya. Hindi naman nya akalain na marami ang maapektuhan ng riot na yon.

“Lahat kami sinasaktan nya kapag nagagalit ito.” Paiwas pa itong tumingin sa kanya. “Kung minsan nga kahit walang dahilan.” Nagulat si Paige ng hawakan ni Margarette ang kamay nya. “Kaya nga nagi-guilty ako dahil ako ang nagdala sayo sa lugar na ‘yon.” Naluluha na ang mga mata nito.

“Hindi ka dapat ma-guilty.” Comfort niya at ngumiti dito. “Wala ka namang kasalanan.” Kung tutuusin sya ang dapat ma-guilty dahil maraming nadamay sa pagiging reckless nya. Mukhang tama nga si Stephen. Kelangan na nyang bawasan ang pagka-amazona nya.

“Wag ka nang babalik sa lugar na ‘yon.” Sabi nito sa kanya saka napatingin sa kamay niyang may benda. “Okay ka na ba?”

Tumango siya at itinaas pa ang kamay kahit na sumasakit e umarte nalang siyang hindi. “Wala ito. Malayo pa sa bituka.” Natawa naman ito sa sinabi nya. Sa twing titingin sya dito naaalala nya yong bar, yong boss niya at yong riot. “Paano nga pala yong mga nasira?”

Umiling ito. “W-Wag mo nang intindihin yon.”

“Anong sabi ni Boss?” May kakulitan rin sya kung minsan. Hindi kasi sya mapalagay kung sinong magbabayad sa lahat ng nasira. Marami-rami pa naman yon.

“Kami na ang bahala dun. Wag mo nang isipin.”

Napakunot-noo siya. Anong sila? Sila ba ang magbabayad? Bago pa sya makapag-react tumayo na si Margarette. “A-Ah.. Kelangan ko nang umalis. Tumakas lang kasi ako.” Iniabot nito sa kanya ang bag nya. “Naayos ko na lahat ng gamit mo.”

Napangiti nalang siya dito. “Salamat. Margarette.”

May kinuha ito sa bulsa at iniabot sa kanya. “Yan yong sweldo mo. Pasensya ka na. Yan lang kasi ang meron ako ngayon.” Nanlaki naman ang mata ni Paige sa perang iniabot nito sa kanya. Naisip niyang tanggapin nalang ito pero naiisip rin nyang mas kelangan ito ni Margarette kaya hinabol nya ito at ibinalik ang pera.

“Okay lang ako.” Sabi ni Paige. “Mas kelangan mo yan ngayon. Ibayad mo nalang yan kay Boss.” Bulong pa niya dito. “Saka ko na ibibigay yong kasunod. Sabihin mo, utang muna.” Kumindat pa sya. Alam nito na biro lang yon kaya ngumiti lang ito at nagmamadali nang umalis.

Naiwan naman syang mag-isa sa park habang tinatanaw si Margarette na tumawid sa kabilang kalye at tuluyan nang nawala sa karamihan. Totoo naman ang sinabi niya dito na babayaran rin nya yong nasira sa bar sa oras na makahanap sya ng bagong trabaho. She left out a depressing sigh saka kinuha ang bag at umalis na rin sa park.

Kawawa naman si Margarette. Naaalala nya yong pasa sa mukha nito habang naglalakad sya pabalik sa Hotel. Naisipan nya munang dumaan sa malapit na play area na halos katapatan lang ng plaza. Nakakita sya ng mga batang naglalaro ng basketball at naisipang manood saglit. Naupo siya sa malapit na bench at nanood sa mga ito. Wala rin naman syang gagawin dun sa suite.

Napansin nalang nyang pinagtitripan ng isa sa mga ito ang isang batang lalaki. Maybe because sa height nito o sa looks. Mukha kasing sakitin at lampa yong isa. Hindi katulad nung iba na matataba ang mas matangkad kesa dito. Simpleng asaran lang nung una haggang sa magkainitan na ang mga ito. Tinulak nung isa yong batang sakitin na ikinaumpog ng ulo nito sa bakal. Nakita niyang may dugo nalang na umaagos sa ulo nito.

 

**flashback**

 

“Umalis ka nga dito!” sigaw nung isang batang lalaki sa kanya.

Bata pa si Paige at sakitin nung time na yon. Sinisipon pa sya dahil sa lamig ng klima. Winter kasi at kasisimula lang nito. Nag-iisa lang syang anak ng mama nya. Hindi rin nya nakilala ang papa nya. Basta lumaki nalang syang hindi ito kilala. Sabi ng mama nya, wag nalang daw syang magtanong tungkol dito at wag na rin syang mag-aksaya ng pahanong hanapin pa ito. Wala rin naman syang kaibigan dahil puro lalaki ang mga batang kasabayan nyang lumaki dun sa tinitirhan nila dati. Hindi diya marunong maglaro ng manika. Mas alam pa nyang laruin ang basketball. Yon kasi palagi ang nakikita nyang nilalaro ng mga bata dun.

“Pasali naman ako.” Pamimilit nya sa mga ito.

“Hindi nga sabi pwede!” Galit na sigaw ng isa sa mga kababata nya. “Ang liit mo kaya! Panira ka lang dito e!”

Pero makulit sya kahit lagi nalang siyang pinagtatabuyan ng mga kalaro niya. “Sige na.” Hinila-hila nya ang damit nito. “Sige na… please!”

Nainis ito at sinampal siya. Nawalan siya ng panimbang at bumagsak sa snow. Kitang-kita nya ang pagtulo ng dugo mula sa ilong niya. Nag-init ang pakiramdam nya sa galit. Nakakita sya ng bato sa tabi niya at binato ito. Malas lang dahil nakaiwas ito at yong isang bata na naka-upo sa wooden bench sa di kalayuan ang tinamaan. Hindi nya masyadong maaninag ang itsura nito dahil sa snowflakes. Nagtakbuhan naman ang mga kalaro niya. Unti-unting dumami ang tao dahil sa batang nabato niya. Pati sya ay unti-unti na ring nahilo dahil sa lakas ng sampal na naabot niya kanina. At dun sya nagsimulang lumaban at natutong ipagtanggol ang sarili nya.

 

**end of flashback**

 

Narinig ni Paige na umiiyak na yong bata dahil sa sakit. Mabilis naman niya itong pinuntahan.

“Itigil nyo na nga ‘yan!” Saway niya sa mga kalaro nito at lumapit sa batang duguan. “Okay ka lang ba?” Tumango ito pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Tss. Kawawa naman. Naalala nya ang sarili dito. Binalingan niya yong ibang mga batang pasaway na tumatawa pa sa kanila. “Hindi ba kayo tinuturuan ng tamang asal ng mga magulang nyo?”

 

Dedma lang si Paige ng mga ito. Abala sya sa pag-check sa sugat ng bata at hindi napansin yong bolang paparating. Sakto tuloy na sa mukha nya ito tumama. Hindi ito kalakasan pero tinablan siya ng hilo. Dahil na rin siguro sa gutom. Namalayan nalang nya na umiikot na ang kanyang paligid hanggang sa hindi na nya alam ang sumunod na nangyari. 

Chapter Nineteen

Narinig nya ang mga bulung-bulungan sa paligid. Gising na si Paige pero hindi pa lang sya kumikibo. Masakit pa rin ang ulo nya at medyo nahihilo pa rin.

“Anong nangyari sa kanya?”

“Ewan ko. Kanina pa sya dyan e.”

 “Baka nahimatay?”

“Naku! Kawawa naman. May sugat pa sa kamay.”

“Baka nanakawan! Dumudugo pa ilong o!”

At ang pinakamatindi nyang narinig sa lahat. “Gosh! Baka patay na yan!”

Ha? Sino daw patay? Unti-unti syang bumangon. Narinig nya ang pagkagulat ng mga tao. Umiikot pa rin ang paningin nya. Iba’t ibang mukha naman ang nakapaligid sa kanya. Ano bang ginagawa nya sa damuhan? Bakit ang daming tao? Maya-maya ay naalala rin niya ang lahat. Hinanap nya yong mga batang naglalaro pero wala na ni isa sa mga ito. Para tuloy syang baliw na naiwang nakahiga sa may court.

“Miss. Okay ka lang ba?” Tanong ng isang hindi katandaang babae. “Kanina ka pa nakahiga dyan e. Ano bang nangyari sayo?”

Sasabihin nya sana ang nangyari kaso baka isipin ng mga ito na napakasimpleng dahilan naman nun. “A-Ah. Wala po. Nahilo lang.” Yon nalang ang sinabi nya.

“Naku baka buntis ka!” Bulalas nito.

Hah! Ano daw? Buntis? Ako? Wala pa nga syang nagiging boyfriend ever since. Lahat kasi takot lumapit sa kanya. Though amido siya she's living with a guy now. But with Stephen? Malabo na mangyari. Hindi sya fan ng mga nerd-looking guy. Umiling si Paige at natawa sa sinabi nito. “Naku! Hindi po. Okay na po ako.” Tumayo na rin sya nang mawala ang pag-ikot ng paningin nya.

“Ah. Ganun ba iha? Sige mauna na kami.” Pagkasabi nito ay umalis na ito akay-akay ang apo nab ago pa lang ata naglalakad. Nagsialisan na rin ang mga tao at naiwan ulit syang mag-isa.

Hindi nya napansin na malapit nang maghapon. Ganun ba sya katagal na nawalan ng malay? Buti nalang pala nakagising pa sya. Napakamot nalang sya sa ulo at hinanap ang bag para bumalik sa Hotel. Nagulantang siya nang makitang bukas na ito at wala ng natirang gamit kundi yong sapatos nyang sira!

Hindi siya makapag-react. Namilog lang ang mga mata niya at shock pa rin. Pambihirang buhay naman o! Ninakawan pa sya? Nahimatay na nga’t lahat hindi pa naawa ang mga magnanakaw na ’yon. Pag minamalas ka nga naman! Ano bang makukuha ng mga ‘yon sa gamit nya? Hay.. Tofu naman!

“Sige! Sa inyo na ang gamit ko! Isaksak nyo sa baga nyo!” Naisigaw niya sa galit kahit alam nyang wala nang makakarinig sa kanya dahil wala nang katao-tao dun. Naglabas lang sya ng sama ng loob. Ang malas naman kasi ng araw nya. Kinuha pa rin nya yong bag at saka umalis na nag ngingitngit sa galit. Ang gaan na tuloy ng bag nya.

Pagabi na ng makabalik si Paige sa Hotel. Nilakad lang nya ang kahabaan ng Boulevard galing sa New Town Plaza. Nasa may entrance na sya ng Hotel at tyak mahihirapan na naman syang makapasok. Nahirapan na nga siyang makaalis kanina kung hindi lang dahil sa busy yong guard baka napansin na sya nito. Ngayon naman, problema nya ang pumasok. Nang mapansin nyang hindi nakatingin ang guard sa entrance, dali-dali syang naglakad papuntang elevator. Yong receptionist naman wala ring kaalam-alam dahil nakikipag-flirt pa sa gwapong guest na nagchecheck-in sa Hotel. She smiled triumphantly. Nagsakayan rin yong ibang guest at natabunan na sya sa loob. Nagsara na ang elevator and she was completely safe.

Third floor. Bumaba na ang mga kasama niya sa lift at sya nalang ang naiwan. Next floor pa sya. Inaalala ni Paige kung nakauwi na si Stephen. Wala syang susi ng suite. Plano nyang hintayin nalang ito sa labas. Bigla syang natigilan. Nai-lock nga ba nya yong suite? Hala! Wala syang natatandaan na ni-lock nya ito! Patay! Kelangan kong maunahan si Stephen kundi patay ako dun! Mabilis nyang tinakbo ang hallway. Kinakabahan pa nyang binuksan ng dahan-dahan yong pinto.

Sana lang talaga wala pa sya. Mukhang maaga pa naman e. Hala! Hindi nga nya naisara. Bumukas ang pinto ng pihitin nya yong knob. Patay ang ilaw. Nakahinga sya ng maluwag. Madilim sa loob at tahimik. Mukhang nauna sya kay Stephen. Haha!

Narinig nyang nag-alburuto ang tyan nya. Gutom na gutom na si Paige. Simula umaga ay wala pang laman ang sikmura niya. Hindi na niya binuhay ang ilaw. Kinuha nalang niya ang cellphone niya at pumunta sa ref. May nabasa pa syang notice na nakadikit dito.

 

| Bayad na yan kaya kumuha ka nalang ng gusto mo. |

 

Si Stephen ang nag-iwan nun. Hindi lang nya nabasa kanina dahil hindi naman sya nagbukas ng ref bago sya umalis. Napangiti si Paige habang hawak-hawak ang cellphone sa kamay at ginawa itong flashlight. Mabait naman pala e. Binuksan nya ito at naghanap ng pwedeng kainin. Hindi naman nya uubusin ang laman nun. Konti lang. Itinabi na nya ang cellphone at excited na binuksan ang ref.

Canned juice drink. Root beers. Red wines. Distilled water. Yon lang ang laman ng ref? Na-disappoint naman siya. Ang laki pa mandin ng fridge nito tapos yon lang ang laman? Anong klaseng ref ‘to? May panote-note pa. Wala rin naman palang laman. Pang-asar lang? Nag-spark ang mata nya ng may nakitang sandwich! Okay na yon kesa wala. Nang akmang kakagatin na nya ang pinakamamahal na sandwich ay biglang nabuhay ang ilaw. Muntik na tuloy itong mahulog.

Naalarma si Paige. Nagulat siya ng biglang mabuhay yong ilaw. Napatingin siya sa living room at namilog ang mata nang makitang nakaupo sa couch si Stephen at seryosong nakatingin pa sa kanya. Na-frozen to death na naman sya. Ito pala ang nagbuhay nung ilaw gamit yong remote na nasa kamay nito. Nakakahiya! Huling-huli pa sya sa akto. Hawak-hawak pa nya yong sandwhich. Kanina pa kaya sya nandun?

Ibinalik niya sa ref yong sandwhich. “H-Hehehe. Andyan ka na p-pala. Hindi ko kasi napansin na may tao na. P-P-Patay kasi yong ilaw.” Kandautal-utal nyang paliwanag dito.

“Bakit hindi mo binuhay yong ilaw?” seryosong tanong ni Stephen. “Para kang magnanakaw.”

Hindi naman siya nakaimik. Ngumiti lang sya dito. “Heheh.”

“You left?” tanong ulit nito. Inamin naman niya ang totoo at tumango. Alam nyang malalagot na sya dito. “Why didn’t you even lock the door?”

Magi-explain pa sana sya dito pero mukhang bad mood na ito at pumasok na ng kwarto. Walang lingon-lingon. Paige sighed in discomfort. Parang laging kasalanan nya kung bakit nababad mood nalang ito. Naupo siya sa couch. Kelangan nyang mag-sorry kay Stephen. Kinuha nya ang cellphone at tinext ito.

 

He was sitting in front of his computer. Hindi nya lubos maisip na umalis si Paige ng hindi man lang ni-lalock yong pinto. Napaka-careless niya. Paano kung may pumasok? Kahit na naka-lock itong kwarto nya. It was still a risk. Nag-ring ang phone niya. Sino naman kaya ang nakaalala. Maybe it was that person again. He reach for it and was surprised na si Paige ang nagtext. 

Chapter Twenty

| Sorry. |

 

Tss. Yon lang? She was just sorry. Stephen sighed. He locked the phone, ignoring the text. Bahala ka na nga. Medyo maiinit pa rin ang ulo niya. At least Paige admitted her own fault. Maya-maya ay nag-ring ulit ito. Ayaw na sana niyang pansinin pero na-tempt pa rin syang basahin ang message nito.

 

|  Nakipagkita lang ako kay Margarette para kunin yong gamit ko kanina. Hindi ko sinasadyang hindi i-lock yong pinto. Promise. Badtrip nga dahil nanakawan pa ako. Heheh :)  |

 

What? Nanakawan sya? Ano na naman bang excuse yon? Gasgas na. He simpered, reading the text again. Nanakawan na pero mukhang masaya. May paglagay pa nga smiley. Hindi nakatiis si Stephen and hurried for the door. Nagulat naman si Paige ng makitang nakatayo na sya sa pinto ng kwarto nya.

He looked at her for a long moment. “I demand an explanation,” Stephen remarked as he crossed his arms over his chest habang nakasandal sa partly open na pinto ng kwarto niya. Paige nod at told all her misfortunes to him. Hindi niya alam kung maaawa ba sya o matatawa sa lahat ng kamalasan nito sa buhay. She should be thankful she was still alive. Napailing nalang sya sa naiisip at napansin ang bulak na nakalagay sa ilong ni Paige. Pati ang sugat sa may lower lips nito. Pati bata pinapatulan. Yan tuloy nangyayari.

“Hindi pa nga gumagaling yang sugat mo. Di ka pa nakontento at dinagdagan mo pa.” He scold her and went to get the medicine. He was not a medical student for crying out loud pero hindi nya maiwasang hindi gamutin ito. Nakatingin lang sa kanya si Paige habang pinapalitan niya ang bandage sa kamay nito. “Now tell me, kelan mo ba gagamitin ang utak mo?” He saw na nag-pout ang lips nito. Isip bata. Amazonang isip-bata.

“Ginagamit ko naman ang utak ko. Habulin lang talaga ako ng gulo,” pagtatanggol ni Paige sa sarili. Stephen threw her a meaningful look but keep his silence tsaka pinagpatuloy ang paglinis sa sugat niya gamit ang malinis na tubig at cotton balls. Napapapikit siya sa sakit kapag nasasagi yong sugat nya. Sariwa pa rin kasi ito.

“Ang tapang mo rin, ano?” Narinig niyang sinabi ni Stephen without looking at her. Busy ito sa pag-dress ng sugat nya. He was too focused and gentle at the same time. Worried siguro na baka masaktan sya. Nag-blush si Paige sa na-oobserbahan nya but she managed to conceal it. “Your wound is quite deep. Kung iba siguro yan nag-panick na,” Stephen added with a smile.

Nabawasan ang guilty na nararamdaman niya ng makita itong ngumiti. Maybe he was not that angry. She smiled at the thought and said, “Sanay na nga kasi ako.” Ilang away na nga ba ang napasok nya? Nakalimutan na nya sa dami.

“Ang kapal siguro ng kalyo mo sa kamay kaya hindi ka masyadong tinablan.”

Mahina lang ang pagkakasabi nito pero narinig pa rin niya. Ano daw? Makapal ang kalyo ng kamay nya? Medyo naiinis naman siya sa term na yon. Okay na sana e. Nagpahabol pa. Kinalma nalang niya ang sarili at mas piniling manahimik. Hindi ka maiinis Paige. Cool ka lang. She kept on reminding herself. Tandaan mo. Nililinis pa nya ang sugat mo. Pinilit niya ang sariling ngumiti.

At sa wakas, natapos rin ang session nila. But it was wrong for her to think like that. Stephen drew closer at her and touched her chin. Nagulat siya sa ginawa nito kaya agad na umagwat dito. “A-Anong gagawin mo?” she asked near hysterical.

Stephen twists his lips, restraining to laugh. Ano bang iniisip nya? Feeling naman ‘to. He simpered saka iniabot ang cotton ball kay Paige. “Linisin mo yang dugo sa labi mo,” sabi nya dito. “May salamin sa bathroom.” Inilagay niya ang ointment sa table na nasa harap nila and immediately returned to his room.

Paige made a face. Tss. Yong two-faced geek talaga na ‘yon. She circled her eyes. Napabaling ang atensyon niya sa mga paper bags na nasa tabi ng table. Parang shopping bag ang mga ito sa laki. Psh. May gana pa mag-shopping? Hindi pa dinala sa kwarto nya. Pa-inggit lang? After a while, she received a text from Stephen.

 

| May pagkain dyan sa paper bag. Hanapin mo nalang. |

 

Para siyang nanalo sa lotto ng mabasa ang text nito. Sobra-sobra na talaga ang gutom niya. Hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa. Binuklat nya kaagad ang mga paper bags at hinanap ang grasyang sinasabi ni Stephen.

Wow! Ang daming prutas naman nito.

Puro prutas kasi ang laman nung bag na binuksan niya. Yong isa naman isang order ng French dish na hindi naman sya pamilyar. Halos makakakain na ang tatlong tao sa meal package na yon. Mukhang pang mayaman at mamahalin talaga. Tsaka mukhang masarap. Pwede namang simpleng dish nalang e. Takam na takam na sya sa nakitang mga pagkain. She doesn’t even expect for it at wala rin syang balak na tanggihan ito.

Grabe ang bait naman niya. Ano kayang naisipan nun at nagdala pa ng ganito? Nakakahiya naman.

Nagi-guilty na tuloy si Paige sa pagsusungit nya dito. May tinatago rin palang kindness yong geek na yon. Maya-maya ay nakareceived ulit sya ng text galing kay Stephen:

 

| May ilang pairs ng damit rin akong binili. Wag mo nalang suotin kung ayaw mo sa design. |

 

Binuklat nya yong natitirang bag. Medyo masculine ang style pero okay na rin. Sanay naman syang magsuot ng mga unisex at bland design na damit. Ito na ata ang time para ma-touch siya sa ginawa nito. Namalayan nalang niya na nagka-clog na ang luha sa mata nya. First time kasing may nag-effort para sa kanya except for her mom. Dali-dali naman nya itong pinunas.

Seryosong nakatitig si Stephen sa monitor. He simpered seeing that Paige was somewhat weeping. Drama. Kitang-kita na pinipigil pa nito ang pag-iyak. Naawa siya sa situation nito. Hindi nya akalaing nag-iexist talaga yong mga taong ill-fortune to maximum extent. Kaya kahit anong inis niya, nakokonsyensya siya kapag nakikita nya ang kalagayan nito. Hindi naman ganun kabato ang puso nya. Specially for a girl as hopeless as Paige. May natanggap siyang text galing dito:

 

| Thank You. |

 

Wala namang espesyal sa text na yon pero he felt lighter than usual. It seems na sincere ito sa pagti-thank you sa kanya. Nakatitig pa rin sya sa monitor at nakitang nagta-type ito sa cellphone. May nareceived ulit syang text galing kay Paige:

 

| Hindi na kita aawayin. PROMISE. Magpapakabait na ako. Bestfriend. |

Halos maubo siya ng mabasa ang text nito. What? Bestfriend? Ginawa syang bestfriend ni Paige. Bestfriend ako ng isang complete stranger? Take note, college student pa. Okay sana kung ka-level nya ito. O isa sa mga colleagues nya sa Intel. It doesn’t mean na dinadown nya ang status ni Paige. Ang layo lang ng living principle nilang dalawa. Kahit line of work sobrang layo. Pero hindi naman nagkakalayo ang age nila. One thing he was sure about. Only their professional standard creates a huge gap between them. Though, things like that can be reconsidered. Nagtext ulit ito:

 

| Hindi na ako makikipag-away. :) |

 

 

He found himself smiling without a certain reason. One thing entered his mind. She might be a college student or just a simple girl but someday she will be one of the great people whom he wouldn’t regret of meeting. Besides, that’s the least he can do for her. 

Chapter Twenty One

3 AM. Stephen sighed and touched his forehead. Wala pa syang tulog. Nagkalat ang iba’t ibang classified documents na pinag-aaralan nya sa sahig. Even his bed was filled with valid references na may kinalaman sa kasong hinahawakan nya na nanggaling pa mismo sa Intel. Hanggang ngayon ay wala pa syang malinaw na suspect. Lahat ng mga impormasyon na hawak nya ay mayroong variation at malaki ang discrepancy sa bawat isa. Mahirap pagtuma-tugmain ang mga ito. Akala nya madali lang nyang malulutas ang kasong yon pero mukhang marami ang involve at kakailanganin pa ng adequate time para makalap lahat ng mga kailangang detalye.

He leaned his back on the swivel chair saka itinaas ang dalawang paa sa worktable na nasa isang sulok ng kwarto nya. Nakatitig lang sya sa kisame habang pinaglalaruan ang mechanical pencil sa kamay niya. Sa sobrang daming pumapasok sa utak nya he doesn’t know where to start now.

Ipinikit niya ang mga mata. In this situation, kelangan nyang bumalik ulit sa simula. Ano na nga bang status ng kaso? Bukod sa na-breach at naka-create na sya ng remote access sa information system ng University, napag-alaman rin nya na wala ni isang record si Christopher. Mapa-printed o electronic pa, which in one way or another was confusing. Hindi naman valid reason yong meron ka lang influential father. He wasn’t sure kung nakakahalata na ito na may hindi tama sa ikinikilos niya. Lahat ng makakaya nya ginagawa na nya para lang i-conceal ang real identity nya so it’s impossible na alam na nito na may mole sa Hartford. In some way, kelangan nya munang magpalamig sa pagsunod-sunod dito. He needs distinct and valid information about that Christopher and his father first. A name flashed on his mind. Mukhang alam na nya kung sinong makakatulong sa kanya. He reached for his phone and dialed a certain number. It caused him a couple of minutes bago pa may sumagot sa tawag niya.

“Goodness! Alam mo ba kung anong oras na, Stephen?!” Sa tono ng pananalita nito, halatang naiinis na ito sa kanya.

“Relax.” Kampante niyang sabi sa kausap.

“Gaano ba kaimportante yan at nagawa mo pang mag-istorbo sa ganitong oras?” Inis pa rin ito. “Kahit kelan talaga wrong timing ka.”

Napabuntong-hininga si Stephen. “Kelangan ko lang ng tulong mo.”

“Let me guess.” Pusta nito. “May ipapahanap ka na namang tao ano?”

Stephen smiled. “Nope. Not exactly. Information lang about sa isang tao.”

“O sya sya. I-send mo nalang sa account ko. Bye.” Pinatayan na sya nito. He smirked. Hindi na ito nagbago. Lagi nalang syang pinapatayan. He set aside his phone at saka nag-browse ng ilang files at hinanap ang account nito. Arthur Irving. Maya-maya ay nag-ring ang phone nya. Sabi na ba tatawag ka.

“Natanggap ko na.” Bungad agad nito sa kanya. “Mukhang hindi mapapagkatiwalaan ang isang ‘to a.”

“Oo na.” Sang-yon niya na may kasamang pang-aasar na rin. Tinitingnan rin nya ang picture ng mokong na Christopher na yon tsaka ang tatay nito.

“Kelan mo ba kelangan?”

Perfect question. He smiled and replied, “A-S-A-P.” Pagkasabi nito ay pinutol na nya ang conversation nila ni Arthur. They’re even now. Just like the old days. Trusted friend at informant nya si Arthur even its brother Alex. Hindi sila parte ng Intel o ng kahit na anong unit ng department pero marami silang nalalaman. Maging top-secret info pa yan o kwentong tambay lang. Sa katunayan, kasabayan nya ang mga ito na mag-training para sa Intel pero nag drop-out rin at mas pinili ang family business. At dahil rin dito, his problem of Christopher and its father will be solved.

He was about to shut his computer down ng aksidente nyang ma-play yong isa sa mga kuha ng surveillance cam na nilagay nya. Kasama ito sa mga raw videos na hindi pa nya napapag-aralan. Naisip na rin niyang panuorin kahit alam niyang mukhang wala syang makukuha sa videong yon. Ito yong part na magkasama silang dalawa ni Nicholas. Pauwi na sila at naglalakad sa hallway ng marecord yong video. Napasama pa nga dito yong isa nyang minor suspect. Yong janitor na nakasalubong pa nila. Nakaagaw ng atensyon niya ang paglingon nito sa kanya sa video. Tatlong beses pa itong lumingon. Agad siyang nagduda sa ikinilos nito. He click the play back button at inilagay sa ¼ play speed. Kitang-kita niya na tiningnan nito ang ID niya. Iba rin ang titig nito at medyo threatening ang dating. Idi-disregard na sana niya as suspect ang janitor na yon. Ilang araw na rin nya itong minamatyagan pero wala naman syang nakitang kakaiba. But this vide changes everything. Kinuha nya ang pinakamalinaw na kuha nitong angle at ini-email kay Arthur. Wala pa kasi syang data sa taong yon o kahit ano pang simpleng background man lang.

Kung yong suicide cases lang, pwedeng maging isang anggulo dito ay murder gaya ng kutob nya rather than suicide. At ang pwedeng maging primary suspect ay yong janitor. But things just got complicated nang mapunta sya dun sa research lab at yong restricted basement na yon na ang mag-amang Gregory lang ang may full access. Medyo distinct yong dalawa but it could lead him to a more intriguing matter lalo na kung sa isang kilalang University ito nangyayari. It seems na hindi lang yong simpleng suicide ang kailangan nyang lutasin. Pati kung anong meron dun sa basement ng lab na yon. He opened the computer-generated projection ng blueprint ng University that he recently made. Base ito sa narecord na basement structure ng electromagnetic device. May kalakihan ang basement. Kahit sino hindi mag-aakalang may basement pa yong research lab na yon.

He suddenly notice the piece of paper na nakaipit sa isang chemical engineering na libro. Pinag-aaralan rin nya yong mga nakasulat na chemical elements sa papel na yon. Unfortunately, nabuklat na ata nya lahat ng libro na may kinalaman sa chemistry at bonding ng elements pero wala syang mahanap na kagaya ng nakasulat dito. Kahit ang Internet ay walang maipakitang kaparehas na symbolic element nito. Napapaisip tuloy siya kung saang planeta nakuha ng mga weird na mga mamang yon ang kapirasong papel na hawak niya. Mas maiintindihan nya sana kung nasa kanya lahat ng record na may kinalaman sa chemical element na yon. Binuksan nya yong folder na naglalaman nung mga nakuha nyang pictures nang mabangga nya yong isa sa mga ito. Nakakapagtaka naman na wala pang katulad na chemical composition yong mga elements na nakasulat sa mga records na yon. Karamihan sa mga ito unknown pa sa science. Isa pang bagay ang naka-attract sa atensyon niya. Yong serpent tattoo na nasa kamay nito. Parang nakita na niya ang marking yon. Hindi lang nya maalala kung saan. Sa mga nalalaman nya, mukhang malaking case kung maa-unfold niya ang isang ito. Tsk. He touched his forehead. Nada-divert na tuloy ang utak nya kung alin sa dalawang kaso ang uunahin. Yon bang suicide case o yong suspicious lab na yon.

Nakakainis naman kasi ang tagal i-release ng hinihingi nyang information ng suicide victims na galing sa Intel. Kahit kelan talaga ang tagal mag-process ng mga ito. He need the complete list ng mga deceased at lahat ng mga available records ng mga ito. Simula sa kauna-unahang suicide incident hanggang dun kay Nathaniel Gray. Yong recent year lang kasi ang ibinigay ng mga yon sa kanya. Kelangan pa rin nyang kumuha ng surveillance video mula sa security office ng University. Baka may makuha siyang impormasyon sa mga video na yon. Kahit na na-hack na nya yong information system ng mga ito. Security personnel naman ang naghahandle ng mga surveillance video kaya wala pa rin syang access dito.

 

Stephen sighed. He never thought it would be this complicated. Bakit pa kasi nagpresenta syang gumawa ng sariling investigation sa kasong yon? Nakabinbin pa nga yong kaso ng human trafficking at illegal drugs syndicate na tina-track rin nya. Pati yong nawawalang 50 Million Dollar Statuette na kinasasangkutan ng isang kilalang business tycoon. Parehas nyang hawak ang dalwang naglalakihang kaso na yon na parehas involve ang illegal drugs. Ano nga bang pumasok sa isip nya at pati yong local case ay isinabay agad nya gayong may hawak pa syang dalawang international assignment. Marami ang nagtatanong sa Intel kung bakit hinayaan ng superintendent nila na sya ang humawak nung dalawang kasong yon. Tatlong taon palang syang nagtatrabaho sa ilalim ng agency pero he already made a significant record. Noong una, mga mild case lang ang hinahawakan nya at may kasama pa syang superior na sya talagang naghahandle sa mission. He was just thankful na successful lahat ng mga mission na yon. He gained the trust of his superiors sa mga excellent remarks na nakukuha nya sa bawat consignment mission at evaluation ng team. Yet, inspite of those excellent remarks na yon, may mga ilan pa rin na nagdududa sa kanyang ability at kinukwestyon ang mga assignment na binibigay sa kanya. Binabalewala lang naman niya yong mga issues na binabato ng mga ito. Wala syang time para makipagtalo sa mga yon. Besides, he doesn’t have much to explain. Performance naman ang basehan e. You have to prove something in order to gain one thing. Flattered siya dahil sa dami ng first class agent, sa kanya ibinigay yong dalawang assignment. Yon nga lang, nang malaman nya na inopen ulit ang investigation sa Hartford case, hindi siya nag-atubili na mag-file ng sariling investigation. Ayaw pa nga pumayag ng superior nya but he insisted. He made a promise and it’s a promise he keeps. 

Chapter Twenty Two

“Paige…”

May tumapik sa mukha nya.

“Hmmn…?”

“Paige… Wake up!”

“Ouch!” Napalakas ang tapik nito. Mabilis tuloy syang bumangon at nagmaktol. “Bakit ba?! Natutulog pa ako e.” Nakatitig lang sa kanya si Stephen at mukhang puzzled sa reaksyon niya. Natauhan si Paige at na-realize na nag-promise nga pala sya kay Stephen na magpapakabait na siya. Kahit na wala man lang siyang nakuha kahit ga-tuldok na reply mula dito kagabi sa kabila ng pagbabait-baitan nya. “Ano ba kasi yon?” Pa-inosente niyang tanong saka ngumiti dito. Mas mababa at malumanay na ang tono ng boses. “Inaantok pa kasi ako.”

“Kanina ka pa kasi nagsasalita dyan,” sabi nito sa kanya.

E? Binabangungot ako? She pouted. “For real? Nakakatakot naman yon.” Naupo siya ng tuwid at kinagat ang daliri na parang bata. Pilit nyang inaalala kung binangungot nga ba siya. Pero wala naman syang natatandaan.

“Sa tingin mo ba gigisingin kita? Besides, I’m not used to lying.” Binigyan pa nito ng stress ang huling salita. “Ang dami mo sigurong nakain ano?”

“Oy! Hindi a.” Tanggi niya. “Nilagay ko kaya sa ref. Konti nga lang kinain ko e. Hindi naman ako sanay sa pagkaing pang mayaman.” Binigyan rin nya ng stress ang huling word.

Stephen simpered. Hindi na ito nakipagtalo pa at pumunta na sa bathroom para maligo. Anong oras na ba? Wala man lang wall clock dito. Ang luwang luwang naman ng dingding hindi pa malagyan. Napatingin si Paige sa cellphone niya. 4 AM pa lang? Ang aga naman no’ magising. She sighed. Inaantok pa rin kasi sya. Sinubukan nyang matulog ulit pero hindi na siya makatulog. Para tuloy syang sira na nakatitig lang sa kawalan. Maya-maya ay nakita nyang lumabas ng bathroom si Stephen at deretsong pumasok sa kwarto nito.

She realized that it was Saturday. Maaga nga pala ang pasok nila sa ganung araw. But the good thing is, half day at isang subject lang naman ang papasukan nila. The class starts at 6:30 AM. Mahigpit pa naman yong bago nilang prof. At dahil sa hindi na rin sya dalawin ng antok she think of something worth-doing. Wala rin naman syang makausap dahil mukhang kwarto yong Stephen na yon. Na-curious tuloy siya kung anong pinagkakaabalahan nito. Lagi nalang nagkukulong sa bedroom na parang ayaw nalang lagi paistorbo. Ano kayang importanteng bagay ang pinagkakaaksayahan ng panahon nun? Siguro lagi nalang yon nakaharap sa computer nito gaya ng mga geek na kilala nya. Ano pa nga bang dapat ipagtaka sa isang geek slash nerd? She straightened herself and went to the kitchen.

Pagkatapos magbihis ni Stephen ay lumabas na rin ito ng kwarto para mag-prepare ng breakfast. Nagmamadali pa naman siya. Kelangan pa kasi nyang pagplanuhang mabuti ang gagawing pagpasok sa security office ng University. Hindi rin nya habit na mag-breakfast sa suite. Laging sa labas o kaya sa dining hall ng Hotel sya kumakain. Hindi sa wala syang alam lutuin. Tinatamad kasi syang magluto saka time consuming lang para sa kanya. Kung minsan nga nakakaligtaan na nyang mag-breakfast. But things just recently change.

Nagulat sya nang makita nyang naghahain na si Paige at ready na rin ang table. Hindi sya napapansin nito na nakatayo lang sa pintuan ng kwarto nya. Naisipan nya tuloy panuorin ito habang abala sa pagse-set ng tableware. Mukhang iniinda pa rin nito ang sugat sa kamay. Ang hilig kasi makisangkot sa gulo. Yan tuloy ang napapala. He can’t explain kung bakit naiinis sya sa pagiging careless at war freak nito.

“O! Nandyan ka pala!” Nanlaki ang mata nito ng makita siya. Agad naman siyang umiwas ng tingin dito saka nagpunta sa fridge para kumuha ng maiinom. “May tubig na po dito sa table.” Paalala pa nito ng makitang kumuha sya ng bottled water.

“San ka kumuha ng tubig?” Tanong naman niya dito.

Nag-isip si Paige. “Sa gripo. Nilagyan ko lang ng ice cubes.” San pa ba kukuha ng tubig kundi sa gripo lang.

Stephen suddenly smiled. “Hindi kasi ako umiinom ng tubig galing sa gripo. May distilled water naman a.”

Hindi nakapagsalita si Paige. Ang arte ha! Mag-rereact na sana siya kaso baka ma-offend na naman ang geek na yon. Instead, ngumiti nalang siya. “Naghain na ako. Ininit ko lang sa oven yong pagkain. Sayang kasi e.”

“Ah. Ganun ba?” Parang dedma na hindi maintindihan ang tono ng pananalita nito. “Sa labas nalang ako kakain.”

“Hah??” Maang na tanong niya. Nag-effort pa mandin siyang maghain ng breakfast kahit sumasakit ang kamay niya. Nakakainis naman itong geek na ‘to o! Ayaw ata ng pre-heated food. Pihikan. Nawalan tuloy sya ng ganang kumain.

“Mag-taxi ka nalang mamaya.” Narinig niyang sabi nito.

Taxi? San naman sya pupunta? Paige frowned. “Anong taxi? Para sa’n ang taxi?”

Natawa sa tanong nya si Stephen. Tumingin ito ng pang-asar sa kanya. “Sige. Kung kaya mong lakarin ang University from here. Then fine.”

Lalong nagsalubong ang kilay niya. “Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi na nga ako papasok sa University na yon, di ba?”

“Nasisiraan ka na nga.” He scolded her. “Hindi ka ba nahihiya kay Nicholas. Kahit nahuhuli pa sya sa student ranking he still go to the University. Unlike you. Nasa top at may magandang grades, nag-iinarte pa. I still even do a favor for you. I let you stay here.”

Nagtaka naman si Paige kung bakit biglang uminit ang ulo nito sa sinabi nya. Parang si mama lang kung pagalitan ako? Naalala tuloy niya ang mama niya. She remembered the promise she made. Hindi tuloy siya nakapagsalita. Muntik na nga siyang maiyak. Pinigil lang nya dahil ayaw nyang umiyak sa harapan ng ibang tao. 

Stephen left her to get his things. Paalis na ito ng pigilan nya. “Sandali,” tawag ni Paige saka lumapit dito at inilahad ang palad. Nakita nyang nagtaka ito sa ginawa nya. “Pamasahe?”

He smirked. “Papasok ka? I thought ayaw mo na.”

Tiningnan nya ito ng ilang sandali and pouted. “Hindi. Baka maglalaro lang sa arcade o kaya mamamasyal sa amusement park. Nakonsyensya nga ako sa sinabi mo, di ba?”

Tss. May pagkapilosopo talaga. Kung hindi lang sya nagmamadali baka nilabanan nya ito ng asaran. “Babayaran ko naman. Promise,” dagdag pa ni Paige saka inilapit ang palad sa kanya. Kinuha nya ang wallet at inabutan ito ng hundred bucks.

“Ang laki naman nito!” sabi ni Paige, confused and bemused at the same time.

“Wag ka magpakasaya. May interest yan.” He mocked and leave. Tyak na mangungulit pa ito pag hindi pa sya umalis. Nasa elevator na sya ng maalala nya na nakalimutan nyang i-remind kay Paige na i-secure ng lock yong pinto. Makakalimutin pa naman ang babaeng yon. Napilitan tuloy syang bumalik. He was worried na baka ma-overlook na naman nito at magkaroon pa sya ng malaking problema.

Nagulat naman si Paige ng biglang bumukas ang pinto ng suite. Akala nya magnanakaw na! Nakampante lang siya ng makitang si Stephen yon. Akma pa naman nyang isusubo ang pagkain. Lagi nalang wrong timing ang isang ‘to! Kain na kain na nga ako e. Matapos isnabin ang pagkain ko, mang-iistorbo pa. Ano kayang nakalimutan nito? Bago pa siya makapagsalita inunahan na sya nito.

“Don’t forget to lock the door.” Seryoso pang paalala nito.

Tumango naman siya. “Aye aye, sir.” Saka napatigil. “Ooopss! Best friend pala!” Pang-asar pa niya. Sincere naman siya sa pag-offer ng friendship dito. Trip lang talaga nyang idaan sa biro. Isang pang-asar na ngiti rin ang iginanti nito sa kanya and shut the door back. “Psh. Yon lang pala ang sasabihin. Hindi nalang tinext,” bulong niya saka ipinagpatuloy ang sariling business. Kinuha niya ang phone sa bulsa para i-check kung may message na ba sya. Ooopps. Lowbat pala. Buti nalang bumalik si Stephen di ko rin pala mababasa. 

 

 

Chapter Twenty Three

“What!?” galit na singhal ni Christopher sa kausap. Halos madurog na ang cellphone nito sa galit. “Anong sinasabi nyong nawawala ang isang parte ng chemical composition na yon??!! Hindi ba sabi ko ingatan nyo?!!”

“Babe, ano ba yan?” ingit ng babae sa tabi nya. “Umagang-umaga ang init ng ulo mo.”

“Tumahimik ka!” baling niya sa babae. “Umalis ka na nga! Alis!”

Halos magkandarapa ito sa pagbangon ng marinig ang sinabi nya. Dali-dali itong nagbihis at lumabas ng kwarto. It was his father’s mistress na may gusto sa kanya. Nagkataong mainit ang ulo niya dahil sa nalamang balita.

“Sa tingin ko po nahulog yon nang may makabanggaan akong isang estudyante sa University,” paliwanang nito.

Napakamot-siya. Maraming estudyante ang Hartford. Matatagalan kung iisa-isahin pa ang mga yon. Tatanga-tanga kasi itong mga ito e. “Kalimutan mo na ang estudyanteng yon. Hindi rin naman nya maiintindihan ang mga nakasulat dun. Tawagan mo nalang si Morgan at ipagawa ulit ang chemical bonding structure sa kanya. Dun naman sya magaling.”

“A-Ah, sir. Wala na po si Professor Morgan, hindi ba — …” Nag-alinlangan pa ito.

Napaisip si Christopher. Oo nga pala. Pinaligpit na nya ang matandang professor na yon. Mukhang may planong kumanta kaya inunahan na nya. Baka sumabit pa sya pag nagkataon. Masyado nang marami itong nalalaman. Lalo na at nabalitaan nya na binuksan ulit ng Intel ang pag-iimbestiga sa suicide incident. Mahirap na. Kinukutuban siya sa maaaring mangyari.

“Pwes! Hanapin nyo yong estudyanteng sinasabi mo sa lalong madaling panahon! Hindi kasi kayo nag-iingat!” Naiinis niyang utos dito. “Ano bang utak meron kayo ha?!” Galit niyang pinatay ang telepono. Simpleng bagay nalang hindi pa magawa ng maayos! Tyak na magagalit na naman ang daddy nya kapag nalaman na nawawala ang isa sa mahahalagang dokumento ng research nito. Milyon ang isinugal nito makumpleto lang ang experimentation na yon. Mabuti nalang at nasa Russia pa ito para makipag-deal sa isang kleyente nila dun.

He jumped off the bed and went to the shower. Mas mabuti pang sya na mismo ang mag-examine sa progress ng research. Baka sya pa ang mapagbuntunan ng galit ng daddy nya pag nagkataon. Hindi pwedeng pumalpak ang research na ‘yon. They can’t afford to lose.

Past 7:00 na siya nakarating ng University dahil sa bigat traffic. Minadali na nya ang pagpapark ng sasakyan at dumeretso na sa lab as soon as he arrived at the University. Sinalubong naman sya ng mga assigned personnel ng daddy nya.

“What do we have now?” Tanong niya dito.

“A-Ah. Sir, we have a problem about the missing piece ng — ..”

“Oo. Naibalita na sa’kin yan ng magaling kong tauhan.” Nanggagalaiti na naman siya sa galit. Confirmed na nga talaga ang pagkawala ng sinasabi nitong chemical composition. Isinama siya ng mga ito sa basement para sa actual chemical synthesis.

Nothing has change. Mukha namang smooth pa rin ang operation ng mga ito. Made-delay lang siguro dahil sa problemang dinala ng mga engot na tauhan ng daddy nya. May lumapit sa kanyang security personnel. Binayaran ang mga ito ng daddy nya para matyagan ang buong research facility. Restricted area at piling tao lang ang pwedeng pumasok sa basement na yon. Puro tauhan lang at yong mga envolved sa research ang authorized na pumasok sa lugar na yon.

"One more thing Sir..." Narinig nyang dagdag pa nito. 

“What?” May pagka-sarkastikong tanong ni Christopher.

“May na-identify po kaming anonymous log sa system ng University. Sa student files po to be specific. Ina-identify pa rin po namin kung glitch lang yon o may nag-access talaga ng file sa mismong computer.” Report nito. “Hindi nyo po ba na-access ito?”

“Ano namang gagawin ko sa student files ng University?” Mainit pa rin ang ulo niya.

Tumango ito. “Kung ganun may posibilidad na may nagtangkang i-breach ang access code.” Sabi nito sa kasamahan.

Na-alarma na rin siya sa pinag-uusapan ng dalawa kaya nakisawsaw na rin sya sa mga ito. “Teka nga. Anong sinasabi nyo? May nagtangkang i-breach ang system? Pano nangyari yon?”

Yong isa naman ang sumagot. “Nagkaroon po ng error report about sa unexpected shutdown ng unit na nasa registrar’s office. Kung iisipin parang normal malfunction lang ng ito. Pero ng tingnan namin ang log files. May unauthorized run-time ng program ang narecord sa memory log.”

Medyo nalalabuan siya sa pinagsasabi ng dalawang yon. Ang mahalaga nalaman niyang may nagtangkang buksan ang student file ng University. Ano kayang impormasyon ang hinahanap ng taong yon? Something isn’t right about this. Mukhang may unexpected visitor na sumulpot sa eksina.

Dad should know about this bago pa lumala. He dialed his father’s number and waited for an answer.

Ang Intel lang naman ang masyadong masigasig at nagpapahirap sa mga plano nila. Buti nalang at hindi pipityuging security ang kinuha ng daddy niya. Bakit ba kasi hindi nalang suhulan ng daddy nya ang mga yon ng tumahimik. Gaya ng ginagawa nila dun sa ibang agency. Nabibili na naman ngayon ng pera ang lahat.

“Hello, Dad.” Binati nya agad ito.

“Christopher?” Nagulat siya ng babae ang sumagot sa tawag niya. Chineck ulit nya ang number but it was not a mistake.

“Akin na ang telepono.” Narinig ni Christopher ang daddy niya. “He’s my son.”

Narinig pa nya ang lambingan ng dalawa. Wrong timing pa pala ang tawag nya. Kaya siguro lagi silang nag-aaway ni Mom. San pa nga ba ako magmamana? 

“O, anak!” Halatang excited ang boses ng daddy niya. “Bakit ka napatawag? May problema ba?”

“A-A. Wala. Wala naman.” Saka na nga lang niya sasabihin ang lahat dito. Mukhang busy pa sa babae nito. “Nasa Russia ka pa ba?”

“Oo.” Maikli nitong sagot. Pagkatapos nun ay wala na syang ibang narinig kundi ang pagtawa ng babaeng kasama nito.

Napabuntong-hininga si Christopher. “I'll just call you again later. Mukhang busy pa kau e.”

 

The line drop dead. Ni hindi na nag-reply ang daddy nya. Business ba talaga ang ipinunta nito sa Russia? Go ahead Dad. Take your time. Baka mapauwi ka rin pag nalaman mo ang mga sasabihin ko sa’yo mamaya. Christopher draw a faint smile. 

Chapter Twenty Four

“Paige??”

Lumapit ka kanya si Nicholas. Hindi ito makapaniwala na magpapakita pa ulit siya sa Hartford.  Ang buong akala nito ay nagdrop-out na siya. Yon din naman ang alam ng lahat. Mukha tuloy siyang multo sa paningin ng mga ito.

“Paige!” Ulit pa nito nang makompirmang hindi ito namamalik-mata lang. “Anong namang nangyari sa’yo? Daig mo pa ang nakipag-wrestling sa itsura mo.”

Tinatago na nga niya napuna pa rin. “W-Wala. Nadapa lang.” Obvious na hindi nito pinaniwalaan ang sinabi nya kaya iniba nalang nya ang usapan. “Si Stephen?”

Nagkibit-balikat ito. “Bigla nalang nawala e. Hinahanap ko nga. Tapos ikaw ang nakita ko.”

San naman kaya nagpunta yon? Para talagang kabuteng-multo.

Pinagsama na nya para masaya. Kabuteng kung saan-saan lumilitaw at multong nawawala nalang ng walang pasabi. Sumabay na rin sya kay Nicholas papunta sa assigned room nila. Napansin niyang nasa labas na ng classroom nila si Stephen. Tatawagin nya sana ito pero mukhang may kausap. Para pa nga itong nagmomonologue sa isang tabi dahil naka-earpiece lang ito habang nakikipag-usap. Nakabulsa lang ang cellphone at patingin-tingin kung saan-saan.

“Anong sabi mo? Umaabot ng dalawang daang milyon ang asset nila?” tanong ni Stephen kay Arthur ng tawagan siya nito may ilang minuto na ang nakakalipas.

“Oo. Ang yaman pala nun! Tyak mayaman rin ang kickback nun!” Tumawa pa ito sa sariling biro. Ang tinutukoy ay ang mag-amang Gregory. Bigla itong napatigil saka mahinang tinanong, “Hey! Secured call ba ‘to?”

He simpered. “Kanina pa tayo nag-uusap. Ngayon mo lang natanong yan.” Sabi nya na parang minamaliit pa ang pagiging hacker nito. “Nasa loob naman tayo ng inference perimeter na ginawa ko kanina bago ko sagutin ang tawag mo kaya wag kang mag-alala.”

“A. Kaya pala ang tagal mong sagutin e.”

He glaced at his watch. “May three minutes ka nalang para magsalita dyan.” Paalala niya dito. “Ano naman nga palang nahanap mong impormasyon dun sa janitor? Meron ba?”

Natawa ulit ito sa tanong nya. “Hindi naman ako nahirapang maghanap ng impormasyon sa isang ‘yon. Ang masasabi ko lang, you could use him. He could be a great help o baka nga involve pa. Kaya mag-iingat ka rin.”

Naging interesado siya sa narinig. “Bakit? Ano bang nalaman mo?”

“Malalaman mo rin. Isesend ko nalang sayo lahat ng nakalap ko.”

The line was cut. Psh. Nang bitin pa. Stephen sighed and shook his head. May nareceived siyang e-mail within just a few seconds. And another call. Mabilis naman nya itong sinagot.

“May one minute pa.” Ito na mismo ang nag-bilang ng allotted time. “Ano? Nareceived mo na?”

“Oo na.” Maikli niyang sagot habang tinitingnan ang mga binigay nitong documents.

“Nga pala…” Parang may naalala ito.

“O?” Came his short response. Kung minsan kasi akala mo seryoso yon pala nangti-trip lang ito.

“Alam mo na ba ang balita?” Seryosong tanong nito.

Hindi siya sumagot. Instead he waited for the next phrases na sasabihin nito.

“Professor Morgan is dead. Nakita nalang ang sasakyan pati ang katawan nya sa may bangin early this morning. Tss. Can you believe that?”

Hindi siya makapaniwala sa narinig at agad na chineck ang local news. Kilalang Professor ito kaya imposibleng walang balita tungkol dito. And he proved that Arthur was right. Yon pa naman ang naiisip nyang konsultahin sa puzzling chemical composition na hawak nya.

 “Tingin namin may foul play,” dagdag pa ng kaibigan nya.

For a moment, there was silence. “Sige. Usap nalang tayo after class.” He ended the call. Ano naman kayang posibleng dahilan ng pagpatay sa college isang professor kung may foul play man? Naisip pa naman nya itong hingan ng tulong. Yon pala he was mere too late. Nakita nyang paparating na ang professor nila kaya pumasok na sya ng classroom. Paige was staring at him with quizzical eyes. Nakita siguro nito na may kausap siya which is a very rare thing for him. Hindi sya sumasagot ng mga tawag kung saan-saan pero dahil sa signal inference na ginawa niya. Wala nang makaka-wiretap sa tawag na yon.

Stephen just smiled and went to his seat beside Paige. Imbes na makinig sa lesson na wala naman siyang kinalaman yong files na galing kay Arthur ang pinag-aaralan niya. Inuna nya ang sa mga Gregory. May mga pictures itong kasama at ilang photographs galing sa piling newspapers at magazines na involve ang mga ito. Pati mga private photos sa mga resort kung saan ito nakitang nagbakasyon ay meron din. San kaya pinagkukuha ng lalaking yon ang mga pictures na ‘to?Maraming koneksyon ang magkapatid na yon kaya hindi na rin nakapagtataka.

George Gregory Launches His New Vintage Line. Ito ang headline na nakaflash sa isang newspaper na nakabase sa Thailand ilang buwan pa lang ang nakakalipas ng ma-published ang issue.

Thailand? Laganap ba sa buong mundo ang  family business ng mga yon?

Ayon sa nakalagay sa balita, nag-launch ito ng panibagong product line. Kung dati naka-focus lang sa wine industry ang mga ito ngayon pati mga antique ay isinama na sa mga collection nito. Anong kinalaman ng wines industry sa pangungolekta ng mga antique. Lalo pa siyang nagulat ng mabasa ang isang statement na sinabi nito sa isang prescon:

“It’s my son's hobby. At mukhang nahawaan nya ako.”

He sneered. Sana lang totoo ang sinabi nito dahil wala naman sa mukha ng Christopher na yon ang pangunolekta ng mga antique. Baka babae pa maaari. Nag-open rin ito ng isang Art Center dun kung saan daw ini-exhibit ang mga nasabing antique. Sunod na nag-appear ang picture nito sa launching ng nasabing Art Center. Maraming kilalang tao ang nakunan sa litrato. Isang pamilyar na mukha ang agad nyang nakilala. Si Ranon Milevski, isang Russian businessman na nasasangkot sa 50 Million Dollar Statuette case. Nagtatago ito at pinaghihinalaang bumalik sa Russia para magpalamig. Ganun ba ka-close ang dalawa para dumalo pa ito sa launching ng Art Center nito? Hindi rin nya inaasahang mahagip pa ito ng camera. He suddenly had a thought na maaaring may alam rin ang George Gregory na yon sa nawawalang statuette or even more.

“Pst!” Si Paige. May pagtaas pa ang dalawang kilay nito na parang curious kung anong pinagkakaabalahan niya sa cellphone. “Hindi ka nakikinig no?”

He shook his head and locked his phone. Tyak na mangungulit ito kapag hindi nya itinigil ang ginagawa nya. Tinago ko na po. Senyas nya dito saka ipinakita ang dalawang kamay. Wala na o nasa bulsa ko na. Sign language lang ang gamit niya. 

Tumango naman ito. “Good…!” May pagthumbs-up pa.

Psh. Parang bata. He looked around and saw that only some are listening. Yong iba may kanya-kanyang topic na. Nang hindi na ito nakatingin ay pasimple ulit nyang kinuha ang cellphone. He was suddenly hit by a piece of crumpled paper in the face. “Ano ba?” Inis niyang tanong. Si Paige ang bumato nun. Nakatingin pa ito sa kanya with her reproaching eyes. He sighed and hurriedly leave the room ng walang pasabi. Nainis na kasi sya dito.

Hindi magkaintindihan sa pagtawag kay Stephen si Paige. Si Nicholas naman ay naguguluhan at nakatingin lang. Fifteen minutes pa bago matapos ang klase nila. Napakamot si Paige sa ulo niya. “Patay…” Bulong niya sa sarili. “…nagalit yon.” Hindi naman nya sinasadyang patamaan ito. Okay na kahit yong cellphone lang kaso ang masama e sa mukha pa natamaan. Sana lang hindi malakas ang pagkakabato niya.

Their class ended with Paige wearing her worried face. Hindi siya mapakali dahil tiyak hindi na naman siya papansinin ni Stephen mamaya. May utang pa naman sya dun. Baka nga lagyan nito ng interest yon!

“Ano bang nangyari?” Usisa ni Nicholas.

Napabuntong-hininga siya. “E kasi yong kauri mo — …” Natigilan siya ng marealize ang sinabi. Kauri mong geek sana ang sasabihin nya pero baka ma-offend nya si Nicholas na maang sa narinig. Umiling siya. “Ang totoo kasi… kasalanan ko kaya nag-walk out si Stephen.” May pabato-bato pa kasi siyang nalalaman e. She can’t understand why she’s acting strange lately. Ramdam nyang may nagbago sa kanya. Nagagawa na nyang hindi magalit o mainis ng todo. She can control herself now. And she felt lighter than usual. Mukhang bumalik na ang old self nya. The once spirited Paige that she barely knew.

“A, Paige.” Nicholas started. Katatapos lang nito makipag-usap sa cellphone. “Mauna na pala akong umuwi sayo ha? Gusto sana kitang samahan sa pagsesenti mo dyan kaso tumawag ang kapatid ko, pinapasundo yong bunso namin. Naiwan daw ng school bus.”

Tumango siya. “Sige. Okay lang.” Nagsisimula pa nga lang siyang mag-senti iiwan na syang mag-isa nito. Idinaan nalang nya sa ngiti ang pagka-depress.

“Wag kang mag-alala. Maiintindihan ka ni Stephen. Mabait naman yon e.” Tinapik sya nito sa balikat. “Sige.” At naiwan na nga siyang mag-isa.

 

Ilang minuto nang nakaalis si Nicholas. Si Paige nalang ang tao sa classroom nila. Maloloka na sya sa kasasalita mag-isa kaya naisipan na rin nyang umuwi. Baka nakauwi na rin si Stephen. She grabbed her things and leave for the door. Malas pa niya at nasagi yong injured nyang kamay sa pinto. “Ouch!” Mangiyak-ngiyak niyang sabi saka tuluyang lumabas ng silid. Mabilis talaga ang karma. 

Chapter Twenty Five

She was on her way home at nakalabas na sya sa gate ng University nang makita ang naka-park na sasakyan ni Stephen sa di kalayuan. Kay Stephen ba yon? Anong ginagawa pa nya dito? She stopped for a while and continued, puckered brow. Sumilip siya sa opened window sa may passenger seat.

Stephen noticed her and blandly said, “Get in.”

Sumunod naman siya sa sinabi nito. “Akala ko umuwi ka na. May pamasahe naman ako e.” Mahinahon ang bungad niya dito. “Sorry nga pala kanina.”

“Just forget about it.” Narinig nyang reply nito saka nag-start ng sasakyan at umalis ng University. Sumulyap sya dito pero mas pinili nalang nyang manahimik. Nagsisimula na syang ma-awkward. Inaliw nalang nya ang sarili kakatingin sa mga nadadaanan nilang sasakyan. Later then, she noticed na hindi naman dun ang daan papunta sa Hotel. Maya-maya ay nasa harap na sila ng isang malaking shopping mall. Nag-park sila sa parking area nito at agad na pumasok sa loob. Ni hindi na nya nagawang magtanong. Basta susunod-sunod nalang sya dito.

“Hmm. May bibilhin ka ba?” She finally asked habang papasakay sila ng escalator.

“Meron.” Tipid na sagot nito.

Tss. Galit pa rin ba sya? Nag-sorry na naman ako e. Nakarma na rin nga ako kanina. Napasulyap siya sa kamay na may benda. She sighed and decided to shut her mouth up. Pumasok sila sa isang boutique at dumeretso sa men’s corner. Napa-wow naman siya dahil sa mga fashionable menswear na nandun. Tiningnan niya ang price tag at napalunok sa price ng mga ito. Triple ang halaga nito kung kukwentahin ang utang nya kay Stephen na kasama pa ang interest. Grabe. Grabe talaga. Hindi na niya tiningnan yong iba dahil masha-shock lang siya sa price ng mga tinda sa boutique na ‘yon.

Naglalakad-lakad sya nang masulyapan nya ang isang black na sweater. Maganda ang design kahit na panlalaki ito. Naisip nya si Stephen. Gusto nya sana itong ipakita baka sakaling magustuhan nito. Agad nya itong hinanap pero nawala nalang bigla. Hay! May sa multo talaga! Madaming customer sa boutique na yon na mukhang mayayaman pa kaya siguro hindi nya ito makita-kita. Magpa-panick na sana sya nang mapansin ito sa may bandang dulo na pumipili ng coat. Lumapit sya dito. Napataas pa ang kilay nito ng makita sya.

“Anong ginagawa mo naman dito? Men’s corner po ito.” Puna nito sa kanya.

Nagtaka si Paige sa tanong ni Stephen. Hindi talaga sila nagkakaintindihan kung minsan. Este most of the time pala. “Di ba may bibilhin ka?”

“Oo. Bakit parehas ba ang bibilhin natin?” Nakita ni Stephen na naguluhan si Paige. Ayaw kasi niyang sabihin dito na pumunta lang sila sa mall para bumili ng damit nito. “Dun ka na nga sa ladies’ area at pumili ka na nalang ng damit mo. I just bought you a pair yesterday para lang makapasok ka ngayon,” he explained habang tinitingnan ang isang cream-colored coat. Wala talaga syang balak bilhin ang coat na yon. Just to be normal and to conceal his purpose lang.

“Sigurado ka?” tanong ni Paige, confused sa narinig. “W-Wala akong pambayad. Kaw rin.”

Naisip nyang pagtripan ito. “Oww.. then?” Pansin nyang dumami ang wrinkle sa noo nito. “Dadamputin ka lang naman ng mga pulis at ikukulong. Pinakamataas na siguro ang tatlong araw. So, don’t worry that much,” he seriously added. Lalong naging puzzled ang mukha ni Paige. Madali rin pala itong mapaniwala. He smiled with content and said. “Kidding! Lakad na kasi. Shoooo!”

Iniexpect nyang lalabas na naman ang pagiging amazona nito but he was wrong. Ngumiti lang si Paige at umiiling saka umalis at pumunta na sa ladies’ area. He smiled to himself. Tinutupad ba talaga nito ang promise nito sa kanya? Seriously? Kung ganun e di magkakasundo na sila. He shove his hands into the pocket of his coat and secretly leave the boutique while Paige was busy in the corner at hindi sya napansing umalis.

Stephen just recently made his way out of the place when he spotted a common face, heading towards his direction. Si Mr. George Gregory yon kasama ang mga tauhan nito at dalawang Russian acquaintance. Sa porma at lakad ng mga ito mukhang kagagaling lang sa isang business deal. Pagmamay-ari nga pala ng mga Gregory ang mall na yon. In fact, kanina lang nya nalaman. Nakasulat sa mga documents na pinadala sa kanya ni Arthur lahat-lahat ng mga shares at rights nito. Ayon pa dito, nasa Russia ito at by next week pa ang inaasahang arrival nito. Anong dahilan at napauwi ito ng maaga? Nilampasan lang sya ng mga ito na dali-daling bumaba ng escalator. San kaya ang punta ng mga yon? They seemed to be in a haste. Nagkaroon tuloy sya ng urge na sundan ang mga ito nang maalala nya si Paige. Hindi naman nya pwedeng iwan nalang ito. Psh. Bakit ngayon pa nagpakita ang Gregory na yon? Darn! He drew out his phone and called Arthur.

“O, Stephen?” Tanong agad nito. “Got a problem dude?”

“Is George Gregory in Russia now?” Paglilinaw niyang tanong.

“Oo. Malakas ang radar ko. Next week pa ang balik nun!” Confident pa ang tono ng boses nito at halatang kumakain. Naririnig pa nya ang paglunok nito.

“So, you’re saying na clone lang ang nakikita kong George Gregory na bumababa ng escalator ngayon?” May halong sarcasm ang tanong nya dito habang nakatunghay sa railings ng mall at nakamasid sa mga ito.

Muntik namang mabulunan si Arthur sa sinabi nya. “W-What???!!! Na’san ka ba?”

“Nasa mall na pag-aari nila. And he was currently on his way out of here,” he calmly answered. “Sabihin nating nasa Russia sya in the past few days, anong namang posibleng dahilan at nandito na sya ngayon?”

“Hindi ko alam dude.” Arthur smirked. “Hindi ko naman kamag-anak ang lokong yan! Ang alam ko lang, kung ano mang dahilan yon… it would cost him something kaya napauwi agad. Hayaan mo, may kokontakin akong tao para mawala ang problema mo sa matandang Gregory na yan.”

Stephen sighed. “Sige. Give me updates.” He ended the call and went back inside. Sakto namang tapos na ring pumili ni Paige. Ngumiti ito sa kanya at ipinakita ang ilang pares ng damit na hawak-hawak nito. He smile forcibly at sinamahan na ito sa counter.

 

 

 

Chapter Twenty Six

Nasa sasakyan na sila ng magtanong si Paige. Napansin siguro nitong wala naman siyang binili na kahit ano. “Hindi mo binili yong coat?” She was referring sa coat na tinitingnan nya kanina which in fact, hindi naman talaga nya gusto.

“Hindi ko type ang design,” he blandly answered and drove away. His thought was on the case he was handling. Napapaisip siya kung anong nagtulak sa matandang yon para bumalik ng bansa ng wala sa oras.

Tumango si Paige, paniwalang-paniwala sa sinabi nya at nagawa pang magbigay ng sariling opinion nito. “Pangit nga ang design nun. Pero maganda ang kulay!” May pagtawa pa sa huli.

Stephen found himself smiling. Nawawala ang concentration niya dahil sa childish smile nito. She somehow had a point. Medyo maganda ang kulay nung coat pero panira yong design. May taste rin naman pala siya pag dating sa design. Napatingin si Stephen sa ayos ng buhok ni Paige pati sa boyish style ng pagdadala ng damit. Unfashionable nga lang pag dating sa sarili nya. He partly raised a brow and simpered.

Paige wonder kung bakit mistulang natatawa si Stephen. May nakita siguro siyang clown sa mall. She pouted and turned her look away. Feel nya kasi sya ang pinagtatawanan nito. Hindi lang nya mai-voice out baka kasi nako-conscious lang siya. Buti nalang at hindi traffic. Naging smooth ang byahe nila. Natatanaw na nya ang Grand Shire Hotel sa hindi kalayuan.

They reached the place within just a few minutes. Kahit ilang ulit na syang nakakapasok sa Hotel name-mesmerize pa rin siya sa ganda nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ganitong Hotel ako tutuloy. She suddenly paused and gazed back at Stephen na may dala ng pinamili nya. At sa isang suite with a guy pa. Kung buhay si mama, na-heart attack na siguro yon kahit sabihing nerdy -geek pa ang kasama ko.

Maya-maya pa ay nasa pintuan na sila ng suite. Stephen glanced at her habang binubuksan ito. “Nabili mo ba lahat ng kailangan mo?”

She think for a moment and nod. Nabili naman siguro nya lahat. Kung hindi lang kasi sya nanakawan. “Hmn. Salamat ha.” Sincere ang pagkakasabi nya dito. May pagka-awkward pa nga ang boses nya e.

Ngumiti naman sa kanya si Stephen. “Humahaba na ang listahan mo.”

She pouted. “Oo. Alam ko. Mababayaran rin kita.” Naalala niya yong sweater na binili niya. “Nga pala. Wait lang!” Papasok na sana sa si Stephen sa kwarto ng pigilan niya.

“Why?” Maang na tanong nito sa kanya.

Dali-dali nyang binuklat lahat ng pinamili nya para kunin ito. Ito yong nakita niyang black sweater sa boutique. Gandang-ganda siya sa design at hindi na napigilan ang sarili na kunin ito. Wala naman syang ibang pagbibigyan kaya ibibigay nalang nya kay Stephen.

Nakita ni Stephen lahat ng binili ni Paige. Puro T-shirt na may monochrome design at jeans ang laman ng shopping bag. Kung hindi ko alam kung sinong may-ari ng mga shopping bags na yon baka ang isipin ko matandang lalaki ang may-ari nun. He frowned ng makitang hindi ito magka-intindihan na parang may hinahanap. Pinipigilan lang nyang matawa dahil pati undies nito nabuklat na rin sa harap niya. He cleared his throat restraining a smile. Napatingin sa kanya si Paige, frowned. Then lately became aware about it kaya agad nitong kinuha at ibinalik sa bag. May pag-blush pa nga itong nalalaman which in one way, he thinks to be cute that made him secretly smile.  

Akala ni Paige nalimutang isama nung saleslady yong sweater. Nahihirapan pa naman syang magbuklat dahil sa sakit ng kamay nya. Muntik na tuloy syang mag-panick. Nailabas na nga nya lahat ng nasa shopping bag mahanap lang ito. Yon pala nasa ilalim lang at natabunan nung ibang damit. Pa-suspense pa nya itong iniabot kay Stephen.

“Ano naman ‘to?” Tanong nito sa kanya.

She made a face. “Hindi mo ba nakikita?” Pabiro niyang sagot and set a wide smile on her face.

He simpered. “I know. Ang ibig kong sabihin is... for what?”

“Wala. Nagustuhan ko lang. Too bad. Panglalaki kaya binigay ko nalang sa’yo,” came her answer.

“Hindi naman ako nagsusuot ng sweater e.”

Nanlaki ang mata ni Paige. Halatang nagulat ito sa sinabi ni Stephen. “A. Hindi ba?” Disappointed ang tono ng boses nito. “Sayang naman ang bili ko.”

He chuckled. “Bili ka dyan. Ako kaya ang nagbayad.”

Natigilan siya. “Babayaran ko naman sa’yo. Hindi pa lang ngayon. Heheh.” Reason out ni Paige saka ngumiti ng pa-inosente.

Pa-cute pa ‘tong isang ‘to. Tss. He shook his head. “Whatever.” Dumeretso na siya sa kwarto dala ang sweater na bigay nito.

Naiwan si Paige sa living room. “Tingnan mo yon. Hindi man lang nagpasalamat,” bulong niya sa sarili. Nagulat siya ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto nito.

Stephen stared at her for a while and said, “Thanks anyway.” The door closed again.

 

Masaya na si Paige. She even smiled after hearing it. Sincere naman ang pagkakasabi ni Stephen kaya okay na rin. Sana lang ibawas na nya yon sa utang ko. Unti-unti na nyang inayos ang gamit nya. Wala siyang cabinet kaya sa bag nalang siguro niya ilalagay yong mga gamit niya. Sanay naman siya sa ganun so it won’t make any difference. “Wish ko lang suotin rin ni Stephen yong sweater na yon. Ang ganda pa naman.” If only it would not be that awkward pag sya ang nagsuot hindi na sana nya ipamimigay yon. 

Pagkapasok sa kwarto ay agad na inalis ni Stephen ang salamin niya. He rubbed his lids and lay on the bed. There’s a lot to do but he wants to rest first. Masyado siyang naging busy sa loob ng two weeks na ‘yon. He still needs to dig deeper sa identity ng mga taong involved sa case lalong lalo na sa mag-amang Gregory. Pero sa ngayon, gusto nya munang magpahinga.

Umaga na ng magising siya. 7:00 am. Oras na naka-display sa digital clock na nakalagay sa ibabaw ng bedroom table sa tabi ng kama niya. What??!! It’s already 7:00?! Mali-late na sya sa klase nila. He even wonder kung gising na si Paige. But then, he lately realized that it was Sunday. Wala silang pasok sa ganung araw.

Stephen sighed as he sit on the side of his bed. Napapraning na ata siya sa dami ng iniisip. He reached for his phone. Nagulat siya sa dami ng text. It just all came from the same personTss. It’s her again. He opened one.

 

| How are you, babe? Namimiss mo na ba ako? |

 

He simpered. It was nice that she still remembered him. Matapos ma-check ang inbox niya ay itinabi na niya ang cellphone. Lalabas na sana siya ng kwarto ng mag-ring ito. Ayaw pa sana niya itong sagutin but he did in the end.

“Good morning,” bati ng isang sweet-sounding feminine voice sa kabilang linya. Stephen smiled but never breathe a word. Nagsalita ulit ito at may halo ng pagtatampo. “Makikinig ka nalang ba dyan at hindi mo man lang ba ako babatiin?

He smirked. “Good morning.”

Narinig nya ang pagbuntong-hininga nito. “Finally! I heard your voice. Alam kong hindi ka sumasagot ng mga hindi importanteng tawag kaya I was flattered na sinagot mo ang tawag ko.”

“May sasabihin ka pa ba?”

“Psh. Ano ba namang tanong yan?” Singhal nito sa kanya. “Minsan na nga lang ako tumawag e. Ganyan ka pa.”

It struck his heart. Minsan? Oo nga. Yon na nga ang problema e. Masyado tayong busy kaya wala na tayong time. Kung pwede nya sanang sabihin lahat ng yon. “Nagbibiro lang ako,” sabi niya. “So, how’s life?”

“As usual. Para namang bago ka. Ano pa bang dapat i-expect?” Malamyang sagot nito sa kanya. “And aside from that, boring. Wala ka kasi.”

Wala naman syang maisip na magandang isasagot so he just forcibly laughed. Doon rin nya na-realize na namimiss na nga nya ito. “Nasaan ka ba ngayon?”

“Germany,” maikli nitong sagot. “Sige. Tatawag nalang ulit ako if I had the chance. Laging busy e. Bye.”

Sabi na nga ba. He narrowed his eyes and said, “Okay. Bye.”

“I love you.”

For a moment, he was blank. Noon nalang ulit nya narinig ang salitang yon directly from her. He took a deep breathe. “Same here.” The words just barely came out. And the line went off. Wala na syang naririnig kundi simultaneous beeping. He fetched his phone on the bed at napansin ang sweater sa tabi nito. He smiled and curled his lips.

Kakatok na sana si Paige nang biglang bumukas ang pinto na ikinagulat pa nya. Tumingin sa kanya si Stephen with a wrinkled brow. “A-A. Gigisingin na sana kita,” reason out niya.

“Hindi na kelangan. I’m already awake.” Sabi nito at nagpunta na sa bathroom.

Hmn? Mukhang bad mood? Again? Nagkibit-balikat nalang siya at naupo ulit sa couch. Nabilang na nya ata kung ilan ang sulok ng suite at kung ilang parallel lines ang makikita sa mga walls nito. Nakanta na rin niya lahat ng paborito niyang kanta mula pagkabata hanggang sa recent times. Ang hindi nalang nya magawa e yong magpalit ng benda ng sugat niya. Hindi kasi sya left-handed.

Stephen noticed na mukhang problemado si Paige at nakatitig lang sa injured hand nito. It seems that he already knew why. “Need a hand?”

Napatawa si Paige ng marinig ang tanong niya. “Talagang kelangan ko ang kamay ko.” Stephen chuckled and went to get the things he needed kaso hinarang sya ni Paige. “Ako na ang kukuha ng tubig at med kit. Talent mo lang kelangan ko.”

“I’m just warning you. Mahal ang talent fee ko,” biro niya dito saka umupo sa couch.

Paige laughed. “Utang muna. Total bestfriend naman kita.” Pagkasabi nun ay dumeretso na ito para kumuha ng basin at med kit.

Talagang seryoso ata siya sa bestfriend thing na yon. He shook his head in disbelief. Maya-maya ay bumalik na si Paige and he started to treat the wound.

“O yan. Good news!It seems na mabilis gumaling ang sugat mo,” sabi nya kay Paige nang matapos palitan ang benda ng sugat nito. “It’s healing. Pwede ka na ulit makipag-away kung saka-sakali.”

Oo. At ikaw ang aawayin ko. Ngumiti lang si Paige kay Stephen. May pagka-psychic pa naman ito. Baka mabasa pa ang iniisip niya. “Thanks. Hayaan mo gagawin ko yang payo mo.”

Stephen smirked. “Let’s go.” Kinuha nito ang coat sa kwarto.

“Hah??” Tanong niya dito. Saan naman kaya kami pupunta? Hinintay nya itong lumabas ng kwarto saka itinanong ang laman ng isip niya. “Saan na naman ba?”

“Sa dining hall. Tinatamad kasi akong magluto.” Sagot naman nito sa kanya at lumabas na ng suite.

 

Dali-daling tumayo si Paige. Pag gumaling siya, ang unang-una nyang gagawin ay maggo-grocery. May katamaran ring taglay ang isang yon. Tinatamad magluto dahil wala namang laman yong ref. Sumunod sya dito sa second floor kung nasaan ang dining hall ng Hotel. 

Imprint

Text: CrimsonSkye
Images: CrimsonSkye
Publication Date: 05-24-2014

All Rights Reserved

Dedication:
To all my readers, with love.

Next Page
Page 1 /